Chapter 3 : FRIENDS

43 18 3
                                    

"Hayyssst" sabay sabay pang buntong hininga naming lima pagkalabas ng audition room

Nagkatinginan pa kami at sabay sabay na nagtawanan na lamang.

"Goodluck sa atin guys" masayang bati ni Ate Annie sa amin.

Tama ako nang tingin sa kanya. Siya yung tipo ng friendly at parang madali siyang makisama.

Wait self diba parehas lang yon?!
Hmmm.. whatever haha

"Salamat po Ate Annie. Sana lahat po tayo ay maging trainee dito" masaya kung tugon.

"Shhh, drop the Ate part. Kaunti lang naman siguro ang agwat ng edad natin diba?" bwelta ni Ate Annie

"Pfftt-- sorry naman. Sanay kasi akong maglagay ng Ate kapag alam mo na mas matanda sa akin hihi. Sorry"

"G-gguys, mauna na ako sa inyo ha. Ggo - goodluck po sa atin" sabay ngiti nito sa amin

Hmm, ganon ba talaga si Jennie o pati sa amin kabado siya?!

"Take care guys. I need to go na din" sabay beso ni Ate Cha sa bawat isa sa amin.

"Ey, wait Cha. Sabay na tayo." akbay ni Ate Annie kay Ate Cha

"Pfffft. Gusto mo lang makalibre sa pagsakay"

"EH, ano ka ba kaya ka may kotse para isabay mo ako"

Pfft natatawa na lang ako kay Ate Annie. Siguro close sila ni Ate Cha beside sa parehas silang taga-Makati eh nakita ko na kanina pa sila nag-uusap bago pumasok ng audition room. Baka nga magkasama talaga sila nag-audition.

"Bye po. Ingat kayo :)" paalam ko sa kanila nang may kasama pang wave ng kamay.

"Ikaw ba?" turo ko kay Ate Ming

"Ako?" sabay hawi niya sa buhok niya at tinuro niya ang sarili na may pagtataka.

Well, ikaw nga. Sino pa ba?! Akala mo talaga kung sinong maganda. Pahawi hawi pa ng buhok.

"Ahm, oo. Ikaw. Tara sabay na tayong bumaba ng building" pag-aya ko.

"Hmm, okay" sabay pakita niya ng hilaw na ngiti at hawi ng kanyang buhok.

Psst, required ba talaga na kada imik niya maghawi siya ng buhok niya. Ewan ko ba. Bakit ba ako naiinis sa kanya.

Pagkasakay ng elevator pinindot ko na ang Ground floor button.

"Ahm, taga saan ka nga pala?"

"Quezon Province" sagot niya

Hala weyt! Quezon Province?!

"Sinabi ko na kanina sa intro ko pero mukhang wala ka sa wisyo kanina at hindi mo na pati alam na ikaw na ang kasunod ko hihi" Dagdag pa nito.

Hayyssst ang baliw mo talaga Rissa. Bakit kasi observe ako ng observe kanina eh bwahaha

"Ay sorry."
"Btw, commute ka o may sasakyan ka? Hindi ako makikisakay kung meron ha. Tinatanong ko lang" mabilis kong sabi

"Bwahaha, ang defensive mo. Well, commute lang ako. Gusto mo sabay na tayo? Diba taga Laguna ka?" Magkasunod na tanong nito.

Napangiti naman ako. At masayang tumango.

Fast Forward

Nakasakay na kami ngayon sa van na papuntang Lucban.
Taga Lucban lang pala siya and ako naman is taga Majayjay na sobrang lapit lang sa Lucban, Quezon.

Habang tumatagal ang byahe ay mas napapalagay ang loob ko sa kanya. Yung inis ko sa paghawi niya ng buhok niya is unti unti nang nawawala.

Mabait naman pala si Ate Ming kahit na medyo bad girl ang datingan niya.

Nagkwentuhan pa kami ng maraming bagay about sa mga dreams namin. We also add each other sa FB para may communication kami kung sakali man.

Hindi ko namalayan na malapit na pala ako.
Nagpaalam na ako sa kanya sabay pumara na sa may kanto.

Naghihintay naman sa may waiting shed ang very supportive pudrakels ko. Nagmano ako sa kanya sabay kiss sa pisngi nito.

Simula bata ay ganon na ang ginagawa namin nang kapatid ko kapag kakarating lang from school o kaya naman ay kakarating lang ni pudra galing work niya. Way na rin ng paggalang siguro.

Dahil papasok pa sa kalsada bago makarating sa bahay namin. Kwinento ko kay pudrakels yung about sa audition and of course sa new found friend ko na si Ate Ming.

--------
AUTHOR'S NOTE:
Hi, readers. Salamat kung may nagbabasa man nito. Sorry din if sobrang tagal kong mag-update hihi

Your VOTES and COMMENTS are highly appreciated :)

Thank you.

Life as a Kpop Trainee (ON-GOING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon