Chapter 3

739 52 0
                                    

Keiko's POV

Kakababa ko lang galing sa sasakyan nila Danna. Hinatid niya kasi ako sa pinagtatrabahuhan ko. Taga-linis lang naman ako ng mga mesa at waiter sa isang restaurant.

"Ba-byeee Kei, kita kits bukas!" malakas nanaman na pagkakasabi ni Danna sa akin. Kumaway lang ako at nang hindi ko na makita ang sasakyan nila ay pumasok na ako sa restaurant.

"Magandang hapon po manong!" masiglang bati ko kay manong guard na nagbabantay sa pinto

"Magandang hapon rin sayo Keiko, bilis bilisan mo na marami-rami ang mga kumakain ngayon" nakangiting sabi ni manong

"Ganon po ba, sige po" sabi ko ay pumasok na

Pagkapasok ko ay tama nga si manong marami ang customer ngayon dali-dali naman akong pumasok muna sa locker room para magpalit ng uniporme. Pagkatapos ay lumabas ako at kinuha ang mga gamit na pang linis sa mesa. Nginitian ko naman ang mga katrabaho ko nakakasalubong ko.

ILANG oras rin ang lumipas at magsasara ng restaurant. Pero nagtaka kaming lahat ng pinagtipon kami ng boss namin. Nasa harap namin siya ngayon.

"May kailangan akong sabihin sa inyo, sorry guys pero simula bukas ay hindi na magbubukas ang restaurant bukas" nagbulongan naman ang mga kasamahan ko.

"hala sir bakit naman po"

"Sir bakit po na bankrupt po ba yong restaurant"

"Okay sandali, huminahon muna kayo ibibigay ko rin po ngayon yong suweldo tsaka para sa susunod na buwan. Hindi naman na bankrupt ang resto kailangan ko kasi pumunta sa amerika may sakit ang magulang kaya kailangan kong pumunta roon para bantayan siya. Kaya pasensiya na sa inyo kung biglaang magsasara ang resto" malungkot ma pahayag ng boss namin

Wala ng nagsalita sa amin kaya binigay naman sa amin ni boss ang suweldo namin. Pagkatapos maibigay ng boss namin ang suweldo ay binigyan niya kami ng ilang minuto para mag ayos ng gamit namin.

Nakasakay na ako sa jeep papunta sa maliit na boarding house na tinutuluyan ko. Nang malapit na ako sa gate ay pumara na ako.

"Manong para po!" sabi ko at tinabi naman ni manong ang jeep. Bumaba naman ako at naglakad papunta sa gate.

Hindi pa ako nakakapasok ay nakita ko ang landlady at dalawang lalaki na nilalabas ang iilang gamit ko, mabilis naman akong tumakbo at inayos ang mga tinapon nilang mga damit ko.

Napatakbo naman ako ng ihahagis sana ng isang lalaki ang isang picture frame. Mabilis naman akong lumapit sa kanya at hinablot iyon. Pinunasan ko naman iyon pagkatapos kong napunasan ay napatingin ako kay Aling Beth.

"A-aling Beth b-bakit niyo po nilalabas yong m-mga gamit ko?" mangiyak ngiyak na tanong ko sa sakanya habang inaayos ang damit ko sa bag na hinagis rin nila

"Aba'y bakit naman hindi dalawang buwan ka ng hindi nagbabayad ng renta, matagal na akong naghihintay ng bayad mo at ilang beses na rin kitang pinagbigyan pero wala pa rin!" pasigaw na sabi nito sa akin

"P-po m-magbayad na po a-ako ngayon i-ito po oh" at dali-dali kong kinuha ang suweldo ko na kakabigay lang ni boss. Mabilis namang nagliwanag ang mukha ni Aling Beth mabilis niya naman itong kinuha sa akin kaya naman nagsalita ulit ako.

"A-ah Aling Beth nakapagbayad na po ako pwede na po ba akong pumasok sa b-bahay?" tanong ko sakanya napunta naman ulit sa akin ang atensyon niya

"Naku pasensya na pero may bago ng titira dito kaya nga nilabas ko na ang mga gamit mo eh" sabi niya at nilock ang pinto ng apartment at umalis mabilis ko naman siyang hinabol.

"P-pero Aling Beth nagbayad na po ako ibalik niyo na lang ho ang ibinayad ko kung hindi niyo na ako papatirahin dito" sabi ko ng maabutan sila

"Ano! Bat ko naman ito ibabalik ito na ang pambayad mo sa dalawang buwan na palugit ko sayo!" naiinis na sabi niya

"Pero wala po akong mapupuntahan ngayon" sabi ko at nagsimula ng tumulo ang mga luha ko

"Aba! hindi ko na problema iyan!" sabi niya at pumara ng tricycle

"P-pero Aling Beth! Aling Beth!" sigaw ko at hinabol ang sinasakyan nilang tricycle pero mabilis iyong nakalayo kaya napaluhod na lang ako sa kinatatayuan ko.

Nang mahimasmasan ako ay tinawagan ko si Danna at pinaki-usapan ko na sunduin ako. Ilang minuto ang lumipas bago siya dumating. Nang makita niya ako sa na nakaluhod ay mabilis niyang hininto ang sasakyan at lumapit sa akin.

"Hala Kei bakit anong nangyare bat ka nakaluhod jan?" nag-aalalang tanong ni Danna sa akin ng makalapit siya

"Si Aling Beth kasi, pagdating ko dito ay nakita kong tinatapon nila palabas ang mga gamit ko kasi hindi na raw ako nakapagbayad ng dalawang buwan, tapos nagsara pa ang restaurant na pinagtatrabahohan ko ngayon kaya nagbigay na ang boss namin ng suweldo kasama na ang suweldo sa susunod na buwan at yon ang binigay ko kay Aling Beth pero sabi niya may bago na daw na titira dito at di niya rin binalik ang pera ko, kaya ngayon di ko alam kung saan na ako titira" pakukwento ko sa sakanya. Nag-iba naman ang itsura ni Danna mula sa pag-aalala ay napalitan ito ng galit

"Ano!! Grabe na talaga yan si Aling Beth ha! noong minsan na narito ako sinisigaw-sigawan ka pa nun. Tapos ngayon kinuha pa ang suweldo mo at pinaalis ka pa rito. Aba't halika nga alam mo ba kung saan ang bahay ng Aling Beth na yan tara na't sugurin natin talaga naman!!" sabi niya at mabilis na hinila ako papunta sa sasakyan niya mabilis naman akong nag pumiglas

"S-saglit lang Danna, huwag na Danna w-wait lan-" napahinto kami ng biglang tumunog ang tyan ko

"Hindi ka pa kumakain?" nakakunot ang noo na tanong nya sa akin

Napakamot na lang ako sa batok ko at napabuntonghininga naman siya

"Hayy tara na nga kumain na muna tayo, mamaya na natin pag-usapan ang tungkol sa bago mong titirhan, halika na" sabi niya at sumakay na kami sa sasakyan

***

The Homophobe (ON-HOLD)Where stories live. Discover now