Kabanata 2

9 2 0
                                    

Amethyst's PoV:

"Amethyst!"rinig kong sigaw ni Keicy.

"Uhm, tawag mo ako?"

"Kanina pa."aniya tsaka ako inirapan.
"Are you okay? Masama ba pakiramdam mo? Kanina ka pa nakatulala diyan."

"Yes, I'm fine. May iniisip lang."sagot ko .

"What is it? You can share it to me."aniya.

"No, hindi naman importante. "

"Are you sure?"

"Yeah, thanks."

"Okay, sabi mo eh."aniya tsaka nagpatuloy sa ginagawa niya.

Lumingon na lamang ako sa labas ng bintana at muling napatulala.

Hindi ko mapigilang isipin yung napanaginipan ko kagabi. It's really weird.

- Flashback -

"Bitiwan nyo sya. Ama, nagmamakaawa ako. Pakawalan mo na si Alejandro. Hayaan mo na lamang kami."pakiusap ko sa aking ama.

"Manahimik ka, Leonora. Hindi ako makakapayag na ang isang dukhang katulad niya ang iyong mapangasawa."sagot nito na siyang lalong kinaluha ko.

"Siya ang mahal ko. Siya ang nakapagpapasaya sa akin. Bakit hindi nyo na lamang kami hayaan?"

"Makinig ka, ginagawa ko ito dahil mahal kita. Ayokong masira ang kinabukasan mo ng dahil lang sa lalaking ito."

"Kung talagang mahal mo ako, bakit patuloy mong hinahadlangan ang nga bagay na nagbibigay sakin ng ligaya?"sigaw ko na siyang kinagulat nilang lahat.

"Buong buhay ko ni isa sa mga sinabi nyo hindi ko sinuway. Ni hindi ako humingi ng kahit ano sa inyo. Naging kuntento ako sa lahat ng bagay na ibinibigay nyo sakin. Kaya pakiusap, kahit ito na lamang, Ama. Hayaan mong ako ang magdesisyon sa kung sino ang aking nais na mapangasawa. Nakikiusap ako."ani ko ngunit, hindi man lang nagbago ang ekspresyon ng kaniyang mukha. Seryoso parin syang nakatingin sa akin kaya napayuko na lamang ako.

"Iyan ba talaga ang iyong nais?"tanong niya.

"O-Opo."sagot ko naman.

Ramdam ko ang dahan-dahang paglapit niya sakin. Gusto kong makita kung anong reaksyon niya ngunit bago ko pa maiangat ang aking paningin ay dumapo na ang kamay niya sa aking pisnge dahilan para ako'y matumba.

Estúpida!"sigaw niya.

Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman. Ito ang unang beses na pinagbuhatan ako ng kamay ng aking ama.

"Dalhin nyo na ang indio na iyan. At ikaw, Leonora. Uuwi na tayo."ani ng aking ama. Agad namang sumunod ang mga guwardya sibil na kasama niya. Hinawakan nila sa magkabilang braso si Alejandro na ngayon ay nanghihina na dahil sa pambubugbog nila.

"Halika na,Leonora."sambit ng aking ama tsaka hinawakan ako sa braso. Ngunit agad din akong kumawala sa pagkakahawak niya at lumuhod sa harap niya.

Moon and SunWhere stories live. Discover now