Just gonna stand there and watch me burn
That's alright because I like the way it hurts...
*Yawn* pucha naman!! Sino ba to?? Kaaga aga!
tniningnan ko kung sino yung gagong umistorbo sa masarap kung tulog.
Opo, masarap na tulog.. kase naman almost 2 am na ako nakatulog. As usual kasama ko na naman ung mga walang pakundangan ko na mga kaibigan.. teka kaibigan nga ba?? Anyways yun nga almost 2am na nga nakauwe kase after ng work gumala na naman kame, not to mention that it was Friday night, we paint the town red as they say inuman,kulitan at syempre inuman pa rin..
Ako nga pala si emdre, lupet ng name ko noh.. but that was the name I wanted to be called ambantot kase talaga ng pangalan ko.. emdre short for...
Emilio Andres Postero, yucks! kahit ako napapalingon pag tinatawag ako sa buo kung pangalan. Un name ko pangalan ng mga bayani na patay na, yung apelyido ko naman tunog sepulturero, mnsan nga naitanung ko sa tatay ko kung baket yun ang pangalan ko, sabi nya naman lolo ko daw kase makabayan, kaya ganun,, ung tatay ko nga ang pangalan Rizaldy,, curios kayo kung pano naconnect sa pagiging makabayan yung name nya?
pinanganak kase sya nung December 30 rizal day, eh bisaya ang lolo ko, sa halip na rizal day, rizaldy ang naisulat nung nurse base sa pag kaka pronounce ng lolo ko hihihi..
*Click * half awake nung sinagot ko yung tawag..
Hello!?
kayo po ba si Emilio andres postrero? Sabi nung nasa kabilang line..
Sori po.. sabi ko habang nakapikit at nagkakamot sa dalawang barangay tanod sa ibaba ni chairman.. hihihi alam nyo na kung ano yun hihihi!
hindi po ako sumasali sa promo, hindi po ako nag aplay sa inyo... kapag kase nag aplay ka sa trabaho lage sinasabi, "tatawagan ka na lang namin "
siraulo mga yun!! pwede naman nila sabihin na hindi ka qualified or hindi ka kailangan namin,, baket kailangan pa nila paasahin yung aplikante..
" ay hindi po " sabi nung nasa kabilang line..
Oo nga naman mukhang bata pa kase yung boses nung kausap ko.. teka hindi kaya.. anak ng landlady ko!! pucha!! anung petsa na ba? Pero ang alam ko bukod sa updated ako ng upa meron pa akong 1 month advance kaya imposible yun..
Opo nangungupan ako,, hindi ko kase kaya ang magpakamartir bumiyahe araw araw, from bulacan hangang paranaque.. keri naman kaya. lang mas walang hassle kung mag board na lang.bukod kase sa malapet sa trabaho, sa gimikan, mura yung upa.. kapitbahay ko pa yung pinaka crush ko na kasama sa work.. yup yun ang pinaka main reason.. si krish..Or krishlyn Gomez. haay!! for almost 1 year na kasama ko sya sa work, ni hindi ko pa nasabi or kahit palipad hangin na may gusto ako sa kanya. Hindi ako torpe huh,,siguro naghihintay lang talaga ako ng perfect timing...mahirap baka kase isipin nya na sinasamantala ko kabaitan nya, sya kase tumulong sa aken makahanap ng boardinghouse , tulad ng sinabi ko, hindi po ako TORPE,, hindi sa pagyayabang ..ehem hihihi!! Monthly ako magpalit ng gf nung high school, hindi ako yung tipo na crush ng bayan or something, kilala ako kase medyo may pagka bully ako noon.. medyo lang naman.
8 years ko tinapos ang high school, hindi dahil sa bobo ako or anupaman meron kase napangakuan noon at sinabi ko sa sarili ko na tutuparin ko ang pangako na yun..
"Hello? Helllo po? "
Oo neng! sabi ko puntahan mo na lang dito yung bayad, sosyal na talaga panahon ngaun, pati tindera ng sampaguita may cellphone na,, baka naman naka iphone pa yun huh, ako nga hangang ngayon hindi ko pa rin mapalitan ang telepono ko,, lintek naman kase yung mga kumag na yun,,lakas mang impluwensya!! ang tinutukoy ko ay yung mga kaibigan ko na sina, Rex,Marvin, juvy, at bryan..
"Bayad po? "
sabi nung babae sa kabilang linya.
Oo, d ba? Sa sampaguita?
d ba ikaw yung tindera ng sampaguita?
"ay hindi po??"
"Anak nyo po ako!"
HUH???