Chapter 5

681 62 1
                                    

Keiko's POV

Nandito na ako ngayon sa harap ng pinto ng condo ni Oliver. Huminga muna ako ng malalim bago kumatok.

Pero ilang minuto ang lumipas ay walang nagbukas ng pinto. Binuksan ko ang bag ko ng maalala ko na may binigay palang duplicate si Mrs. Carson.

Napangiti ako nang makuha ko ang susi. Nilagay ko na sa keyhole at inikot ito.

Mukang wala dito si Oliver madilim kasi sa loob. Kinapa ko ang pader malapit sa pinto at tama nga ako dito nakalagay ang switch ng ilaw.

Nilibot ko ang tingin ko at namangha ako dahil maganda ang sala. May mga konting kalat ng naiwang balat ng junkfoods at can beer.

Pumasok ako at nilapag ko muna ang bag ko sa sofa. Pero sandali nasaan naman kaya si Oliver? Bakit wala siya dito.

Nagkibit balikat na lang ako at tumungo sa kusina. Siguro naman ay pwede akong magluto. Tinignan ko ang refrigerator ni Oliver dito sa condo niya at ang nakita ko lang ay mga sangkap para sa adobo. Kinuha ko yon at sinimulang lutuin.

Ilang minuto rin ang lumipas ay naluto ko na ang ulam. Patay! nahampas ko ang ulo ko. Nakalimutan kong mag-saing.

Nakita ko ang lagayan ng bigas kaya pumunta ako banda roon at sinumulan ko na ring magsaing.

Habang hinhintay kong maluto ang sinaing ay nilinis ko muna ang mga kalat sa sala. Ilang minuto lang naman akong naglinis ay natapos agad ako. Umupo muna ako sa sofa at sinandal ang ulo ko.

KAKALUTO pa lang ng kanin at nilagay ko na rin ang niluto kong adobo sa mesa. Sasandok na sana ako ng kanin nang may pumasok sa pinto. Paglingon ko ay nagulat ako si Oliver?!!    at may mga gasgas siya sa mukha. Mukang nagulat rin siya dahil sinigawan niya ako.

"Who are you fag?!" sabi niya mabilis na lumapit sa akin. Umaatras naman ako. Bigla akong kinabahan ng maramdaman kong wala na akong  maatrasan. Nabigla ako ng bigla na naman siyang sumigaw nang makalapit sa akin

"I said who the fuck are you faggot!? Damn answer me!!" sabi niya at hinawakan ang balikat ko ng sobrang diin

"A-ah a-ano ako p-po yong magiging t-tutor at P.A mo po" nauutal na sabi ko at nagsimulang maluha ang dalawang mata ko

"No i don't need you here get out" sabi niya at binitawan na ang braso ko

"P-pero po wala akong m-mapupuntahan ngayon" sabi ko at tuluyan ng lumuha

"I don't care now get out" at tinuro ang direksyon papunta sa pinto

"P-pero-"

"Get out!!" nagulat ako kaya napatakbo ako ng wala sa oras. Nang makalabas ako ay narinig ko ang pag lock ng pinto.

Kumatok ako ng kumatok pero hindi niya pa rin binubuksan. Saan na ako ngayon pupunta.

Bumaba ako sa groundfloor ng building  at naglakad hanggang sa mapadpad ako sa may kaliitang park. Umupo ako sa isang bench na malapit sa akin.

Anong gagawin ayaw ko namang makaistorbo ulit kila Mr. Carson at naiwan ko pa ang cellphone ko sa bag. Napahagulgol na lang ako. Ang sama talaga ng Oliver na yon.

Nagulat ako ng bigla may humawak ako at pagtingin ko ay dalawang lasing na lalaki ang nakita ko.

"Wow pare ang swerte naman natin ngayon, tignan mo naman ang kinis ng balat ng babaeng to" sabi ng lalaking nakahawak sa akin

"H-hindi po ako babae" natatakot na sabi ko. Mukang nagulat sila akala ko bibitawan na ako ng babaeng may hawak sa akin pero mas lalong lumaki ang ngisi nila

"Hmm edi mabuti kung ganon hahahaha!!" sabi nila

Tatakbo sana ako ng bigla nalang akong hinila nang may hawak sa akin. Nangilabot ako ng bigla na lang inamoy ng isang lalaki ang batok ko

"Tangina pare! Ang bango netong baklang to hahaha" sabi niya at patuloy na inamoy amoy ang batok ko

Mabilis naman akong magpumiglas sa mga hawak nila.

"Wag po, pakawalan niyo po ako" sabi ko pero mas humigpit lang ang hawak nila sa akin.

Mas napahagulgol ako ng sinimulang itaas ng lalaking nasa harap ko ang suot kong tshirt. Mas napapikit ako ng maramdaman kong sinimulan niyang halikan ang aking leeg at nakahawak naman ang lalaking nasa likod ko sa aking pang-upo.

'Please sana may magligtas sa akin' ang nasa isip ko

"Asshole!!" napamulat ako nang marinig ko ang boses na yon at nakita ko siyang sinusuntok ang lalaking nag taas nang tshirt ko. Nagulat ako ng makitang may mga kasama pala siyang mga guard.

Lumapit ang mga guard sa dalawang lalaki at pinosasan.

Lumapit naman sa akin si Oliver at sinipat ako.

"Are you okay faggot!?" hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiinis dahil sa pagtawag niya sa akin

"Opo okay lang po sir" maglalakad na sana ako pero bigla akong nahilo at hindi ko na alam ang sumunod na nangyari

NAALIMPUNGATAN ako nang tumunog ang tyan ko. Kaya napahawak ako doon. Pero pagtingin ko sa gilid ko ay nakatitig sa akin si Oliver. Napa-usog tuloy ako palayo sa kanya.

"S-sir" sabi ko at tinignan siya

Iniwas niya ang tingin niya sa akin at tumayo na siya at tumungo sa pinto.

"This will be your room, and eat that food in your bedside table. My room is just in front of yours" ang sinabi niya lang at umalis na

Nang makalabas siya ay kinuha ko ang bowl at tinignan ito. Sandali ito yong niluto kong adobo kanina meron na rin itong kanin. Wait ibig sabihin kinain niya yong niluto ko? Napangiti naman ako.

Nang matapos kumain ay uminom muna ako ng tubig bago tumayo para pumunta ng kusina. Pagbukas ko ng pinto ang tahimik naman tas madilim pa.

Binilisan ko na lang ang paglalakad ko papunta sa kusina. Dumiretso ako sa lababo at  sinimulang hugasan ang mga pinagkainan ko. Nagpupunas na ako ng kamay ko.

Pero biglang nagtaasan ang balahibo ko sa batok nang may bumulong ng malamig na boses.

"Boo" kaya napalingon ako sa likod na sana ay hindi ko ginawa dahil sobrang dikit ng ilong namin at mukang nagulat rin si Oliver sa biglaang paglingon ko.

Inatras ko ang ulo ko dahil konting galaw lang ay mahahalikan ko na siya.

"S-sorry po sir" hindi siya nagsalita at lumayo lang pero hinawakan ko siya sa braso

"A-ah sandali lang p-po sir gamutin po natin yong gasgas mo" sabi ko at hinila siya sa may sofa. Buti na lang at hindi umaangal si sir.

Pumunta ako sa banyo at kinuha ang first aid kit. Bumalik agad ako at binuksan ang first aid kit.

Kumuha ako ng cotton at binuhusan ng alchohol. Dinampian ko ng dahan dahan ang mga sugat ni Oliver. Minsan ay napapangiwi pa siya. Habang dinadampian ko ang mga gasgas niya ay nakatitig lang siya sa akin, dahil naiilang ako ay mabilis ko itong tinapos

Nang matapos ay binalik ko na ang first aid kit sa banyo. Pagbalik ko sa sala ay wala na doon si Oliver. Hays hindi manlang nag thank you kala ko bumait na siya.

Tinignan ko ang orasan sa may sala at 2:00 am na pala. Bumalik na ako ng kwarto para matulog. Maaga pa naman akong magigising.

***
A\N: feel free to correct me po kung may wrong spelling, grammar or typo.

Thank you for reading!

The Homophobe (ON-HOLD)Where stories live. Discover now