The best love story is when you fall in love with the most unexpected person at the most unexpected time.
Napabalikwas ako ng bangon ng marinig ang malakas na pagsinghal sa labas ng pinto kasabay ang malakas na pagkatok.
"Aish, disturbo naman oh" reklamo ko at tinakpan ang aking tenga gamit ang unan.
"Hindi ka pa ba babangon diyan Hazel?!! " muling sigaw ni mama.
Si mama naman oh ang aga-aga beast mode agad.
"Kung hindi ka pa gigising diyan, kakaladkarin talaga kita!!" pagbabanta niya habang inimagine ko si mama na umuusok ang ilong sa galit.
Kahit labag man sa kalooban kong bumangon, pinilit ko ang sarili ko. Baka totohanin pa ni mama ang banta niya.
Para akong lantang gulay nang makatayo. Kulang na naman ako sa tulog sa dami-daming school works na tinapos ko kagabi."Hmmmmm, heto na po babangon na" saad ko.
Narinig ko ang papaalis na hakbang ni mommy dear.
Hays, salamat umalis na rin si mama, talagang di talaga ako titigilan non kung hindi pa ako nagigising.
Pero kahit ganon yon si mader dear, may pagka dragon minsan, nagpapasalamat pa rin ako at biniyayaan ako ng masipag na ina. Siya na kasi ang tumayong ama't ina sa akin mula ng mamatay si papa.
Sinuot ko ang eyeglass ko at tiningnan ang sarili ko sa salamin at hindi na ako nagulat ng makita ang naglalakihang eyebags at nagkukupulang pimples sa mukha ko.
"Hindi niyo talaga ako iiwan noh? Sanaol loyal" para akong tangang pinagsasabihan ang pimples ko sa mukha.
Napailing ako at tiningnan kung anong oras na.
"Shet 7:00 na" mura ko at dali-daling kumuha ng towel at pumasok ng banyo.
[Nagulat ka pa eh palagi ka namang late.]
Dali-dali kong sinuot ang school uniform at hindi na ako nag atubili pang maglagay ng make-up sa mukha, wala rin namang effect. Hindi rin naman marunong gumamit non.
Patakbo akong bumaba ng hagdan, at halos masamid na ako sa pagmamadali. Naabutan ko si mama na naglalagay ng pinggan sa mesa.
"Oh, nangdiyan na po pala kayo kamahalan, kumain na po kayo mahal na prinsesa" sarkastikong sambit ni mama.
Napa "tss" lang ako sa inasal niya at kumuha ng pagkain. Ganito talaga kami sa bahay, parang mga aso't pusa.
Minsan talaga may pagkatopak talaga to si mama eh.
"Bilisan mo diyan, at naghihintay na ang manliligaw mo sa labas" sabi niya.
"Sinong manliligaw?" kunot noo kong tanong, napaka imposible namang magkaroon ako ng manliligaw.
Kaaway meron pero manliligaw, malabo.
"Sino pa nga ba eh di yong magandang lalaki na chinito, ano nga pala ang pangalan non?
Nakuha ko naman kaagad kung sino ang pinapahiwatig niya.
"Ma, hindi ko po yon manliligaw si Axel, kaibigan ko lang po siya" paliwanag ko habang ngumunguya.
Napakaimposible namang magustuhan ako ni Axel, alam ko namang kaibigan lang ang turing niya sa akin. The feeling is not mutual. I liked him but he didn't know, and besides he likes someone else. I don't wanna risk our friendship.
[Char english]
"Hindi ba nanliligaw sa iyo yon, mabuti naman. Akala ko kasi nauntog ang ulo non at naisipan kang ligawan" pabirong saad ni mama.

BINABASA MO ANG
The Playboy's Playlist
Teen FictionAn ordinary girl met the popular guy in school named Xavier Zane. Known for being the campus hearththrob and a playboy. He used to play with every girl's feelings. Breaking their hearts after a day. What happens when the two of them crosses their...