CHARITY's POV
At one ordinary morning, naglalakad ako sa school nang makasalubong ko si classmate, ngumiti siya then I smiled at her, mejo pilit nga lang. Nagsabay kami pagpasok ng room, at doon umupo na ko sa isang sulok, sa lower right corner. Hindi naman sa pagka-emo pero dun talaga yung upuan ko since alphabetically arrange yung seats namen then Ynfante ang surname ko,kaya ako ang pinaka-last.
"Hi Miss, Can I seat beside you?" boses ng hindi familiar na lalaki. Hindi ko siya pinansin dahil hindi naman siguro ako yung kinakausap niya at busy ako sa pagbabasa ng reviewer habang nakikinig ng music.
Naramdaman ko nalang na may umupo sa tabi ko. At paglingon ko, isang lalaking galing sa kung anung lupalop ng lupain ang tumambad sa harap ko na nakangiti sakin.
"Umupo na 'ko, ayaw mo kasi akong pansinin. Ok lang ba na dito muna ako? Ngayong subject lang naman." sabi niya at kitang kita ko sa mga mata niya na madali naman syang pakisamahan.
"Ah, Ok sige, wala namang nakaupo jan eh." sabi ko nalang at tinuloy ang ginagawa ko, pero tinanggal ko na syempre yung earphone ko nung kinakausap niya ko para hindi naman nakakabastos sa kanya.
"Salamat, Ako nga pala si Ruther galing sa section B, ikaw anung name mo?" hindi pa pala ako tapos kausapin, ayoko pa naman sa mga oras na ganto, nahihiya ako sa mga kumakausap sakin na bago sa paningin pero magpapaka-friendly muna ko.
"Charity :) " matipid ko nalang na sagot pero syempre ngumiti ako.
"Nice name Charity ^_^" at nagulat ako sa ginawa niya, makikipagshake hand siya sakin? Bago yun ah, ai old style pala kasi bihira nalang yung ganto. Nakipagshakehand na ko at naramdaman ko yung mainit niyang kamay tapos biglang dumating na yung teacher namin kaya't inayos ko na yung mga gamit ko. Nagulat ako at biglang bumilis yung tibok ng puso ko nang paglingon ko sa katabi ko WALA SIYA????
