"You have reach your destination" isang tunog na narinig ko mula sa phone ng grab driver na sinasakyan ko ngayon.
Natigil na ako sa pagmumuni at ibinigay na sa driver ang bayad ko.
"Salamat po" sabay sarado ko ng pinto ng kotse.
Inhale.
Exhale.Lakas loob kong nilingon ang isang mataas na building. Kung papansinin mo ay kakaiba ang detalye ng building na ito. Isang malaking logo naman ang nasa may bandang kaliwang itaas nito "NM Entertainment"
Pagkabasa ko pa lang nito ay nakaramdam na ako agad ng kaba sa aking dibdib.
Haysst kaya ko ito. Ako pa ba? Laking Laguna ata ito.
Para akong tanga na tumatalon dito sa labas ng building para mawala ang kaba ko.
Tumigil na lang ako nang mapansin ko na may tatlong lalaking papalapit sa direksyon ko."Uy, bilisan niyo na at baka malate na tayo" aniya ng isang lalaki na may dilaw na buhok.
Natawa naman ako nang bahagya nang mapansin ko na primary colors ang buhok nang tatlo. Dilaw, Pula at Asul
Dahil doon nawala na ang kaba ko.
Sumunod na din ako sa tatlo papasok sa building.
Napatingin naman ako sa relo ko at muling nataranta.
7:55 amShit.
Nagmamadali akong pumunta sa front desk para itanong kung saang floor ang destination ko."5th floor po, maam"
"Aysigepothankyoupo" walang preno kong sabi at kumaripas na ng takbo papunta sa elevator.
Magsasara na sana ang pinto nito ng dali dali kong hinagis ang bag ko para mapigilan ito sa pagsara.Nang makarating na ako sa tapat ay pumasok na ako agad sabay dampot ng bag ko.
Bakas na bakas sa mukha ng mga tao na nasa loob ng elevator ang pagkagulat sa ginawa ko.
Buti na lang ito yung tatlong nakita kong lalaki sa labas. Nawala tuloy ulit yung kabang nararamdaman ko.
TING!
Tumingin ako sa number sa taas at nakita ang number 5.
Lumabas na ako agad at umupo na ako sa silya na may nakasulat na waiting area.Kumuha ako ng tubig mula sa bag ko at sabay ininom ito.
Time check : 7:59 am
Wooow buti umabot ako (>_<)
Nakakahiya naman kung malate ako dito.Napansin ko na dumaan sa harap ko ang tatlong lalaking magkakasama kanina at dere-deretsong pumasok sa silid.
Ngayon ko lang napagtanto na hindi pala ako pumindot ng anumang floor sa elevator pero nakarating ako dito. Kaya pala.
Hmmm ano kaya sila dito?
Maya maya'y may lumapit sa aming isang mukhang koreanang babae at yumuko ito nang bahagya bilang pagbati.
"Hana, dul, set, net,
Daseot" nakaturo ang maliit nitong hintuturo sa akin hudyat na ako ang panglima sa susunod na papasok sa silid na iyon.Sabay - sabay kaming tumayong lima at sinundan si ateng staff.
Nakadikit sa pinto ng silid na ito ang isang sticker na nagsasabi nang talagang pakay ko sa pagpunta dito.
"AUDITION ROOM"
BINABASA MO ANG
Life as a Kpop Trainee (ON-GOING)
Historia CortaSa tingin ng iba kapag kpop trainee ka puro saya ang mararamdaman mo. Sa tingin ng iba kapag kpop trainee ka you'll learn how to dance and sing well Pero ano nga ba ang sa tingin ng isang kpop trainee na kagaya ko? Halina't samahan mo akong alamin k...