Enjoy Reading!
______________________________________
Umagang umaga pero antok na antok ako. Halos hindi ako nakatulog dahil sa sinabi ni manang. Damian huh i dont think so. Kung iisipin bakit nya na man gagawin yon? E pinahamak nya nga ako dati and hindi ako naniniwala na ang isang kagaya nya ang magliligtas sakin. Maangas Mayabang Suplado lahat ng masasamang bagay nasa kanya.
Pero nag tataka lang ako kung bakit ganun nalang ka bait si kuya sa damian na yan. Teka baka naman hindi nya pa alam na yang damian nalang ang nag pahamak sa akin dati at kung bakit na hospital ako.
"Manang si city gising na ba?" Narinig ko naman ang boses ni kuya . Gising na pala sya. Gusto ko ng sabihin yung kasalanan ni damian pero alam ko na baka mag ka sira sila ni ate rashi dahil doon. Pero mali e mali na pinakikisamahan yon ng mabuti ni kuya samantalang hindi nya naman kilala ng mabuti at kung gaano kasama yang damian na yan.
"Gising na ho master"
Tumayo ako agad at sinalubong si kuya sa sala.
"We need to talk " Nabigla naman si kuya sa sinabi ko pero agad naman syang sumunod sa akin sa may pool. "Uh city just chill out. You're acting like my older sister haha" Napatawa na man ako ng konti sa sinabi ni kuya. Tama nga sya minsan parang ako na ang mas matanda kumpara sa kanya.
"Because im more matured than you kuya" Kinindatan ko naman si kuya at tumawa ng malakas. Kitang kita naman sa mukha nya ang matinding inis. Bigla namang nag seryoso ang mukha ni kuya kaya nag salita na ako.
"About Your girlfriends younger brother, dami--
"Aish you acted like my older sister just to ask that? I can't believe it" Tumalikod na si kuya pero agad ko naman syang hinila at pinabalik sa harap ko. Ay nagsasalita ang tao tapos tatalikod ka e kung itulak ko kaua sya sa pool na walang tubig.
"Right, He save you ok? He brought you here " Totoo ba ito? Bakit nya naman gagawin yon. Hindi nya kayang gawin yon hindi pwede. Tumalikod na si kuya pero may isang bagay pa akong gustong itanong.
"S..a..nda..lli.. Paano nya nalaman na dito tayo nakatira?" Sinamahan nya ba ang ate nya dito? Dito ba sila nakatira? Aish ang daming tanong na nasa isip ko.
"Because this is the second time that he comes here be---
Hindi na natapos ni kuya ang sasabihin nya ng tinawag sya ni Manang tumatawag daw ang secretary ni kuya. Agad namang umalis si kuya kaya hindi ko na aya natanong. Kailangan kong makausap sina vanessa. Ayoko na tama na. Ayoko ng gawin yung laro. At higit sa lahat ayoko ng ma involve sa kanila lalong lao na kay damian.
______________________________________
"Hindi ka pwedeng mag pa apekto felicity. Huh bakit hindi mo kayang gawin naduduwag ka ba" Hindi ko alam kung bakit pero biglang nag init ang ulo ko sa sinabi ni loriz. Duwag? Hindi ako naduduwag.
"Sayang naman nung prize mo felicity. sige na gawin mo na" Hindi ko alam kung bakit parang ang dali dali para sa kanilang manloko ng tao. Para ano? Para lang kapalit ang mga materyal na bagay?
"Haha felicity c'mmon he's just a guy walang mawawala sayo besides hindi naman sya ganun kabait. Hindi sya santo hindi mo ba natatandaan yung ginawa nya sayo. Wake up city dont be stu--
"ENOUGH!"
Natigilan naman silang lahat dahil sa pag sigaw ko. Kanina ko pa pinipigilan ang sarili ko pero tama na sobra na.
"Buhay ko ito kaya wag nyong pakealaman. Ayokong makasakit ng tao! oo nasaktan nya ako physically perp hindi yun dahilan para manakit ako emotionally! AT YUNG PRIZE NA SINASABI NYO? SIGE SAINYO NA YON KAININ NYO PARA MAG KALAMAN NAMAN YANG UTAK NYO!"
Hindi makapaniwalang tingin ang nakuha ko sa kanila. Saaming mag kakaibigan hindi ako yung taong nagagalit basta basta . Ni minsan hindi ko sila nasigawan dahil galit ako. Pero ngayon hindi ko na kayang makinig pa sa sasabihin nila.
"At isa pa wag nyo akong itulad sa inyo"
Agad akong umakyat at nag kulong sa kwarto. Alam kong mali at sobrang sakit ng mga sinabi ko sa kanila. Pero hindi ako nag si sisi. Being a friend means being true one. Hindi ko kayang mag sinungaling at sabihing Ok lang. Hindi ko gustong isipin nila na tama ang ginagawa nila. Nakakailang lalake ba sila buwan buwan? Para lang ano, para saktan? Minsan naiisip ko ano kayang ginawa sa kanila ng mga lalake at ginaganyan nila. Oo kasama ko sila pero hindi ako kagaya nila. Oo buhay nila yan pero bilang isang kaibigan kailangan mo rin sila itama. Hindi pwedeng ganun nalang palagi.
Minsan tinatanong nila ako "Bakit sumasama ka pa sa kanila" "Ang sama nila" Hindi sila masama hindi lang nila na re realize ang mali nila. And then im here para itama at gabayan sila . Hindi naman nila malalaman na mali sila kung walang nag sasabi na mali nila.
Pero hindi ko din ma alis sa isip ko. Bakit yun gagawin ni damian. Siguro nga kasi ako yung kapatid ng boyfriend ng ate nya. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Pero isa lang ang sigurado ko.
Hindi ko kayang pag laruan si damian.
I can't
______________________________________
Good Day readers!
Short update readers but dont worry mahaba na ito sa susunod. Ayaw ko naman kasing mahirapan kayo sa pag babasa kaya short update lang haha.
Btw if you have any questions feel free to ask me. Dont be shy to comment and vote. Walang bayad yan libre lang haha.
Keep Smiling Keep Reading
Thankyou For Reading
~P_P
BINABASA MO ANG
THE UNEXPECTED [ONGOING]
Teen FictionKung papipiliin ka manloko o maloko? Syempre mas pipiliin mong manloko para hindi ka masaktan pero paano naman yung niloko mo? Inisip mo man lang ba kung ano ang mararamdaman nya. Pero sa huli isang tanong lang ang maiiwan sa iyong isipan. Ikaw ba a...