"Athena gising na! Bangon na! Tanghali na! Maaga ka pang papasok sa eskwelahan!", sigaw ni nanay habang kumakatok sa aking pintuan hayss sinilip ko ang aking orasan at alas singko pa lang naman nanay naman ohh :((("Opo babangon na po", tugon ko habang tinutupi ang aking pinaghigaan.
"Sige sumunod kana sa baba at may pag-uusapan pa tayo", aniya nanay bago umalis.
Ano kayang pag-uusapan namin? Tungkol kaya saan?. Hayss nakakakaba naman.
After kong magtupi ay ginaqa kona ang aking morning routine ko at pumunta na sa sala.
Nadatnan ko silang lahat dun na nag-hihintay sa akin.
"Good morning po", bati ko sa kanilang lahat.
"Good morning din hija", tugon ni papa sa akin.
"Maupo ka at may pag-uusapan tayo", sabi ni papa. Naupo naman ako sa isang upuan na katabi ni papa.
"Lilipat na muna tayo ng tirahan sapagka't nalulugi na ang ating negosyo", nakayukong saad ni papa.
"Pero Pa kakasimula pa lang ng aking klase lilipat na tayo agad ng tirahan?", tugon ni ate sa di pag-sang-ayon sa desisyon ni papa.
"Pero anak wala na tayong magagawa. Nakapagdesisyon na ako. Dahil kung mananatili pa tayo dito ay di na namin alam kung saan pa kami kukuha ng perang pampaaral sa inyo", tugon ni papa kay ate.
"Kaya ngayong araw ay ipaalam niyo na sa mga guro niyo at pagkauwi niyo ay simulan niyo ng mag impake at lilipat na tayo ng tirahan sa araw ding ito.", sabi ni papa at nilisan na kami sa sala.
Kami naman ay nagsikilos na upang hindi malate sa eskwelahan.
Nakarating na ako sa eskwelahan at agad-agad dumiretso sa aking upuan.
May naririnig akong bulung-bulungan sa klase and i expected tungkol na naman sa akin yun. ;((("Uy uy narinig ko na nalulugi na ang negosyo ng mga Castillo? Tama ba?", sabi ng isa kong kaklase na si Shen.
"Oo nga noh? Naririnig ko rin yan sa mga magulang ko at kapitbahay hahaha", sabi ng isa ko pang kaklasw na si Samuel.
"Paano naman kasing hindi malulugi ang negosyo nila kung utang sila ng utang hahahaha at isa pa hindi nila alam kung paano magpatayo at magpalago ng negosyo nila kaya ayun nalugi hahahaah!", sabi ni Belle.
"HAHAHAHAHAHA oo nga noh"
"Tama ka jan HAHAHAHAHAHAH"
"HAHAHAHAHAHA"
At napuno na ng tawanan ang aming classroom. Hayss okay lang yan selp tiis tiis lang okay smile kana wag kang mawawalan ng pag-asa makakabangon rin kayo stay positive athena fighting!! :)))
Idinukdok ko muna ang aking ulo para malimutan ang aking mga problema.
Minutes past ay dumating na ang aming guro sa Math. Marami pa itong diniscuss about sa quadratic equation kung paano magsolve nito at kung ano-ano pa which is wala ni isa akong naintindihan kasi ang laman ng isip ko ay ang paglipat namin mamaya after kong magpaalam sa aking guro at sa punong-guro.
After magdiscuss ni sir ay hinintay ko munang umalis ang mga kaklase ko bago ako tumungo sa opisina ng aking adviser na si Sir Felix dala dala na ang aking mga gamit.
Kumatok muna ako at pinasok ako sa kanyang opisina. Pagkapasok ko pa lang ay namangha na ako sa kadahilanang napakalinis at napakasimple lamang ang kanyang opisina nahiya tuloy ang aking kutis sa sobrang kaputian at kintab ng sahig at pati narin ang mga gamit doon yung tipong 'simple but elegant' lang ang kanyang opisina. At may nakaukit sa ibabaw ng mesa niya na 'HEAD TEACHER FELIX V. TAMAYO' napakaayos pa nitong tingnan.
"Good morning po Sir", magalang na bati ko sa aking guro.
"Good morning din ano ang maipaglilingkod ko sa iyo?", bati niya rin at sabay ngiti ng malapad. Ohh myy!!! Napakagwapo niya talaga 'oyy selp wag ka ngang maharot Sir mo yam oyy' ahyy sorry na hahahaha okay back to reality na.
"Nais ko lang po sanang magpaalam dahil po lilipat na po kami ng tirahan at doon na rin po ako mag-aaral kung sakali po pwede ko po bang makuha ang aking card at form po kung maaari lang po sana", magalang paring sagot ko sa aking guro kahit na naginginig na ako sa kadahilang hindi ko maalis ang aking tingin sa aking guro at isa oa nanghihinayang ako dahil hindi kona muli pa siyang makikita.
"Ah ganon ba?", tanong ulit sa akin ni Sir kaya tumango-tango ako. "Okay sige maghintay ka saglit dito at may kukunin lang ako", paalam ni sir at nagpunta sa mga locker niya kung saan maraming mga nakalagay doon na mga kung ano-anong papeles.
Habang naghihintay ay pinagmasdan ko ang aking guro. Matipuno siya may katamtamang pangangatawan kayumanggi ang kulay marunong magdala ng damit at higit sa lahat may itsura kahit na may balat siya sa kanyang mukha hindi parin ito nababawasan ng kanyang kagwapuhan.
"Athena"
May itim na itim na kulay ng buhok na bumagay sa kanya. Matangos ang ilong. May mapupulang labi na para bang inaakit ka para halikan ang labi niy----- Ugh! Ano ba selp! Ano na namang kahalayan yang pinag iisip mo! Sir mo yan selp mahiya ka naman!
"Athena"
Pero infairness bumagay sa kanya ang unipormeng suot niya na puti. At isa pa nanghihinayang ako hayss diko na siya makikita pa 'paalam sir mamimiss ki-----
"Athena", hindi ko namalayan na kanina pa pala ako tinatawag ni Sir! Ohh myy!! Shemss nakakahiya yun huhunesss :((((
"P-po", nakayukong tugon ko dahil s kahihiyan lupa lamunin mona ako ngayon na. 'tanga semento yan' Ahyts sorry na.
"Halika na at pupunta tayo sa Principal Office upang maipagpaalam na kita", tugon ng aking guro at nagsimula ng maglakad papunta sa pinto upang tunguhin ang P.O. hindi ko tuloy malaman kung galit ba siya sa akin kasi kanina pa niya ko tinatawag waahhh!! Nakakahiya!!
Sumunod na lang ako kay Sir upang di niya ako kagalitan pero nakayuko parin ako dahil pagkalabas pa lang namin ni Sir sa kanyang opisina ay marami ng mga estudyante sa labas at hindi na naman mawawala ang kanilang bulung-bulungan.
YOU ARE READING
THAT SHOULD BE ME
Diversos"That should be me, holding your hand That should be me, making you laugh That should be me, this is so sad That should be me That should be me" Inaawit ko itong kanta na ito ng paulit-ulit, yung tipong kahit ilang beses ko pa itong pakinggan at awi...