Amethyst PoV:
"Hahaha seryoso?"tanong ni Keicy
"Yeah. I thought my heart will jump out of my chest when I realized that she is the owner of that hand."sagot ko naman habang nakahawak pa sa dibdib ko
"Buti di ka pinapunta sa detention room,hahaha."
"Well, I said that I'm not feeling well."
"Tsk, nagsinungaling ka na sakin kanina pati ba naman kay Ma'am Principal."
"Kailangan ehh hahahaha. Ikaw din naman kasi eh. Kasalanan mo yun,dahil sa kwento mo na-curious ako."
"Aba,hahahaah at sinisi mo pa ako?"
Inirapan ko na lang sya nagpatuloy sa paglalakad. Uwian na namin ngayon and sabay kaming naglalakad palabas ng campus. Pinag-uusapan din namin ang nangyari kanina sa library nung iwan nya ako.
*Flashback*
"Shit"
"Anong shit? Minumura mo ba ako, Ms. Santiago?"tanong ni Ms. Sy habang nakataas pa ang isa nyang kilay. Sya ang principal ng school namin.
"A-Ah,hindi po. Nagulat lang po ako. I-I'm sorry."sagot ko naman at tsaka yumuko.
"Tsk,anong ginagawa mo dito? Oras na ng klase ahh."muli nyang tanong.
Agad naman akong napakamot ng ulo. "Ahm, naghahanap po kasi kami kanina ng friend ko ng books na magagamit namin for our report. But then bigla pong sumama pakiramdam ko that's why I told to my friend na mauna na sya because I need to go to the clinic. Pero,gusto ko po sanang may pagkaabalahan sa clinic habang nagpapahinga, that's why naghanap po muna ako ng book na mahihiram at mababasa."paliwanag ko.
Muling tumaas ang kilay nya. Mukhang hindi sya naniniwala.
"You look fine."aniya tsaka idinikit ang likod ng kanyang palad sa noo ko. "Hindi ka rin nilalagnat."dagdag nya pa.
Napakagat na lang ako ng labi dahil malamang papapuntahin nya ako sa detention room.
"Go to your class, now."aniya na. Bigla namang napaangat ang ulo ko.
"P-Po?"
"I said, go to your class, now. O baka gusto mong sa detention room pumunta?"sambit nya.
"A-Ah hindi po. Hehe salamat po Ms. Sy. Bye po hehe."sambit ko at tsaka nagsimulang maglakad palayo.
Nilingon ko ang librong kukunin ko sana kanina. Hays,next time ko na lang siguro hihiramin.
*End of Flashback*
"Bye, Ame. Kita na lang ulit tayo bukas. "paalam ni Keicy.
"Sige. Don't forget to bring your laptop tomorrow. We need to finish our report as soon as possible."paalala ko sa kanya.
"Noted hahaha"aniya at tsaka kumaway sakin bago pumasok sa sasakyan nila.
Pagkaalis ng sasakyan nila Keicy at sakto namang pagdating ng sundo ko.
Agad akong pumasok sa loob ng sasakyan at binati si Manong Joel."Hello po,manong. Kamusta po ang araw niyo?"
"Ayos lang naman po Ma'am."sagot niya.
"Nagmiryenda na po kayo?"tanong ko sa kanya.
"Ah, mamaya na lang po pagdating natin sa bahay."
"Nagugutom na din naman po ako so daan po muna tayo sa coffee shop. Order po muna tayo ng miryenda. Di po kayo dapat nagpapagutom."ani ko.
"Naku po, huwag na po Ma'am. Ayos lang naman po ako."
"Sige ka, manong. Magtatampo po ako sa inyo."ani ko na siyang kinakamot ng ulo nya. Natawa na lang ako.
Agad na pinaandar ni Manong Joel ang sasakyan papunta sa isang coffee shop. Um-order ako ng dalawang iced coffee at dalawang slice ng cheesecake. Pero sa sasakyan na lang namin kinain yun.
Pagkatapos naming kumain ay nagpatuloy ang byahe namin pauwi sa bahay. Nang makarating kami dun ay nakita ko ang isang itim na sasakyan na nakaparada sa tapat ng bahay namin.
