CALCULUS

8 3 0
                                        

Kaya pala nawala eh, nagpunta siya sa harap at nagpaalam kay prof,lumabas na siya ewan ko kung saan pumunta. At ngayon, pinakuha kami ni prof ng 2 whole sheets of yellow paper, may long quiz na naman kami. Integral Calculus yung subject namin at napakahirap ng ibinibigay na given kaya nagdidikit dikit na naman yung mga classmates ko.

"Charity pakopya", nagulat ako, si Ruther pala. Napatingin ako sa kanya ng hindi umiimik at nakangiti na naman siya.

"Joke lang :)" dugtong niya sa sinabi. Bakit nga ba nandito siya sa section namin? Irreg kaya 'to?

"Tuwing calculus dito na ko ah, yung mga classmates ko kasi nagdropped sa integral wala tuloy akong kasama." sabi niya. Wow ha, nababasa ba nito iniisip ko?

" Ah sige, okey lang naman."sabi ko.

"Salamat Charity :)"

sabi niya. Habang nagququiz kami, ang tahimik ng buong room, focus ako sa quiz namin, maya maya natapos na ko. Yung katabi ko, kanina pa pala tapos, nakaupo lang siya ng tahimik, napansin niya kong nakatingin sa kanya kaya ngumiti siya at   ..... ako hindi ko alam irereact ko kaya pokerface lang.After 5 minutes nagpasahan na ng papel. Pagtapos nun vacant na ng 2hours kaya nagsilabasan na.

"Sige Charity una na 'ko ah, may klase pa kami.Ba-bye! :) " pagpapaalam ni Ruther.Nagnod lang ako bilang tugon.

Saan naman kaya ako pupunta ngayon? Nakakatamad naman lumabas ng school kaya't sa library nalang muna ako magpapalipas ng oras.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 06, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

WHEN WILL I FIND YOU?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon