02. Twins
"I'm homeeeee" sigaw ko sa dalawang babies ko na nakaupo sa sofa. Hindi nila ako tinignan man lang at busy.
Si Zekion ay nagbabasa ng isang libro habang nakasandal sa balikat niya si Zekira at nakikinig sa kakambal.Mas una kong naisilang si Zekion kaya tinatawag siyang kuya ni Zekira kahit 5 minutes lang ang agwat nila.
Lumapit ako sa kanila at tinakpan ang mata ni Zekion kaya napatayo at napatingin agad sa akin si Zekira ng masama at handang na akong sugurin ng librong kinuha niya sa gilid ng napagtantong ako ang nagtakip sa kuya niya. Sinenyasan ko siyang pumunta sa kusina at doon sumigaw para mataranta pa lalo ang kuya niyang pinipilit tanggalin ang kamay ko.
"KUYAAAAA!!HELPPPPP!!" Matinis na sigaw ni Zekira mula sa kusina.Nagulat ako ng biglaang natanggal ni Zekion ang kamay ko at tumakbo sa kusina para hanapin si Zekira na nagpipigil ng tawa.
"Zekiraaaaaaa!!!" natawa ako sa sigaw ni Zekion dahil napagtantong ako ang nagpakana ng lahat kaya lumabas siya na masama ang tingin sa akin. Ang cute.
"MOMMYYYYY!!!" Sigaw niya at mas lalo akong natawa ng umupo siyang muli ng nakanguso at masama ang tingin sa librong kinuha.Tumabi ako sa kaniya ng nakangiti para aluin na siya.
"Sorry na.Oyy...Sorry na po." sinundot sundot ko pa ang pisngi niya kaya nainis siya lalo. Tumabi naman si Zekira sa kaniya at niyakap siya.
"Kuya sorry na rin.Sorry na."
"Ang galit hindi makakakain ng gummy bears." napatingin siya sa akin kaya kinuha ko ang paper bag at kinuha roon ang gummy bears na binili ko.Nakita ko na parang nagningning ang mga mata nilang dalawa. Favorite na favorite nila ang gummy bears pero hindi ko sila binibigyan nito palagi dahil ayokong maspoiled masyado sila sa sweets.
Inabot ni Kion ang pack ng gummy bears na hawak ko pero tinago ko sa likod ko. "Kiss muna bago gummy bears." Agad silang tumayo sa magkabila kong gilid at hinalikan ako sa magkabilang pisngi ng ilang beses bago ko binigay sa kanila ang pack ng gummy bears.
Tumayo na ako at niligpit ang mga librong siguro ay binasa ng dalawa habang wala ako. Mga story books ito dahil mahilig si Kira dito.
"Mommy,si Tita Jasmine po hindi po ba pupunta dito?" Tanong ni Kira habang kumukuha ng gummy bear na hawak ng kuya niya. Ang swerte ko na lang at hindi sila nag aaway gaya ng ibang kambal. Tuwing may hindi sila napapagkasunduan ay magpapakumbaba ang isa at maaayos agad ang problema.
"Sasabay siguro sa atin sa dinner mamaya,baby.Bakit?" May napagkasunduan na naman siguro ang dalawa kaya't nagtatanong si Kira.
"She promise me she will buy me a new books po."nakangiting saad ni Kira at napatingin sa kaniya si Kion.
"Books na naman?Tapos ako laging magbabasa?" kunot noong tanong niya sa kapatid. Natawa na lang ako.
Sa kanilang dalawa mas mahilig magbasa si Kion at makinig naman si Kira. Malapit pa lang silang mag 5 pero magaling na sila magbasa at magsulat. Hindi ko sila sinanay na palaging nakaharap sa mga gadgets at tv kaya't libro ang gusto nila.
"Wanna watch some movie?"aya ko sa kanila.
"What movie,mommy?"nakangiting tanong ni Kion. Magsusungit 'yan kapag Barbie na ang papanoorin dahil kay Kira.
BINABASA MO ANG
Be with you (With You Series 1)
RomantikWhat if a multi-billionaire man named Zeleon Von Bardon baby sit the baby twins of the love of his life named Yukira Megan Vanzuela?