Chapter 1 - PROSPECTS

27 0 0
                                    

E, HINDI NGA BA AKO IPOKRITA?

SA BAGUIO...

“Ako ang nagiging standard mo kasi ako ang palagi mong kasama” sabi ni Gian nung birthday ko.

(The nerve!  Hindi na ako sumagot. Pero ang totoo, siya ang mahilig mamilit na sumama ako kahit ginagawan ko lang ng paraan ang pagtanggi at hinahayaan niya akong pilitin sa pagsama. Hahaha!).

SA WORK...

“Sama ka sa Bora, a?” si Gian kulit, este ulit.

“E, anong araw ba ang alis?” ani Amanda.

“Wednesday” sagot ni Gian.

“Pano ba yan, kailangan ako sa church, e. Next time na lang” sabi ni Amanda.

“Gusto mo gisingin kita para maaga ka na lang mag-church? Mag-a-alarm ako tapos gisingin kita, okay ba?” solusyon ni Gian.

“Anong araw ang uwi?” dagdag na tanong ni Amanda.

“Saturday” sagot ni Gian.

 “Naku, may singing contest yung Singles’ group ko” pagdadahilan ni Amanda.

“Anong araw ba yung contest?” tanong ni Gian.

“N-next week pa, Saturday morning? Pero need naming mag-practice, e. Saka Monday-Friday may work kaya Saturday lang pwedeng mag-practice” sagot ni Amanda.

“Okay, sa next month na lang tayo alis, di ba birthday mo na? Saka halos Holy Week, di ba Holy Week ang birthday mo this year! Next month call! Haha!” solusyon uli ni Gian,

“Pero ayoko sa Bora pumunta kundi sa Palawan, sorry” sabi ni Amanda.

“Papa-reserve na ako, ako na ang bahala, okay? Okay na ang lahat. Bye! Uwi na ako, 5:00pm na,” paalam ni Gian.

Gian Jimenez, 31, tall, dark and handsome, madiskarte sa buhay – my Adventure Pal!

“Haay, naku! Namalengke ako, magpapabayad ako kapag di kayo pumunta dito!”

[Text message received]

. Si Ethan, kaka-approve ng visa sa Dubai. Nurse kase, e

SA  HANGOUT NAMIN...

5:00 am. sa bahay nina Ethan kung saan nag-overnight ang barkada dahil December break na!  At syempre, paalis na rin ang loko.

“Gising na, Amanda! Sasabay ka ba?” sabi ni Ethan.

 “Haay! Sarap pa matulog walang pasok. hehehe” sagot ni Amanda.

“Well, ako may pasok pa po kaya aalis na ako! 15 mins. lang, a. Kundi iiwan kita!” masungit na sabi ni Ethan.

 

Sungit nito! Pina-overnight ako na wala man lang akong dalang extra clothes tapos mamadalain ang ‘beauty sleep’ ko ngayong bakasyon.. Hmmmp! Pero sa sasakyan, kami lang ang magkasama.........awkward!

(Coz I will love you..till they take my heart away. Believe in me.....”)Ganda ng music pero di talaga ako komportable...tulala moment!

“Ahem! Kumusta naman ang tulog mo?” tanong ni Ethan.

“Syempre, bitin!” ani Amanda.

“Okay lang yan, wala na kayong pasok. Di tulad naming, palaging may pasok. Ngayon pa lang may napuputukan na wala pa mang Pasko at Bagong Taon. Hahaha!” pagtatawa ni Ethan.

“Blame it on Super Lolo!  Hehehe!” pagbibiro ni Amanda.

(“If loving you is all that means to me. And being happy is all I hoped you’d be. Then being happy must mean I really have to set you free....”)

Shit talaga! Nananadya nga ba ang tadhana. Di nga ba ayoko nang maniwala sa destiny simula nang ma-brokenhearted ako?  Dito mismo sa lalakeng ito na katabi ko ngayong...trapik pa. Talaga naman!

 

Si Ethan Buenaventura...34, nerdy, masikap sa buhay, masungit! My friend!

SA WORK....

“Hehehe! Hindi ako makapasok, nagsimula na yung assembly,” ani Jessie.

Sobra naman ito, daig pa ang grade school sa sobrang mahiyain.

“Ahh, haha! Okay lang yun, pasok na tayo,” sagot ni Amanda.

Tinginan ang lahat at simpleng ngumiti nang tahimik. Ang takot lang nila kay Amanda.

UWIAN NA, DAY SHIFT KAMI THAT WEEK...

Tagal naman ng bus, ang init pa naman!

“Hi, Amanda!” si Ms May.

“Hello, Miss!”

“H-Hi!” sagot ni Amanda.

“Ah, Miss Amanda, si Jessie. Jessie, si Miss Amanda, TL ng Group 2.” pakilala sa kanila ni Ms May, TL ng Group 1.

“Nice meeting you, Ms Amanda,” sabi ni Jessie.

“Same here, Jessie” sabi naman ni Amanda.

 “Ayan-Ayan, sabay-sabay na tayo sa bus pauwi!

 

Threesome sa bus lang ang peg!

“Musta ang quota niyo this week? Quota na ba?” tanong ni Ms May.

“Naku, medyo malapit-lapit na. Kundi, sleepless night na naman on a weekend at walang gimik hanggang di kami quota” siryosong sagot ni Amanda

“Kaw naman, work hard at play harder lang. Don’t be hard on yourself! Hahaha!” ani Ms May.

“Hahaha! Iba na ang may Papa!” ang tawa ni Amanda.

“Oo nga, e. 1 month lang ang bakasyon ng engineer ko!” ang madamdaming sabi ni Ms May.

“Haaay!” sabay na sabi ng 2 babae.

Diyos ko day! Walang kibo si Manong Jessie the whole time.

“Mama, Para! Bye, Ms May, mwaahhh!” sabi nina Amanda.....at Jessie!

“Ha? Same place tayo?!” nahihiyang-natatawang sabi ni Jessie.

“Ayun, na yung tryc, o!”  sabi ni Amanda.

“Nagbabaha ba sa inyo? tanong ni Jessie.

“Depende” pormal na sagot ni Amanda.

“Para, para po! Nice meeting you, Jessie” si Amanda.

 

Close-up smile lang ang peg! Kilig!

 

Si Jessie Magat, 35, moreno, matipuno at kapitbahay ko! Ang bago naming agent.

Single and Ready to Mingle...Only With Mr. Right!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon