A U D I T I O N R O O M
Taas noo akong naglakad papasok ng silid.
Isa lamang itong kuwadradong silid kung saan ay puting puti ang mga pintura ng mga dingding.Sa gitna ay may isang malawak na espasyo na kung saan malaya mong magagawa ang gusto mo.
Sa bandang unahan naman nito ay may isang parihabang lamesa na may taklob na puting tela.
Sa itaas nito ay may nakalagay na maliit ng papel na nagsasabing "EVALUATORS"Nga pala bago kami pumasok sa pinto ay inaabutan kami ni ateng staff ng sticker at sinabi niyang idikit daw namin ito.
01012 ang number ko.
Nabigla ako na libo-libo pala ang gustong mag-audition sa isang kpop entertainment na ito.A Little Trivia:
NM Entertainment is one of those KPOP entertainment here in the Philippines that decided to look for an aspiring and talented Filipino artist. They are known to trained artist very well.As in intense daw ganon. (Sabi lang sa akin, bakit ba?!)
So balik tayo sa reality.
May 4 na evaluators ngayon ang nakaupo sa likuran ng lamesa.
Lahat sila ay may mga seryosong mukha.Kakakaba naman ito
"Okay, auditonees. You may start" aniya ng isang lalaking koreano na nasa gitna.
Teka wait?! Anong gagawin namin.
TING!
"Annyeong, I'm Cha Bong. 23 years old from Makati City." malakas na kompyansang pagkakasabi ni no. 01008
Singkit. Matangkad at kitang kita mo ang malaporselana nitong kutis. Base sa observation ko may lahing Chinese or Korean ito. (haha judgemental ka self?)
" GOOD MORNING!! "
Nabigla naman ako sa lakas ng boses ng sumunod na auditonee no. 01009. Long silky hair siya at kung titingnan mo parang pwede nang pang commercial ang dating ng buhok niya. Base sa mukha niya para siyang mataray. Yung kilay niya sobrang pak na pak plus yung labi niya na mala Anne Curtis (pffffft kaya pala malakas boses niya ayt charr)
"I'm Annie Estebal all the way from Makati. 23 years old. Nice to meet you" sabay bow nito sa mga evaluators.
"H-hello po. Ako po s-si Jennie Grencio. Dalawangpu't tatlong taong gulang mula sa siyudad ng Taguig" halata sa mukha ni no. 0110 na kinakabahan siya at hindi siya direct tumingin sa mga evaluators.
Ako ang kinakabahan para sa kanya eh.
Next.
"Hello, everyone" sabay hawi ng buhok nito pakaliwa.
"My name is Ming Panaglima. 23 years of age from province of Quezon." sabay hawi nito muli sa kanyang buhokPwew, akala mo kung sinong maganda e hindi naman masyado. Grabe naman yung awrahan niya parang bad girl. Tapos - -
"Ahm, miss you're next" aniya ng isang evaluator.
Oh shit. Ako na pala ba't ko kasi kinakausap ang sarili ko eh.
Yumuko ako ng 90 degrees bago magsimulang magpakilala. Kakanood ko nang Kdrama yan ang napupulot ko.
"Annyeonghaseyo, Rissa Abuel from Laguna, 22"
sabay bow ko ulit bilang paggalang."Okay, let's go to second phase"
"It's about showing your talent. You can either sing, rap, dance or do two of it at the same manner of time" paliwanag naman ng babae na katabi nung koreanong nasa gitna.We are given 5 minutes to showcase our talent.
Nauna si Cha. Kumanta siya at rinig na rinig mo ang malamig nitong mga boses.
Si Ate Annie naman (wow lakas maka-ate self, kapatid mo ha?) nagrap siya na may kasamang sayaw.
Ang astig niya. Promise
Kumanta naman si Jennie with a little rap.
Habang si Ming naman ay sumayaw and of course di mawawala yung paghawi niya ng buhok niya.At Ako?
Well, syempre hindi ako papatalo.
I did three of it. I sing and rap while dancing.
Medyo nakakapagod pero kinaya naman.Nagpalakpakan naman ang mga evaluators.
"Now, wait for our email or text. It's a conformation that you've passed this audition. Goodluck future trainees" pangwakas naman na salita ni guy sa may left part.Sabay sabay kaming nang bow at lumabas na ng audition room.
BINABASA MO ANG
Life as a Kpop Trainee (ON-GOING)
Short StorySa tingin ng iba kapag kpop trainee ka puro saya ang mararamdaman mo. Sa tingin ng iba kapag kpop trainee ka you'll learn how to dance and sing well Pero ano nga ba ang sa tingin ng isang kpop trainee na kagaya ko? Halina't samahan mo akong alamin k...