Chapter 4

732 52 0
                                    

Keiko's POV

Kakatapos lang namin kumain ni Danna sa Mcdo kaya nagpahinga kami saglit at nag usap.

"Pano na yan saan ka na titira ngayon? Bakit kasi ganon ang ugali ng Aling Beth na yon?! Kung makita ko lang talaga yon sisiguraduhin ko talagang-" pinutol ko na ang sasabihin niya, nagsisimula na naman ang bungabunga ng babaeng toh

"Ikaw talaga wag mo na ngang isipin si Aling Beth, sa inyo pwede ba akong makituloy muna habang naghahanap ako ng matutuluyan ko" sabi ko bigla namang nalungkot ang muka niya

"S-sorry Kei pero nandoon kasi yong kaibigan ni mommy doon daw muna sila makikitira, may na murder daw kasi malapit sakanila kaya doon muna sila sa amin dahil natatakot sila" malungkot na sabi ni Danna sa akin

"G-ganon ba?" sabi ko at tumango naman siya

Ilang minuto rin ang namayani sa amin ng biglang lumiwanag ang mukha niya, nagtaka naman ako.

"Bakit?" nagtatakang tanong ko

"Kei alam ko na kung saan kang pwede tumuloy ngayon" sabi niya at hinawakan pa ako sa kamay

"Saan naman eh alam mo naman ikaw lang ang kaibigan ko kaya saan naman ako makikituloy?"  nagtatakang tanong ko

"Diba sabi mo nawalan ka na ng trabaho? Tapos ngayon naman ay wala ka nang matutuluyan?" nakangiti pa ring sabi niya

Tumango ako "so ano nga saan na ako titira ngayon sa kalsada mamalimos na lang ganun?" sabi ko at tinignan siya

"Gaga hindi, eh kung tanggapin mo na lang kaya ang inaalok sayo nina Mr. Carson na maging tutor at P.A ng anak nila. O diba may bago ka ng trabaho kung ganun" sabi niya

"H-ha eh paano yon sinabi ko pa naman na pag-iisipan ko muna tapos ngayon biglaan akong pupunta sa kanila?" nag-aalala ako kasi baka busy ngayon si Mr. Carson at biglaan kaming pupunta roon ngayon

"Wala namang masama kung susubukan natin diba? Halika ka na!!" hindi pa ako nakasagot ay hinila niya agad ang kamay at pumunta sa sasakyan

NANDITO  na kami sa harap ng mansyon ng mga Carson. Hininto na ni Danna ang sasakyan kaya nauna na akong bumaba.

Wow ang laki. Yong parang nakikita ko sa mga palabas sa tv.

"Halika na" at mabilis na hinila ang kamay ko papunta sa gate.

"Ah manong guard nasa loob po ba sila Mr at Mrs. Carson?" tanong ni Danna

"Oo neng, bakit anong kailangan niyo sakanila?" nakakunot ang noo ni manong

Bumulong naman sa akin si Danna na 'ano ba yan ang sungit ni manong pektusan kita jan eh' siniko ko naman siya mamaya marinig pa ni manong. Hays kahit kailan talaga.

"Ah ako po kasi yong magiging tutor ni Sir Oliver po" ako na lang ang nagsabi baka mamaya ano pang masabi nitong si Danna

"Hmm ganun ba, o siya sige pasok kayo kumatok na lang kayo sa pinto" sabi ni manong at pinagbuksan kami ni gate

Ang ganda may garden pa sila tapos may fountain pa sa gitna may ilaw pa ito at may istatwa ng anghel sa gitna ng fountain. Napatingin ako kay Danna ng bigla itong magsalita.

"Omygosh Keiii ang yaman talaga ng mga Carson, ang gara oh tignan mo may fountain pa wait lang pipicturan ko" sabi ni at dali-daling kinuha ang phone niya, maya maya ay tinawag niya ako

"Kei picturan mo naman ako, pleaseeee" at nag puppy eyes pa. Natatawang kinuha ko ang phone niya

"Sige, pero pagkatapos ay papasok na tayo, anong oras na oh baka mamaya hinahanap na sa inyo.

The Homophobe (ON-HOLD)Where stories live. Discover now