01

0 0 0
                                    

01. Meet Again


Naiinis na akong naghihintay sa cafe kung saan namin napag usapan ni Jasmine magkita. As always she's always late. Sa susunod magpalalate na rin ako kahit ilang beses ko ng sinasabi ito sa sarili ko.

Jasmine is my bestfriend since high-school. Sa sobrang dikit na namin ay napapagkamalan kaming magkapatid dahil nagkakamukha na raw kami kahit hindi naman totoo.

Naghintay pa ako ng ilang minuto bago ko natanaw ang nakaputing dress na si Jasmine. She is always elegant even in a simple outfit.

"O parang di sanay na late ako,ah." Reklamo pa niya.

"

Kapal ng mukha mo." I hissed and start to order food.

"Kakain muna tayo bago tayo pumunta sa kaibigan ko,okay?" Tumango lang,nag usap pa kami tungkol sa business at iba pa ng dumating ang pagkain. Bilang magbestfriend at palaging magkasama noon pa hindi na napigilan ang chikahan habang nakain.

"He took my first kiss. He's irritating!I don't like him!" batay sa pagkukwento niya marararamdaman mo ang pagkairita niya sa lalaking kumuha ng first kiss niya.

"Masarap ba?Magaling ba?"pang aasar ko pa.

"Funny ka?Kakatuwa 'yon?Ha?"sabay irap.

Pagkatapos kumain ay umalis na kami at nagpunta sa lugar na kinuha ko para itayo ang bakeshop at doon imeet ang kaibigan na sinasabi niya. Ayaw ko na ng trabaho ko sa kompanya ni Jasmine,nakakatamad doon. Wala naman akong ginagawa masyado kundi magcheck lang ng mga empleyado at minsan pa ay hindi na ako kailangan doon dahil nandoon palagi si Jasmine sa hotel. Ginawa pa niya akong manager kung siya rin pala ang gagawa ng trabaho ko kung kaya't naisipan kong maghanap ng ibang trabaho.

Naisipan kong magtayo na lang ng sarili kong bakeshop since mahilig naman akong magbake.Well, that's my hobby since my mom is still alive.

Ito 'yong gusto ng parents ko simula dati pa. Mayaman pa kami pero hindi ko natupad dahil nag aaral pa ako at nagkasakit si daddy kung kaya't kalahati ng yaman namin ay nawala para sa pagpapagamot ni daddy ngunit hindi niya kaya at tuluyan ng nawala sa akin. Ilang buwan pa ang nagtagal at nawala naman sa akin si mommy dahil nagkasakit siya utak dahil inatake sa puso at nauntog pagkabagsak sa banyo kung kaya't namuo ang dugo at kalaunan ay naging tumor. Ang business namin ay nawala at tuluyang bumagsak dahil walang namamahala at nasa ibang bansa ako para sa pagpapagamot ni mommy. Binenta lahat ng ari arian namin dahil sa operasyon ni mommy pero kahit ganon ay hindi pa rin niya kinaya dahil nahuli kami. Kaya hindi naging successful ang operasyon.

Tuluyan akong bumagsak. Nawala si Daddy. Iniwan ako ni Mommy. Wala akong kamag anak. Ang natirang pera ay ginamit ko sa paghahanap ng malilipatan at pagtutuloy sa pag aaral ko.Graduating na ako noong nawala sila.Nawala ang lahat sa akin. Binenta ko na pati ang mansyon na natira dahil ayoko nang tumira roon kung wala si mommy at daddy. Walang saya. Walang buhay.

Pinagpatuloy ko ang aking buhay.Grumaduate ako na buntis. Hindi ko rin alam kung sino ang nakabuntis sa akin dahil nawala ang aking alaala. Basta ang sinabi lang sa akin ni Jasmine,may naging boyfriend daw ako noon at iyon daw ang ama ng mga anak ko. Sinabi sa akin ni Jasmine ang pangalan ng naging boyfriend ko.

Sinabi sa akin ni Jasmine na wala raw dito sa Pilipinas ang ex ko at hindi na raw babalik kaya hindi ko na lang tinanong kung may asawa at anak na dahil sigurado naman. Hindi ko alam ang apelyido at mukha ng lalaking iyon. Hindi na rin ako nagbalak na hanapin siya. Kaya ko naman buhayin ang mga anak ko ng wala siya.

Sobrang sakit ng nangyari sa akin kaya't imbis na makapagpatayo pa ako ng maliit na business noon ay nagamit ko pa ang pera sa pagpapagamot sa akin.Tinulungan lang ako ni Jasmine para mabuhay ko ang dalawa kong anak.Pinatira niya ako at nang lumaki na ang dalawa tinulungan niya naman ako sa trabaho.

"Good afternoon,Sheila." Nakangiting sambit ni Jasmin. Nakatayo na kami sa harap ng isang babae. "Sheila this is Yukira. Yukira si Sheila 'yong makakatulong sayo sa bakeshop."

