Chapter 5 - SIGNS

8 0 0
                                    

WAY BACK IN COLLEGE...

“Dear God, please give me a sign if Andrew and I would end up as lovers or not. He would shift courses so please lessen my misery by giving me a sign. Pleeeaase!” 

Amanda in fervent prayer for the love of her life.

 

“Amanda, Amanda! (Nakatulala ka na naman siya.)

Hinawakan ni Charles ang mukha nito at itinapat sa kanya.

Ilang awit pa ba ang aawitin, oh giliw ko! Ilang isaw pa ba ang kakainin oh giliw ko, ho! Ilang oras na kong nagpapa-cute sa ‘yo, ‘di mo man lang pansin ang bagong T-shirt ko!”

“Tignan mo, bago ang shirt ko! Huwag kang mag-alala, nami-miss ka rin ‘non! ” ani Charles.

(habang nakatingin siya sa bintana na wala pa ring imik)

“Kung ako na lang kasi sana, crush na crush kita kaso si Allan ang gusto mo” madamdaming sabi ni Charles.

(napatingin si Amanda kay Charles at dahil don ay napa-upo siya agad-agad in time naming pagdating ng Spanish professor).

“Sige, alis na ako. See you around!” paalam ni Charles.

Si Charles ay matiyaga sa pagpapasaya kay Amanda at sunud nang sunod sa kanya at nangungulit tuwing nakikita siya lalo na nang nag-shift ang kaibigan nitong si Andrew.

ILANG ARAW MAKALIPAS...

“Amanda, may nagpapakamusta sa ‘yo,” ani Charles.

“Sino naman?” tanong ni Amanda.

“Taran!

 

“Su-sulat? Galing kanino?”tanong ni Amanda.

“Buksan mo, kasi!” sabi ni Charles.

Iniabot ni Charles ang isang sulat.

 

Dear Amanda,

Kumusta? Sana ay nasa mabuti kang kalagayan. Nawa’y matupad ang iyong mga pangarap at palagi ka sanang masaya.

 

“Kanino ito galing?” tanong uli ni Amanda.

“K-kay An-Andrew!” sabi ni Charles.

“O-Oo, kay Andrew! sabad nina Kean at Joven.

OMG! Magiging kami in the future! God granted my prayers!!(Abot tengang ngiti ang isinukli niya sa kanila.)

“Thanks, guys!” sabay palayong binabasa-basa ang love note ng mahal niya.

“Sira, bakit sinabi niyong kay Andrew galing iyon?” sabi ni Joven.

“E, kanino ba talaga ‘yon galing?” tanong ni Joven.

“Sa akin, e” ani Charles.

“E, bakit sinabi mo na sa kanya kay Amanda?” saby sabi ng dalawa.

“Ano ‘yon?” tanong ni Amanda mula sa may bintana ng classroom.

“A-a, enjoy-enjoy lang diyan!” sabi ng tatlo.

(Nag-two thumbs up lang si Amanda habang nakatitig sa kanya si Charles.)

“Gusto ko kasi siyang maging masaya,” ang tanging naisagot ni Charles.

SA HANGOUT...

WoW! Parehong blue ang suot namin ni Ethan. Blue ang polo niya habang blue rin ang palda ko! Kilig much ako that day.

“Nice choice of color,” sabi ni Amanda.

“Thanks, we have good taste when it comes to colors.” ani Ethan.

SA CHURCH...

“Dear God, Can I make an appeal again? Napapansin ko kasi na halos pareho kami ng gusting kulay na damit ni Ethan. Kapag 3 beses na nagkaparehas kami ng kulay ng suot ni Ethan ay ibig sabihin ay may chance kami in the future...Amen!”

 

SA CHURCH ULI...

“What an inspiring talk, Ms Amanda! Bravo!!” say ni Ethan.

(Ngiting-aso si Amanda.)

“I’ve made the right choice of picking you as the speaker about “Choosing the Right Partner in Life,” ang pagmamalaki ni Ethan.

“Di naman, eto talaga” sabi ni Amanda habang pababa sila sa hagdan.

“Sa uulitin, ha? Next time na lang tayo mag-bonding sa bahay. Bye!” paalam ni Ethan.

“Bye!  Ay!”

(Nye, natapilok ang lola nyo, bakit kaya?)

Naka-black kami parehas! Black ang blazer ko on top, Haha! Ang  sakit ng paa ko! Buti walang nakakita, baka di ako paniwalaaan nila next time mag-talk ako. Makauwi na nga!

PAGKATAPOS NG CHURCH SERVICE...

“Amanda, Amanda!” si Ethan, na naman.

“B-Bakit?” tanong niya.

“May boarding house dun sa may amin, pakita ko sa ‘yo?”

(Gusto niya akong maging neighbour! Kilig!!) “Meron na ako di ba?”

“Try lang natin baka magustuhan mo” ang paninindigan ni Ethan.

“Sige, go!” agree ni Amanda.

SA UMANO’Y BOARDING HOUSE…

“O, nadaan ka uli, hijo!” ang nasabi nang may-ari ng bahay.

“Ah, oho!” ang napahiyang nasabi habang napakamot sa  ulo si Ethan.

“Duh?”(napataas-kilay si Amanda) “Hmm, may naisama na siya dito, sino kaya?”(sa isip niya)

 “Dito tayo sa second floor,” nangingiting sabi ng kasera.

“O, may nagustuhan ka na ba?  Pwede pa tayong mag-bonding sa roof top,” ani Ethan.

“Sorry, kase may pagka-claustro ako, e. Masikip yung rooms kase,” sagot ni Amanda.

“S-sige, at least nakita mo ‘tong boarding house. Aling Tinay, pag-iisipan pa niya, salamat po!” sabi ni Ethan.

“Salamat din!  Sana magustuhan niyo” sagot nito.

“Sige, Ethan. Salamat sa concern at time. Bye!” sabi ni Amanda.

“Till next time! Bye!” ani Ethan.

Single and Ready to Mingle...Only With Mr. Right!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon