24

7.6K 224 52
                                    

24

"Mmm."

Mahinang umungol si Ginny sa kanyang pagtulog dahil sa nakakakiliting mga halik ni Sergei sa kanyang pisngi at leeg. "Wake up, honey." Bulong ni Sergei sa kanyang tenga kaya naman napahagikgik si Ginny at iminulat ang kanyang mga mata.

"Morning handsome." Bati niya sa kaharap.

Hinalikan siya sa noo ni Sergei at hinapit ang baywang palapit sa kanya. Nakatulog na silang dalawa ni Sergei sa carpeted floor at tanging makapal na kumot lang ang nagtatakip sa kanilang hubad na katawan.

"Do you have any plans? It's Christmas."

Agad napabangon si Ginny nang mapagtantong hindi pala siya nakabalik sa kanila. "Sina Daddy!"

Sumipol naman si Sergei habang nakatitig sa kanyang dibdib na humantad dahil sa bigla niyang pagbangon. Sinamaan niya ng tingin si Sergei pero humalakhak lang ang huli. "Why? Afraid what the CJ would think?"

Nagmamadaling tumayo si Ginny at hinanap ang kanyang mga damit, naiinis naman siya dahil layo-layo ang bawat damit niya kaya pahirapan sa pagpulot at pagsuot.

"Ginevra, why are you in a rush?" Napasinghap siya nang maramdamang bumundol sa pang-upo niya ang matigas na bagay na iyon.

Napapikit pa siya nang sensuwal na masahiin ng lalaki ang kanyang dalawang balikat habang hinahalikan ang likod-tenga niya.

"Sergei, kailangan kong bumalik muna." Pinipigilan niyang patulan ang pang-aakit ni Sergei sa kanya.

Nadinig niyang bumuntong-hininga si Sergei at tinigilan rin sa wakas ang pang-aakit sa kanya. Huling isinuot ni Ginny ang kanyang makapal na winter coat at hinarap si Sergei na hubo't hubad pa rin.

"Sergei? Uso magbihis. Hindi ka ba nilalamig?"

Tutok na tutok ang titig ni Ginny sa mukha ng lalaki. Wala siyang balak ibaba ang kanyang titig dahil baka mamaya ay bumigay siya at siya na mismo ang sumunggab sa gwapong lalaki na nasa kanyang harapan.

"Alright. Stay there first. I'll go with you and greet your family."

Dali-daling tumalikod si Ginny dahil sa biglang pagtalikod ni Sergei. Umupo muna siya sa napakagandang couch at binusog ang mga mata sa pagkaganda-gandang interiors ng bahay.

"Ang laki naman yata ng bahay na 'to."

"For our three adorable kids, that's why."

Napalingon siya sa gilid niya at doon ay nakita niyang bihis na bihis na ang lalaki. "What?"

Hinawakan ni Sergei ang dalawang kamay ni Ginny para alalayan siya patayo. "This house, it's for our family. When we get married, you have nothing to worry about if you want to spend your holidays in Switzerland."

Napangiti naman si Ginny, "You're so sweet."

Niyakap siya ni Sergei, "All for you, honey."

Tuwang-tuwa ang mga magulang ni Ginny nang makita nila si Sergei na kasama siya. Naroong doon na nila pinakain ng pananghalian si Sergei at inayang icelebrate ang Pasko sa kanilang bahay.

"Ang laki nung bahay na pinagawa mo, Sergei. Kailan mo napaumpisa?" Komento ng kanyang ina habang nagkukuwentuhan silang lahat sa living room.

Hinawakan ni Sergei ang kamay ni Ginny, "A week after New Year last year, I asked the construction group to start already because I want it ready for this year's Christmas."

"I see. It's a very beautiful house, hijo."

"You are welcome to visit the place. I don't mind, it has enough rooms for more people."

HRS1: A Hot Romance with the WarriorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon