Nandito ako ngayon sa bahay ng uncle ko na nagpalaki sa akin. Kaharap ko sya habang may kausap sa may telepono tungkol sa kumakalat na balita na sangkot ang kapatid kong babae. Actually step sister.
Tumango ako sa katulong ng abutan ako nito ng juice saka tuluyang umalis. Tahimik lang akong nakikinig sa mga sinasabi nya sa kabilang linya habang nakaupo dito sa loob ng office nya sa bahay nila. Mahahalata kay uncle ang pagpipigil ng galit kahit napaka halata iyon sa muka. Last night my step sister with her friends was on the news. They were arrested for reckless driving under the influence of alcohol and positive for taking illegal party drugs. Kaya sobra sobra ang galit ng uncle ko dahil sa gulong pinasok ng babaeng iyon. Pati pangalan namin na tinitingala ng lahat ay nasisira ng dahil sa kagagawan ng bastardang iyon.
My uncle was mad to my father and they are arguing on the phone because of that stupid girl. They always fight because of my step siblings. Ilang beses na kasing pinagtakpan ni dad si Marga pati narin si Miguel na kuya nito sa tuwing gagawa ng kalokohan ang mga ito. Kaya lalong tumitigas ang ulo dahil kinukunsinti ni dad. Hindi ko alam kung ano ang nakain ni dad para pagtakpan ang mga iyon, kung tutuusin hindi naman nya tunay na anak ang mga iyon.
Tumayo muna ako at naglibot sa office kaysa pakinggan silang nagtatalo. Lumapit ako sa isang shelves na puno ng mga libro. Pinasadahan ko iyon ng daliri habang naglalakad. Nahinto lang ako ng makita ang isang album. Kinuha ko iyon at tinignan.
It's a family picture of Lee's. Sa unang pahina ay kasama pa roon ang mga lolo ng lolo ko. Inilipat ko ang pahina at bahagyang napangiti ng makita ang picture naming pamilya. Kasama roon ang grandfather at grandmother ko pati narin ang mga anak nito na sila uncle sam na kasama ang asawa at dalawang anak nito. Kasali din kami ni mom na katabi si dad sa gilid ni lola at si tita Eunice na kasama ang asawa nito. Inilipat ko ulit ang pahina para makita nang buo ang laman nito.
Nawala ang ngiti ko nang masilayan ang picture naming tatlo nila mom at dad. Napakasaya pa namin doon dahil naaalala kong kaarawan ko iyon. Nakaupo ako sa hita ni dad habang nasa gilid nito si mom. Muka kaming masayang pamilya. Ilang taon na ang nakalipas mula ng mamatay si mom dahil sa car accident. Ang masayang pamilya noon ay napalitan na ng lungkot, hirap at sakit ng dahil sa isang pangyayare na hindi namin inaasahan.
Bago pa ako maiyak at maalala ang lahat ay ibinalik ko na ito sa lalagyan at hinarap si uncle na nakaupo na sa upuan nito at naka takip ang muka sa dalawang kamay nito na nakapatong sa lamesa.
Looks like they would never reconcile to each other. Sa muka palang ng ama ko na mataas ang tingin sa sarili at hindi marunong magpakumbaba na akala mong nasa kanya na ang lahat, napakaimposibleng sya ang makikipag ayos. Si uncle mabait naman sya sadyang malaki lang ang galit at hinanakit nya kay dad kaya sya ganyan.
Lumapit ako dito at dahan dahang umupo sa inupuan ko kanina.
"What happened? What did he said?" I asked. He slowly rest his back on his chair and gave me a heavy sigh. Napailing nalang ito na animoy hindi alam kung paano sisimulan ang sasabihin.
"Like what he did before. Ginamit nanaman nya ang pangalan nya para makalabas sa kulungan ang anak anakan nya. Pinagtakpan nanaman nya ang kalokohan ng batang iyon. Ang sabi pa nya sa akin ay bata pa si Marga kaya nag eexplore sa buhay! Explore! Your dad is insane Sabrina. Hindi na nya inisip ang kahihiyan nito sa pamilya natin. Sinisira ng mag-iinang yun ang pangalan natin sa publiko."
"Bata?! Explore?! Is he kidding us? Damn! Oo ama ko sya pero hindi na ako magdadalawang isip na bastusin sya sa ginagawa nya. Hindi na tama yung ginagawa nya." Naghisterikal na ako dahil hindi ako makapaniwala sa sinabi ni dad kay ucle. Hindi na bata ang babaeng iyon jusko. Tatlong taon lang ang tanda ko sa kanya. Magmula bata ako ay hindi ko nagawa yang explore na sinasabi ni dad.
"Ayoko na syang makausap dahil napaka kitid ng utak nyang ama mo. He's always covering up those bastards because of his wife."
"So wala tayong gagawin? Hahayaan nalang natin sila na lagi nalang gagawa na kalokohan at sisirain ang pangalan natin?" Tanong ko. Pati ako ay naiinis na sa sitwasyon.
Sa totoo lang ang nawawalan na ako ng pasensya sa dalawang magkapatid na iyon. Puro nalang sakit sa ulo ang alam. Hindi purkit dala dala nila ang apelido namin ay magagawa na nila ang lahat.
"Wala tayong magagawa sa ngayon dahil ama mo mismo ang kumukunsinti sa kanila. Kahit gumawa tayo ng paraan para matuto ang mga iyon ay hindi rin sapat dahil kilala mo ang ama mo. Gagawin nya ang lahat para sa asawa nya ngayon." Paliwanag nito na lalong kinagalit ko. Padabog akong tumayo at nagdere deretchong lumabas. Tinawag pa nito ang pangalan ko pero hindi na ako lumingon.
Pagkalabas ko ng bahay nila uncle ay pumasok ako sa kotse ko at marahas na sinarado ang pinto. Halos mabasag ang bintana nito sa pagkakasara ko. Pinaharutot ko ang takbo ng sasakyan.
Ilang beses akong nag overtake at kahit marami ang bumubusina dahil sa ginagawa ko ay wala akong pake. Gusto kong magpahangin dahil pakiramdam ko ang sikip ng mundo para sa akin.
Huminto ako sa isang park. Wala gaanong tao ngayon dito kaya nakahanap agad ako ng mauupuan at malayang tumingin sa paligid. Pumikit ako at huminga ng malalim
"Breath in... Breath out..." ilang beses kong inulit ulit iyon kasabay ng pag hinga at pag buga ng hangin sa bibig ko hanggang sa gumaan ang pakiramdam ko.
Hindi rin ako nagtagal doon dahil marami pa akong trabaho na aasikasuhin sa bahay. Hindi ako pumasok ngayon sa kompanya dahil nga sa nabalitaan ko kaya pina send ko nalang sa secretary ko ang mga documents na kaylangan kong asikasuhin para sa bahay nalang ako magtra trabaho. Ayokong matambakan ng sandamakmak na gawain kaya hanggat kaya kong tapusin ay tatapusin ko.
When I got home I change my clothes. Nagsuot ako ng maong shorts at isang t-shirt na kulay maroon. Kinuha ko ang laptop at pumunta sa salas para simulan na yung ibang documents. Aabutin ako ng hapon dito dahil kaylangan ko pang pag-aralan ang iba dito.
Karamihan kasi sa mga ito ay mga kontrata o kaya naman ay propose projects na galing sa iba't-ibang departments na kaylangan ng approval. Meron ding mga meetings and so on.
BINABASA MO ANG
Between Enemy Lines
Ficción GeneralSabrina Lee is a half korean and half filipino. She's a sophisticated woman that came from a wealthy and well known family. When she reached her age of 18 she decided to be an independent to prove herself to her father that she can be more than what...