- P R O L O G U E -

211 2 0
                                    

Francine

Noong mas bata ako, napakahilig kong magbasa sa Wattpad ng love stories. Favorite kong plot? fake dating. Ang cute kasi na 'yung main characters magpapanggap ng affection sa isa't isa hanggang sa di nila namamalayan nagiging totoo na pala mga pinapakita at nararamdaman nila. Di ko akalain, noong pumasok ako sa showbiz, magiging buhay ko pala 'yung mga binabasa ko lang dati. 

Kapag parte ka ng loveteam, trabaho mo magpakilig. Di required na maging kayo, at bilin ng management na wag magsasabi at magpapakita ng di totoo. "Be sincere," sa kahit anong bagay—interviews man, guestings, o vlogs—sabi nila. "Kahit gaano kayo kagaling umarte, fans will feel your sincerity."

Pero sa mundo ng Philippine showbiz, mas madaling sumikat kapag parte ka ng successful na loveteam. At magiging successful lang ang loveteam niyo kapag madami kayong ganap sa likod ng camera. Kapag umaasta kayong parang kayo kahit hindi.

Di tulad sa Wattpad, wala kaming naging happy ending ni Kyle. Nagumpisa at natapos ang kung anong meron kami sa harap ng camera.

Maglilimang taon na ang nakalipas simula noong nabuwag ang gold squad. Nagkaroon ng sunod-sunod na projects si Seth at Andrea. May bago nga silang movie na ilang linggo nang blockbuster. Sinama nila ako sa premiere night. Di man kami masyado nang nagkikita ng squad, we make sure na sa mga malalaking events nandoon kami para sa isa't isa. Sobra sobra sobrang proud ako sa kanila. Di ako naniniwalang sila magiging next Kathniel. Hindi sila magiging next anything, dahil ang Sethdrea ay Sethdrea. They're their own people, their own brand.

Pinaghiwalay na kami ni Kyle noong naghiwalay ang Gold Squad. Officially, binuwag na ang Kycine. Si Kyle nagfocus sa music niya. Wala siyang album na lumabas na hindi nagtop sa charts; magbukas ka ng radyo ngayon, pusta ko sa'yo, kanta niya pinatutugtog. Kung sobrang proud ako sa Sethdrea, kay Kyle...di sapat 'yung salitang proud.

Ako naman, nagdecide ang management na ipagpatuloy ko ang career ko nang magisa.

"Mas madaling umangat pag parte ng loveteam, pero Francine may tiwala kami sa'yo," sabi ni Ate B, ang manager ko.

Kakayanin ko raw, sabi nila. "Some of the greatest actresses in this network are solo artists. Maja Salvador, Angel Locsin, Jodi Santa Maria..." sabi ng isa pang boss. "Kaya mo. Naniniwala kaming kaya mo"

Malaking pasasalamat ko sa tiwalang 'yun. Sinikap ko talagang galingan sa pag-arte at maging maayos na katrabaho sa bawat project na binigay nila pagkatapos ng Kadenang Ginto. Regular akong umaattend ng workshop, sinigurado kong memorize ko na bawat linya bago magshoot, wala kong reklamo kahit gano katagal o kahaba ang taping—kahit wala na kong tulog o kain, at kahit saang lupalop na mainit o delikado kami pumunta para magshoot—at lahat ng cast at staff sa bawat project, kinaibigan ko.

Ang daming hirap, pero salamat sa tiwala ng management at fans, kinaya. Kakatapos lang kanina ng huling shoot sa prime time drama na pinagbidahan ko. Salamat sa Diyos, bago pa man natapos to, may movie na kong nakalinya. Magpahinga lang daw ako ng ilang araw tapos, next weekend, may meeting ako kasama ang management tungkol sa movie.

Nasa condo ako ngayon kasama si mama. Kumuha kami ng maliit na condo sa Quezon City, malapit sa ABS, para mas madaling umuwi pag ginabi sa taping. Pero sa Cavite pa rin ako umuuwi pag walang taping, at doon pa rin nakatira mga kapatid ko at sina mama at papa. Minsan, dumadalaw si mama rito para dalan ako ng pagkain. Tulad ngayon.

"...sold-out!" naabutan kong sabi sa pinapanood ni mama na balita. Kakagaling ko lang sa pagidlip sa kwarto.

Sumandal ako sa gilid ng pintuan para makinood. May clip ng malaking concert crowd. Ang daming fans, may hawak na ilaw, tapos sumasabay sila sa tugtog. Napangiti ako noong lumabas siya sa screen.

"Kyle, this is your third concert and it was just as successful as the previous two. How do you feel right now? Inexpect mo na ba 'to?"

Halata 'yung emosyon sa mata ni Kyle. Hindi, hindi niya inexpect 'to. Kahit gaano na siya kasuccessful, sa tuwing nagco-concert siya, di pa rin siya makapaniwala na ganoon karami nagmamahal sa kanya. Parang sasaboog na puso nito sa saya.

"No, I didn't expect this at all! Every concert still feels like a dream to me, and this is no different. I'm so grateful for all the fans who came out to join me tonight. I'm so grateful, I'm so happy. I feel like my heart's gonna explode!" may halong tawang sagot ni Kyle sa reporter.

Tahimik rin akong natawa. After all these years pala, basang basa ko pa rin siya. Ibang iba na siya ngayon, pero somehow, parang...siya pa rin yung Kyle na kilala ko.

"Kyle, congratulations on your concert! Ang galing mo! You blew the crowd away. Pero...I think may part na you surprised your fans 'no?" sabi ng reporter.

Lumaki yung ngiti ni Kyle. He slightly chuckled at umiwas ng tingin.

"Kyle sang one of his old songs for the first time in years," narrate ng reporter bago magcut sa clip ng concert ni Kyle.

Nakatayo siya sa stage. Hingal at pawis pero may malaking ngiti sa labi. Naglakad lakad siya sa platform hawak ang mic.

"Guys, this next song is special to me. I'm not sure if you remember it. But...this has always been one of my favorites," nagpause siya noong nagcheer 'yung fans. "Uh...this is dedicated to...the one that got away..."

Mas lumakas 'yung cheer.

"...an ode to young love, to my younger self and uh...a special someone"

Wow, may paganun ah.

Muntik na kong matawa pero may pamilyar na intro na nagplay. Nawala yung tawa sa bibig ko. Lumakas 'yung tibok ng puso ko. Napatayo ako ng diretso.

Kanta namin 'yan ah. 

Make it With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon