Francine
Parang kanina pa siya nakatingin sa'kin, pero di ako makalingon. Nauubusan na ko ng building na titignan sa labas, at baka magka-stiff neck na ko sa ginagawa ko, kaya bumuntong hininga ako at naglakas loob na lingunin na siya.
Inalis niya agad tingin niya at binuksan ang radyo. Namumula 'yung tenga niya. Mukha siyang batang nahuling kumukuha ng chocolate sa ref kahit bawal.
"Buksan natin radyo," sabi niya bigla.
Binaling ko ulit ang tingin ko sa labas at pinigilan ang ngiti ko.
Wag mag-assume, please. Baka napatingin lang. Walang meaning 'yun, saway ko sa sarili ko. Wag marupok. Wag marupok. Wag marupok. Repeat until true.
At kung di ka ba naman minamalas...
Your hair's grown a little longer
Your arms look a little stronger
Your eyes just as I remember
Your smile's just a little softer
Alam niyo 'yung scene ni Popoy at Basha sa kotse noong stuck sila sa traffic tapos nagplay 'yung song na Nanghihinayang? Ang masasabi ko lang, nakakatawa lang siyang tignan pag pinanonood sa movie pero in real life, di siya nakakatuwa.
Umandar na ang kotse. Patuloy na nagplay ang All These Years ni Camila Cabello na parang nangaasar. Option 1: Ilipat ang channel. Option 2: Patayin ang radio. Option 3: Buksan ang pinto, tumalon, at magpagulong-gulong sa kalsada.
And I, and I never prepared for a moment like that
Yeah, in a second it came all back, it all came backPareho kami ni Kyle tahimik nakatingin sa harap. Pinaraanan niya ng kamay buhok niya. Bakit ang gwapo? Bakit kahit sa corner ng eye ko lang naman nakita, gwapong gwapo pa rin ako? Ano ba problema ko?
Option 4: None of the above. Kebs lang dapat. Wag paapekto.
"Cause after all these years," sabay niya bigla sa kanta. I abruptly turn away and train my eyes on the windows again. Lord, you're testing me.
"I still feel everything when you are near"
Ah, buong chorus sasabayan niya? Suddenly, option 3 doesn't sound so bad.
"And it was just a quick hello
And you had to go
And you probably will never know
You're still the one I'm after all these years"Pabulong niyang kinanta 'yung huling line. I sighed.
Eh ano naman? Ano nanaman iniisip mo? Wag kang assuming, te! saway ko sa sarili ko. Kanta lang 'yan, wag ka affected.
"Lumalim boses mo," I tried to start a conversation para di awkward. Tsaka para di na siya kumanta, ang lakas maka-pa-fall eh.
"Is that a good thing or a bad thing?"
"Hmm...good," sabi ko. I catch him grinning again in the corner of my eye. Wag kang lilingon para tignan. Wag marupok, paalala ko sa sarili ko.
"Congrats nga pala sa concert"
Humupa 'yung ngiti niyang pa-fall at natahimik siya sandali. Ilang segundo lumipas bago siya sumagot. "Thank you..."
Napatingin ako sa kanya. Parang may sasabihin kasi siya na pinagiisipan pa niya. Binalik niya 'yung smile niya noong nagtagpo mata namin.
"May tampo ako sa'yo," he finally blurts.
BINABASA MO ANG
Make it With You
عاطفيةLimang taon nang buwag ang Gold Squad. Limang taon nang walang Kycine. Limang taon na ang nakalipas noong huling nagpanggap si Francine at Kyle sa harap ng camera. Pero maliit ang mundo ng showbiz. Minsan, ang mga umaalis, bumabalik din. Is fake...