Pinagmasdan ko ng maigi ang sasakyan na yun ngunit hindi ko talaga alam kung kanino iyon. Ito ang unang beses na nakita ko yung sasakyan na yun. Hmm,sino kaya may-ari nun?
Bago pa maipasok ni Manong Joel ang sasakyan sa loob,umandar na din ang itim na sasakyan. Nagkasalubong ang mga sasakyan namin. Tinignan kong maige ang bintana ng sasakyan, nagbabakasali na makita ko kung sino ang may-ari nito.
"Tsk, it's tinted"bulong ko at tsaka sumandal na lamang sa upuan.
Nang tuluyang maipasok ni manong ang sasakyan, agad akong bumaba at nagpasalamat sa kanya.
Pagkapasok ko ng bahay at agad akong lumapit kay Dad na busy sa laptop nya at hinalikan ito sa pisnge.
"Hi Dad."bati ko sa kanya.
"Oh,nandito ka na pala. Kamusta ang school?"
"Okay naman po. Medyo madaming gawain pero kaya naman po. By the way, where's Mom?"
"She's in the kitchen."sagot ni Dad.
"Ahh sige po. Puntahan ko lang po sya."ani ko. Maglalakad na sana ako palayo ng may maalala ako.
"Dad,may nakita akong black na car sa tapat ng bahay kanina pero umalis din po. Sino po yung may-ari nun?"tanong ko.
Biglang napatigil sa pagtitipa si Dad. Ewan ko kung namamalik mata lang ba ako or talagang biglang naging balisa ang itsura Dad.
"Dad,are you okay?"
Tumikhim sya bago sumagot.
"Yes, I'm fine. Kasama ko lang yun sa business. Pumunta sya dito para ibigay ang mga papers na kailangan ko. "sambit niya at nagsimula muling magtipa.
"Sige po."sagot ko na lang at tsaka tumungo sa kusina.
"Hi Mom."bati ko sa kanya at tsaka hinalikan din sya sa pisnge.
"Hi baby. Nandito ka na pala."aniya.
"Hmm,ang bango ng niluluto mo,Mom. Ano po yan?"tanong ko.
"Pinakbet. Hindi ka pa pala nakakatikim nito. Well,ngayon matitikman mo na. Masarap ito."
"Excited na ako. Mukhang masarap nga haha."
"Sige na,magpalit ka na ng damit mo at gawin mo na ang mga homework mo. Then tatawagin na lang kita kapag kakain na."
"Sige po. Thanks, Mom. I love you."
"I love you too,baby."
Agad naman akong umakyat papunta sa kwarto ko. Matapos kong makapagpalit ng damit ay kinuha ko ulit ang bag ko para gawin naman ang mga homework ko.
Pagbukas ko ng bag ko, agad na nanlaki ang mata ko sa gulat.
"Hala,paano napunta ito dito?"tanong ko sa sarili ko.
Inilabas ko ang librong iyon mula sa bag ko at pinagmasdan ko ito ng maigi.
Ito yung libro tungkol kay Sol at Luna na dapat sana ay hihiramin ko sa library. But,paano napunta ito sa bag ko? Hindi ko naman ito binalikan sa library.
Umupo ako sa harap ng study table ko at binuklat ito. Hindi naman siguro masama kung babasahin ko ito.
"Ang sinumpang pagmamahalan
Ng dalawang magkasintahan
Na kahit ilang henerasyon man ang magdaan
Ito'y hindi na maipaglalaban."pagbasa ko sa nakasulat sa unang pahina.Sa hindi maipaliwanag na dahilan,biglang nanikip ang aking dibdib. Tila ba'y nasasaktan ako.
"Ito'y hindi na maipaglalaban"muling pagbasa ko huling taludtod.
Anong ibig sabihin nun?
To be continued
YOU ARE READING
Moon and Sun
Fanfiction"They are like a lover's version of sun and moon. They rarely meet and they almost always miss one another. But once in a while,they catch up,they kiss and the world stares in awe of their eclipse."