"Good afternoon,Ms."nagbatian pa kami at nag umpisa ng mag usap tungkol sa bakeshop na itatayo ko.Magaling siya sa pagdedesign ng interior at exterior ng bakeshop.Binigay ko rin ang ideas ko para sa bakeshop.Natapos kami at nagpaalam na sa isa't isa.Nagtungo na kami ni Jasmine sa mall para mamili ako ng mga kakailanganin ko.

"Von!" Nagulat ako ng sumigaw si Jasmine at lumapit sa amin ang isang matangkad na lalaki. He is just wearing a simple white V-neck shirt that hugs his body perfectly and a dark pants but dzuh why he's so hot with that? Samahan mo pa ng magaganda niyang mata na highlighted with his thick eye brows,matangos ang ilong, mapulang labi na bagay na bagay sa kulay niyang maputi.

Nakita ko ang gulat sa mukha niya ng mapatingin pa siya sa akin. Kinabahan ako sa tingin niya. Ano meron?Kilala ko ba siya?Magbestfriend na kami ni Jasmine for more than 10 years and I didn't knew na may kaibigan pala siyang Von ang name.Alam ko namang hindi ko kilala lahat ng kaibigan niya pero dahil magkasama kami for 5 years sa iisang bahay akala ko kilala ko na lahat ng kaibigan na meron siya pero hindi pa pala.

"Kailan ka pa dumating?Akala ko ba sa Canada ka na titira?" tanong ni Jasmine.

"Kanina lang,dito na ako titira."nakangiting sagot ni Von. Luminga linga ako para magtingin tingin kung may gusto pa ba akong bilhin pero napatigil ako ng hawakan ako ni Jasmine sa braso.

"Yuki si Von. Zeleon Von,your ex."

Yuki si Von. Zeleon Von,your ex.
Yuki si Von. Zeleon Von,your ex
Yuki si Von. Zeleon Von,your ex.

Napatigil ako.S-siya?Parang imposible namang siya ang ama ng mga anak ko.Ngumiti na lang sa kaniya. 'Yung kaba ko dumoble pa ng tignan niya ako ng makahulugan.

"N-nice to meet you again,Von." napapikit ako ng mautal pa ako. Damn.

Ngumiti lang siya at tumango sa akin bago bumaling kay Jasmine.

"May trabaho kayong alam?Kailangan ko ng pera e." napakunot ang noo naming dalawa ni Jasmine, ganiyan kagwapo hindi mo halatang nangangailangan ng pera.Humarap sa akin si Jasmine at ngumisi.

"Diba kailangan mo ng BABY SITTER,Yuki?"  'Ako?Mukha ba akong baby?' tinuro ko pa ang sarili ko para makasiguro. Bakit ako?

"Magiging busy ka sa bakeshop baka kailanganin mo ng baby sitter para sa kambal,huwag mo ng idahilan na nandoon si Jarold dahil siya ang pumalit sa trabaho mo.

"Kaya ko naman siguro alagaan ang kambal kahit sa bakeshop."ngumiti ako at tinignan si Von na nakakunot ang noo,kumabog ang dibdib ko ng magtama ang tingin naming dalawa kaya nag iwas ako ng tingin agad.

"Tawagan mo na lang ako,Jasmine kapag kailangan niyo ng baby sitter,ha?sige alis na ako." sinundan ko pa ng tingin ang pag alis ni Von bago ako tumingin at inayang umalis si Jasmine.

Buong biyahe pauwi ay inisip ko kung kailangan ko ba talaga ng baby sitter para sa kambal. Siguro kaya ko namang alagaan sila kahit sa bakeshop at saka matagal pa naman siguro bago pa mabuksan ang bakeshop kaya tinakwil ko sa isipan ko ang mga iniisip.

"Posible kayang si Von ang ama ng kambal?Ang harot mo naman kasi dati,ang dami mong lalaki.Myghad,Kira!" Pag iinarte niya. Nagda drive na siya papunta sa condo ko.Umalis na kami ng kambal sa condo ni Jasmine at bumili ako ng sarili ko.

Ngayon ko lang nalaman na marami akong lalaki. Bakit sa mga alaala ko wala naman akong natatandaan na nakipagtalik ako sa ibang lalaki kundi sa isa na malabo at hindi ko pa maaninag ng maayos ang mukha tuwing dumadalaw siya sa panaginip ko at ipakita ang mga alaala naming dalawa. Bakit ang mukha niya lang ang hindi ko maalalala?

"Excuse me?Kung may marami manglalaki sa atin hindi ba dapat ikaw 'yon?" naniningkit ang mga matang tanong ko.

"O sige parehas lang tayo." pagpapakumbaba niya,kapal ng mukha.

Nag usap pa kami ng kung ano ano at nag asaran bago pa kami makarating sa condo namin. Magkatabi lang ang condo namin kaya inaasar niya akong lumipat pa raw e magkatabi naman. Ewan ko rin.

-------------------------------
-------------------------------

Be with you (With You Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon