03

0 0 0
                                    

03. Sick Zekira


"Mommy, sasama po ba tayo sa amusement park?" tinignan ko ang mga mata ni Kion at natawa ako dahil nagmamakaawa ang nakikita ko,katulad ng nasa mata ni Kira.

Tumango lang ako at tumayo na para pumunta sa banyo para mag ayos ng sarili.

"Good morning babies!" sabay halik sa mga pisngi ng kambal. "Lets eat."

Tinignan ko ang orasan at nakitang 5:30 A.M pa lang.Bakit ang aga naman?

Masayang pumunta sa kusina ang dalawa. Napagdesisyon ko na pancake na lang ang lutuin since favorite nila 'yon kapag may chocolate syrup. "Who wants to help me to make pancakes?"

"Meee!"

"Me too!"

Sabay silang bumaba ng upuan at lumapit sa akin.Kinuha ko na ang mga kailangan ko at gumawa ng pancake.

"Mommy,how to break this egg in a way like yours?!" pagmamaktol ni Kira

"Crack it with a fork then break it and pour it to the bowl." pagtuturo ni Kion. Sino nagturo rito?

"How did you know,Kuya?" manghang tanong ni Kira. "By watching mommy do things."

Natapos namin ang pagluluto sa maingay na paraan dahil pinaglaruan pa nila ang harina. Nilagyan ni Kira ang kuya niya si Kion kaya gumanti ito hanggang sa pati ako nilagyan nila.

"You put a lot of chocolate syrup,Kion!" pagpuna ni Kira sa kakambal.Ngumisi lang ang kuya niya at hindi siya pinansin.

Napatingin ako sa cellphone ko nang tumunog ito.Nagtext si Jasmine at sinabing 8:00 A.M ang alis namin.

"Finish it and we will take a bath. We will go to the amusement park at 8 A.M." binilisan na namin ang pagkain. Pagkatapos ng ilang minuto ininom na nila ng mabilis ang gatas nila at tumakbo papunta sa kwarto para mamili ng damit na susuotin nila. Ayaw nila na may makielam sa susuotin nila,minsan naiisip ko baby pa ba sila.

Hinugasan ko na ang mga pinaggamitan namin at umakyat na sa kwarto namin.Nakita ko silang nakaupo sa sofa hawak ang mga backpack nila at nag uusap tungkol sa mga gamit na dadalhin nila.

"You will bring the tissue,Kira and I will bring the alcohol." ani Kion na sinunod naman agad ni Kira. Nagbigayan pa sila ng mga gamit bago tumingin sa akin. Nakita ko na ang mga susuotin nila,parehas plain gray shirt ang susuotin nila.Pinerasan ni Kira ito ng maong skirt at white shoes niya habang maong pants naman kay Kion at white shoes din.

Pinaliguan ko na sila at inayusan bago ako nag ayos. I just wear plain gray v-neck shirt paired with fitted maong skirt and white rubber shoes. Bumaba na kami pagkatapos ko i-braid ang buhok ko gaya ng kay Kira. Kumuha ako ng madadalang tinapay at tubig nila at nilagay sa mga backpack nila.

"Jarold!Tabi ka sa kanila mukha kayong family.HAHAHA!"pang aasar nila dahil naka gray v-neck shirt at maong pants paired with white shoes si Jarold. Natawa naman ako at inasar din nila Kira at Kion si Jarold.

"Walang ice cream mamaya ang mga nang aasar." panakot ni Jarold sa kambal na hindi gumana dahil tumawa lang ang kambal.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 21, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Be with you (With You Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon