Kabanata 5

16 1 0
                                    

Jade POV

" Tingnan nyo tong anak kung si Jamie! Naka lampas na ng isang linggo sa pinapasukan nya! Proud na proud ako sa batang ito" pag mamayabang ni papa sa kamila habang akbay-akbay ako.

Nag ka inuman na naman sila ni papa at mang doming sa talyer. Ayun, dahil likas na manlinglang tong kainuman nya. Si papa yung unang na lasing. Tsk sasakit na naman balikat ko kaka buhat ni papa.

"Proud na proud papa mo brother" ngitingiting sabi ni Seb sa tabi ko

Parang yun lang ? Eh ano naman ? Yung mga ibang estudyante nga hanggang kataposan hindi sila tumigil. Tapos itong si papa one week pa lang akong nag aral ulit , nag pa fiesta sa tayler. May pakain si mayor mga sis!

"Oh , anong mukha yan ? Dapat talagang mag aral ka, yung iba nga dyan oh. Hindi naka tapos dahil hindi pinag aral, maagang nag unat nang buto" sabi ni Seb sa akin. Inirapan ko sya, anong pinag lalaban nito ?

"Gusto mo, sabihin ko kay papa ikaw nalang yung pag aralin nya ? Tapos ikaw narin yung maging anak. Palit tayo" suggest ko kay seb pero na tawa lang ang gago. Ano nakakatawa ? Ayaw nya pa ? Tsk chossy.

"Nag bibiro ka ba ? okay na ako! Sapat na sa akin yung binigyan ako ng trabaho ng papa mo okay ? Kung wala ang talyer , wala ako dito. Baka nasa kalsada parin ako ngayon" explain nya pa sa akin

Tsk, alam ko yun! Bakit naman kasi maaga namuhay mag isa si Seb? Ang aga nya nawalan nang guardian hindi pa nya alam asan yong parents nya. Mabuti nalang at may kinilala pa syang lola nung 3-9 years old pa sya pero maaga ring kinuha iyon sa kanya kaya na pilitang maging palaboy sa kalsada at hindi naka tapos ng grade 4.

Mabuti nalang nandyan si papa sa labas kaya palagi syang hinihingian ni Seb nang pag kain. Napagdesisyonan ni papa na palakihin si seb sa aming puder nung tumungtung ako ng grade 5.

Katulong sya ni papa sa talyer at nag karoon nang maliit na kwarto doon .
Shan Sebastian "Seb" Bautista bestfriend ko.

"Oo na , pa ulit ulit ka eh! Peroo pwde nga! Sasabihin ko kay papa" Bigla kasi sumangi sa isip ko na sabihin kay papa na pag aralin namin si Seb.

Mahilig mag basa at mag bilang si Seb, napag aral naman sya ni papa hanggang 2nd year pero nahinto dahil nag ka problema ang negosyo. Dapat nga eh sa edad kong ito nasa 3rd college na, 18 na kami pareho ni Seb.

Nahinto lang sya ng halos apat na taon dahil sa problema, ako naman ay pabalik balik ng highschool dahil nag bulakbol! Oo ako na yung masamang anak. Simula kasi nung hindi na naka pag aral si Seb wala na akong kasabay sa lahat, kaya nung grade 9 maraming ng kalokohang na gawa. Nabully ako kaya naging bully na rin ngayon. Sa kung saan-saan na ako lumilipat kasi na eexpell palage.

Na subukan kung ma suspend nung grade 8 , hindi naka pasa nung grade 9 at na Na expell na nung grade 10 at ngayonnn! Bumalik ulit ako. Hindi ko pa alam kunggg gagraduate ako! Sanay pa naman akong ipa hamak sarili ko.

"Ikaw nalang ang tumupad sa pangarap namin brother. Taposin mo pag aaral mo . Okay naman kami dito at mas magiging okey kapag may graduate si Master. Makikita mo, eh pag mamayabang ka nya sa lahat"

Paniguradong sabi mi Seb sa akin, na para bang okay lang talaga na wag syang alahanin. Pakiramdam nya masayado ng maraming ibinigay na tulong si papa sa kanya. Napa buntong hininga nalang ako. Mahigit trenta minuto din kaming natahimik ni Seb ng biglang pumasok sa isip ko ang tanungin sya

"Minsan ba, inisip mo ang tunay na magulang mo Seb ? Hindi ba pumasok sa isip mo na hanapin sila?" seroyoso kung tanong sa kanya habang busy akong tumingin sa madilim na kalangitan.

The gangster who stole my boyish heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon