- T W O -

124 4 1
                                    

Francine

Nagdouble check muna ko sa salamin bago lumabas ng bahay. Syempre, kailangan matino itsura ko para naman di sila magsisi na binigay nila sa akin 'tong movie na to. First romcom and major prod movie ko to. First time ko bumida sa ganito. Mas forte ko kasi serye tsaka drama, di masyado sa romance.

Hanggang ngayon kasi medyo ilang pa rin ako sa mga lalaki. Halata daw sa camera sabi nila; nawawala daw chemistry tsaka awkward sa set. Kahit 'yung mga romance subplot ko sa mga drama, binabawasan. Pero eto nanaman sina Ate B at management, binibigyan nanaman ako ng tiwala: tiwalang kaya kong itawid 'tong movie na 'to.

Nakawhite akong sleeveless na top, jeans, at white platforms. Inayos ko 'yung buhok ko sa half ponytail na may malaking white ribbon. Nilabas ko lipstick ko at nag-reapply. Classic red para pak. Finally, kinuha ko na 'yung red kong Tory Burch handbag—regalo ni Ate B after first solo project ko—at lumarga na.

Game.

"Chin, kasama na pala lead mo sa meeting," sabi ni Ate B sa akin sa van.

"Kala ko po di pa sila nakakapagdecide kung sino?"

"Kala ko din, pero okay na raw. Nafinalize na. Mamemeet mo later," sabi niya. May something sa mukha niya na di ko maexplain. Parang natatawa siya na ewan.

"Sino daw po?"

"Ahh..." umiwas siya ng tingin. "Basta, di na importante. Basta galingan mo ah. Tiwala kami sa'yo"

Umayos akong upo. Sinubukan kong di ipakita na kinakabahan ako. Paano if maging awkward nanaman ako?

"Ah..." sabi ko. "Okay po. Sana magkasundo kami"

Tumawa siya bigla at dinala 'yung tingin sa bintana. Nagclear siya ng throat, parang nagpipigil ng tawa.

"'Yun nga din inaalala ko eh," sabi niya. "Bakit ba ang awkward mong bata ka pag may nakakatrabaho kang partner. Bakit kay Kyle naman noon, okay naman"

Nako. Di ko rin alam, Ate B. Di ko rin alam.

Pinabasa lang sa akin 'yung sample ng script tapos nagpirmahan na. Mamaya pa raw 'yung meeting about taping schedule, pagdating ng isa pang lead.

Habang nagiintay, dinaaanan ko ulit ng basa 'yung sample script. Iniisip ko na paano atakihin 'yung character. Pansin ko biglang tumahimik sa meeting room, pero di ko na pinansin, baka wala lang.

"Uy hala!" gulat kong sabi noong may tumakip sa mata ko. Kinapa ko 'yung kamay.

Bakit parang...parang...

Nangaasar na 'yung mga nasa kwarto. May mga tumili pa nga.

"Chin, hulaan mo raw sino," sabi ni Ate B.

"Uh..." kinapa ko ulit 'yung kamay. Alam ko kung sino. Alam ko ata. Pero baka ang feeler pag sinabi ko 'yung hula ko. Or baka maissue kapag hindi naman pala.

"Di ko alam," sabi ko na lang, sabay tawa.

"Sige na, Francine. Hulaan mo na. Isang hula lang," sabi noong isang staff.

Gumagalaw 'yung mga kamay. Natatawa na rin siya sa kalokohan niya. Alam ko na kung sino 'to.

Di ko muna pinansin 'yung nagra-riot na tibok ng puso ko. Asarin ko muna 'to. "Joseph Marco?"

Biglang umalis 'yung kamay. Lumingon ako at bumungad sa akin ang pagmumukha ni Kyle John Echarri. Nakasubsob mukha niya sa bandang balikat ko, sobrang lapit sa akin. Kailangan ko na ata magpaospital, yung puso ko parang ewan; eight thousand beats per minute ata ang pagtibok. For sure namumula na ako.

Nilamutak ko mukha niya gamit kamay ko tsaka ito tinulak. Tumawa lang ang loko. Tumayo na rin ako para harapin siya.

Pagkarecover, sabi niya "Joseph Marco talaga?"

Alam ng lahat na happy crush ko si Kuya Joseph, nasa Gold Squad pa lang kami. Alam ko namang di siya 'yung nagtakip sa mukha ko. Obvious naman na si Kyle 'yun. Sa laki pa lang ng kamay eh. Sinabi ko lang na Joseph Marco para maasar siya.

Hinampas ko siya. Nakakapikon 'yung mapangasar na ngiti niya. "Anong ginagawa mo rito?"

Tumawa siya at nagflex ng balikat. "Ano sa tingin mo?"

Ang intense pa rin niyang tumingin hanggang ngayon. Nakakatunaw. Nakaka...bwiset!

"Ano nga?" Bahagya ko siyang sinipa. Pahirap na nang pahirap itago ngiti ko habang narerealize ko kung bakit siya nandito.

May ilang seconds na lumipas na tinitignan niya lang ako bago siya sumagot. Hindi ko alam paano posibleng gumwapo pa siya lalo. Lord, tama na, di na po patas sa mundo.

"Hulaan mo"

"Bakit ang daming pinapahula sa akin today! Di ako ininform na may pa-exam pala rito, edi sana nagreview ako! Ano nga kasi?"

Di na niya pinansin tanong ko at umupo na sa table. Ngumisi lang siya at kinindatan ako.

O, pucha, ano 'yun! Bakit may paganun? 'Yung graph ng kagwapuhan ni Kyle directly proportional sa pagka-pa-fall niya. Di lang lalong gumwapo, lalo rin lumandi. Nakakabwisit talaga. Never pa ko nagwalkout sa meeting, pero there's a first time for everything naman 'no?

Natapos ang meeting na wala akong naintindihan. Nadistract ako sa pagmumukha ni Kyle. Magkatapat kasi kami sa table. The whole time nakatitig lang siya sa akin tsaka nakangisi. Sinisimangutan ko na at inambaan habang walang nakatingin pero di nagpapatinag. Nangaasar talaga.

"Sige, meeting adjourned. Isesend na namin ang full script sa inyo by tomorrow, ifa-finalize lang muna namin. Irerelease ang balita ng Kycine reunion by the end of the week, pero kayong dalawa," tinuro kami ni Direk Rai, "Magpost na kayo ng mga patikim bago pa man ang official announcement. Para may idea na tayo pano kayo tatanggapin ulit ng fans."

"Script reading by next week kasama full cast. Tapos the following week, start na ng taping. Sesend namin sched as soon as it's prepared"

Tumango lahat.

"O ayan ha, sinummarize na ni Direk buong meeting. Tutal mukhang may mga di nakikinig dito," sabi ni Ms. Anne, 'yung production head.

Nagtinginan lahat sa amin ni Kyle. Nagkatinginan kaming dalawa. Nagpigil siya ng tawa, habang ako ngumiti ng guilty sa lahat. Patay sa akin 'to mamaya.

"Si Kyle po kasi—" panimula ko.

"Oh. Oh," saway ni Ate B, "Mangangatwiran pa ah."

Nakangiti naman siya habang pinapagalitan ako. 'Yung iba rin natatawa lang 'yung expression. Mukhang wala naman galit.

"Sorry po"

Pinaraanan ko na lang ulit ng ngiti ang lahat. Si Kyle, minangutan ko ulit noong nagkasalubong kami ng tingin. Mas lalo lang lumaki ngiti ng mokong.

Aliw na aliw ka, Echarri?

Make it With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon