Nakarating na kami sa Principal Office upang magpaalam. Kumatok si Sir sa pintuan at pinagbuksan naman siya nung babae sekretarya ata siya ng Principal. Ngumiti lang ang babae sa akin pero nung napako na ang paningin niya kay Sir ay malapad na itong ngumiti. Errr may gusto ata ito kay Sir. Tumikhim na lang ako upang maagaw ko ang atensyon nung babaeng haliparot de joke lang. Tuluyan na kaming pinagbuksan nung babae at tinungo kami sa opisina ng Principal."Good morning Sir", bati ni sir sa nakatalikod na lalake.
"Good morning Sir", bati ko rin sa aming punong-guro. Di maikakailang may itsura din ang aming Principal. May matipunong katawan at bumagay sa kanya ang kulay itim na suit at pantalon. Errr ano ba Athena umayos ka nga!
Humarap naman yung lalaki at laking gulat kona parang nakita ko na ito somewhere pero diko lang pinahalata.
Ngumiti lang yung lalaki kay Sir at nung pagkaharap niya sa akin ay biglang naglaho ang kanyang ngiti na para bang gulat na gulat siyang makita ako.
AN: sorry for the shortupdate today hehe :)))
YOU ARE READING
THAT SHOULD BE ME
عشوائي"That should be me, holding your hand That should be me, making you laugh That should be me, this is so sad That should be me That should be me" Inaawit ko itong kanta na ito ng paulit-ulit, yung tipong kahit ilang beses ko pa itong pakinggan at awi...