"Chey hija, ayos ka lang ba? Mukhang napapadalas ang pagsuka mo ah? May nakain ka bang panis lately? Tsaka tignan mo nga itsura mo oh tumaba ka ng konti. Hindi kaya buntis ka?" Dahil sa sinabi ni Sister Anne, automatic akong napalingon sa kanya. Maypag alala niya akong tinignan habang hinahaplos niya ang aking likuran.
Humarap uli ako sa lababo upang magmomog at maghilamos tsaka ko hinarap ulit si sister.
Two weeks na itong pagsusuka ko eh tsaka naging pihikan ako sa mga pagkain, mabilis lang din ako mairita which is weird kasi medyo mataas pasensya ko ayon kila sister at sa mga kasamahan ko noon dito sa bahay ampunan na ito.
"Hindi ko po alam sister Anne, pero baka nga po. Pero ewan hindi ko alam." Sagot ko sa tanong ni sister.
Napabuntong hininga si sister sa Sagot ko. "Hija, pacheck up ka kaya? Gusto mo samahan kita"
"Sister Anne wag na po kaya ko naman eh. Tsaka kung sasamahan mo ako sino nalang maiiwan dito sa mga bata? Baka hindi kayanin nila sister Beth at sister Rose ang kakulitan ng mga bata dito lalo na si Jelo at Mira na parang aso't pusa kung magbangayan" natatawa kong sabi at pati si sister ay natawa na rin.
——
"Ma'am, pasok na ho kayo ikaw na po yung susunod" sabi ng nurse na assistant ni Doc Luanne. Nagpasalamat ako sa kanya bago pumasok.
Pagpasok ko agad akong tinaasan ng kilay ni Luanne napa irap nalang ako ng wala sa oras.
"Ano kailangan mo Cheyenne?" Pinasingkit niya pa ang kanyang mga bilugang mata.
"Pasyente mo ako ngayon hindi kaibigan." Mas lalo niyang pinasingkit ang kanyang mga mata dahil sa sagot ko.
"Okay upo ka dito" tapik niya sa upuan sa may harap ng kanyang mesa. Tinanong niya ako ng tinanong hanggang sa binigyan niya ako ng maliit na plastic cups. Kailangan niya daw ihi ko.
Nang maibigay ko na sa kanya ang plastic cups ay agad siyang kumuha ng dropper at pregnancy test. Nilagyan niya ng ilang drops ang PT tas nag-antay lang siya ng ilang sandali.
Hindi naman problema sa akin kung buntis ako o hindi eh nasa tamang edad naman na ako at kaya ko naman buhayin ang magiging anak ko. Ang akin lang is hindi ko kilala kung sino ang ama ng anak ko. Kasalanan to ni Luanne eh, pinilit pa kasi akong isama sa party na yun at pinilit painumin ng whisky alam naman niyang sobrang baba ng alcohol tolerance ko isang baso pa nga nainom ko eh sobrang tinamaan na ako. Buti nga may konsensya tong bruhang to eh kasi hinatid niya pa ako sa kwarto namin. Kinakailangan kasi naming magbook ng hotel room ang layo ba naman ng pinuntahan namin. Biruin mo taga Bukidnon kami tas dito kami sa Manila magpaparty? Tsk sabagay celebration ito ng kanyang pagkapasa sa board exam ng mga doctor. Certified Doctor na itong kaibigan ko eh. Sinong mag-aakalang magiging Doctor ang isang orphan girl? Matalik ko itong kaibigan eh sa ampunan palang kami noon hanggang sa makapagtapos kami sa pag-aaral dalawa. I graduated BS Tourism Management and she graduated BS Biology. Pagka graduate namin ay naghanap kaagad kami ng mapagkikitaan. Nag-apply ako sa isang Airlines dito sa Pilipinas bilang Flight Attendant na sobrang pangarap ko noon na ngayon ay matutupad na. Natanggap naman ako tapos si Luanne naman ay nag-o-online tutorial. Pandagdag ipon para sa pagpasok niya sa med school which is sa UP siya magme-med school. Tinulungan ko siya sa pag-aaral financially kasi hindi naman na kaya nila sister kasi dumarami ang mga bata sa ampunan. Walang sawa ko siyang tinulungan hanggang sa makapagtapos siya. Hindi naman ako nahirapan sa pagtulong sa kanya kasi nga May sideline siya, online tutorial.
Habang busy siya sa med school ako naman ay busy sa pagiging FA at pagtulong sa bahay ampunan. Nagtayo rin ako ng cafe dito sa Manila since Manila base ako. Tuwing day off ko ay doon ko nilaan oras ko or Di kaya ay bibisitahin ko si Luanne sa UP at magbobonding kaming dalawa. Makalipas ang ilang taon ay naexpand ang aking cafe. May branch na din sa Cebu, Davao, Cagayan de Oro at Bukidnon.
BINABASA MO ANG
Unexpected: Not A Love Story
FanficCheyenne Advin already planned her future. It's all set and step by step she'll get there. She is very confident, passionate and so sure to her dreams. She's also a vlogger. Her first video went viral because of her beauty and that day her career s...