21 (SPG)
"Galing ka ba sa lamay?"
Masamang tinitigan niya si Cedric dahil sa pang-aasar ng lalaki. Di niya napigilang hampasin sa braso ang lalaki. "Umayos ka! Kung hindi, ipapakaladkad kita sa mga guards namin!"
Nakangusong hinahaplos-haplos ng lalaki ang nasaktang braso, "Damn, you've got a heavy hand huh." Tinuro ni Cedric ang kanyang namamagang mga mata. "Bakit kasi ganyan hitsura ng mga yan?"
She rolled her eyes, "None of your business. Ang Daddy mo lang naman ang dapat makausap ni Mommy, bakit sumama ka pa? Ang pangit tuloy ng atmosphere dito sa bahay."
Humalakhak lang ang kanyang kababata, "Sungit! May period ka ba ngayon?"
Akmang hahampasin niya ulit si Cedric pero umiwas ang lalaki at nagpaumanhin kaagad. "I'm just-
"Heartbroken?"
Nagulat siya sa sinabi ng lalaki, "O-Of course not. Pagod lang ako at masama talaga pakiramdam ko today."
Sino bang niloloko niya? Cedric is right! Her heart is aching which made her cry all night last night after her encounter with Sergei at her father's study room.
"Liar." Malungkot na ngumiti na lamang si Ginny, "I could tell that the two of you are not okay. Kita ko paano siya tumitig sa'yo, iyong parang miss na miss ka na, baka mamatay na sa pagkamiss sa'yo si Captain."
Hindi agad sumagot si Ginny at nanatiling nakatitig sa kawalan. She just imagined how Sergei looks based on Cedric's description. "Let's not talk about him. Please, Ceddy."
Bumuntong-hininga si Cedric, "Nagugutom ako. Baka naman gusto mong pakainin bisita mo."
Kahit papaano ay napangiti si Ginny dahil kay Cedric. "Alright."
Dumiretso silang dalawa ni Cedric sa may kusina at doon ay pinaghanda niya ang kanilang buwisita.
"Grabe!" Nagtaka si Ginny nang sundutin ng lalaki ang kanyang kaliwang pisngi. "Hindi ka pa ba natutunaw?" Biglang humina ang boses ni Cedric.
"Huh?" Takang tanong niya habang kumakain ng pork tacos with pineapple salsa.
Nakita niyang napalingon sa may likuran niya si Cedric kaya ganun din ang ginawa ni Ginny. Muntik siyang mabulunan nang makasalubong ang titig ni Sergei.
Titig na titig ang lalaki sa kanya habang nagsasalita sa harapan niya si Brody. Mabilis na iniwas niya ang titig. Hindi niya kasi kayang labanan ang mga titig na iyon.
"Damn, he's really into you. Why don't you two kiss and make up?" Sumimangot si Ginny at binawi ang hawak-hawak na tacos ni Cedric. "Hey!"
"Inaasar mo kasi ako."
Umawang ang bibig ni Cedric at muling kinuha mula kay Ginny ang tacos, "Alright, I'll stop. Di ka naawa doon sa tao."
"Isa." Inis na wika niya.
"Alright, alright." Wika ng lalaki at nilamon ang tacos na kinakain.
Pinanood lang ni Ginny ang matakaw na paraan nang paglamon ni Cedric sa tacos, naroong napangiwi pa siya dahil titig na titig si Cedric sa kanya. "Hoy, anong tinitignan mo ah?" Tanong niya dahil hindi kasi diresto sa mata ang titig ni Cedric kung hindi sa kanyang leeg.
Hinarap niya kay Ginny ang kanang palad at maiging nilunok ang pagkain bago nagsalita, "Excuse me, you sound like I am checking you out. Na-uh, not gonna happen. I love my life."
"Eh saan ka kasi nakatitig!" Natatawang wika niya.
Tinuro ni Cedric ang suot na kwintas, "That's a very cute pendant. Pineapple, huh? He gave you that didn't he?"
BINABASA MO ANG
HRS1: A Hot Romance with the Warrior
Storie d'amoreWARNING: This story contains chapters that are not suitable for young minds. Reader discretion is advised. Ginny may not be a celebrity but she is given the utmost protection, dahil siya ay anak ng Chief Justice ng Pilipinas, stepdaughter ng isang j...