Simula pagkabata pinaniniwalaan ko na may kakambal ako.
kakambal na laging andyan sa likod ko.
na kung minsa'y hindi ko naiisip na ako'y nagiisa.
na kahit saan ako pumunta ,alam kong kasama ko siya.
Nagsimula ito ng ako'y nag iisa.
na akala ko ako lang magisa.
magisa na nilalakbay ang daan patungo sa aking paroroonan.
pero ng ako'y napatingin sa aking likuran,tila may itim na imahe na nasa sahigan.
Imahe na tila kakambal ko .
Imahe na kahit saan andon ito.
at imahe na alam kong kahit ako'y nag iisa ay tila andito parin ito.
At itong imahe na ito ay ang aking anino
Anino na ipaparamdam sayo na dika nagiisa.
anino na ipaparamdam sayo na may kasama ka.
anino na ipapakita na kahit tinapak tapakan ka,ay mananatili ka parin na kasama ka.
at anino na pinaniwala saakin na dinako iiwan pa
Pero tila nagbago ang lahat ng bigla akong inabutan ng dilim
Dilim na sa kalagitnaan ng daan na kasabay ng pagbagsak ng malakas na ulan at sabay ng pagsumpong ng aking kalungkutan.
Ay tila inaasahan ko na ika'y mananatili padin.
ngunit tila nabigo ako sa aking nakita, na tila paglingon ko sa aking likuran,tila ako'y iyong iniwan.
Sa panahong iyon,doon ko napagtanto na di lahat ay nananatili sa tabi mo.
may mga bagay tlga na sa panahon ng iyong kadiliman,tila ito'y biglang nawawala nalamang.
ngunit sa panahong din yon,don ko din napagtanto na minsan kailangan nating mapagisa. dahil hindi lahat ng tao ay handang pakinggan ka.
na minsan, sa panahong ika'y nasa may liwanag,ay dun mo lang sila makikita.
napagtanto ko din sa panahong iyon na may mga tao din na kahit na sa kadiliman ay tila andiyan padin.
na tila nabubulag lang tayo sa mga taong inaasahan natin na iintindi satin.
Tulad ng aking anino, na kahit sa dilim ay alam kong andyan padin.Pero tila mas pinagtuunan ko ng pansin ang mga taong diako pinapansin.
Kaya sa mga taong akala nila'y sila ay nag iisa.
Na akala nila ay walang nakikinig sa mga kahilingan tuwing kinakain ng kalungkutan.
Laging niyong tandaan, andyan lagi ang Diyos sa panahong nalulunod tayo at wala tayong mapagsabihan ng ating nararamdaman.