Jamie POV6:30 AM MONDAY
8am pa yung klase ko pero 6:30am palang nahatid na ako ni papa. Lechugas, ako ba yung lalake este babae noon na gusto mapatalsik sa skwelahang ito? Early bird ah! Si papa naman kasi ginising ako ng 5am para mag ayos. Kaya ko namang matapos ng 10-15minutes bago mag time.
Medyo nakaramdam pa ako ng anghang sa mata nung ginising nya ako, 2am na ako natulog kakalaro sa phone ko pero hindi na ako nag reklamo. Kasi at the end , sesermonan na naman ako kakalaro ko ng hating gabi. Masama raw yun sa mata tsk. Tsaka makita ko lang si papa na masaya at excited para sa akin ayokong mawala yun sa mukha nya. Kasi si papa ang pinaka importante sa akin.
Anyway , napag pasyahan kong libangin ang sarili sa pag libot ng buong campus, kakasikat palang ng araw kaya hindi masakit ang init at malamig ang simoy ng hangin. Kaka pasok ko palang ng gate at nakita ko na yung ballpark, hindi masyadong crowded kaya na isipan kong humiga sa bermuda malapit sa pole.
Nakaka antok talaga, matulog kaya ako dito? Ang sarap humigaaaaaa ! May 1hr and 30 minutes pa ako.
ZzzzZzZzz
" waley ba yang house ? Ang cheap pa ng clothes!"
"Hala! Anong nangyare dyan?"
" Omggg, kaya ayokong humiga sa bermuda kasi baka ganyanin din ako"
Nagising diwa ko nang biglang may chismiss akong narinig, bakit ang ingay anong oras na ba ?
HALA !
Napabangon ako at nag tingin-tingin sa paligid ! ! ANONG KA PISTEHAN ANG GINAGAWA NILA SA AKIN?! Pinag titigan ko sila lahat na naka paligid sa akin, lahat sila na gulat nung nakita nila ang ng lilisik kong mata. Kumunot ang aking noo at dinadaan ko sila lahat ng tingin. "SINONG DEMONYO ANG GUMAWA NITO SA AKIN?!" buo kong tanong sa kanila.
Naramdaman ko na ang pag init ng aking ulo dahil napansin ko ang yellow caution tape na naka palipot sa akin at dahil nasa bermuda kami, walang chalk na naka trace sa hulma ko. Ginawa ba kong biktima sa isang crime scene?
BêWArè! PANGIT, NAG SASALITA NG PATAHOL. PATAY!
Whatda! ANONG SIGNAGE YAN?!
"LINTEK LANG ANG WALANG GANTI! SAGOT!!" galit kong tanong
Ano sa tingin nila ? Iiyak ako? Baka nga maiiyak pa yung gumawa sa akin nito!
"MISS HUMIGA KA MUNA, HINDI PA KAMI NAKAPAG SHOOT" sabi nung lalakeng naka hawag nang camera.
Anong kagagohan ito ? Bakit ? Anong nangyayari ? Wag nyo ko isasali sa mga ganito!
"IKAW! SINONG LANGAW ANG NAG UTOS SAYO?!" Turo ko sa lalakeng nag sabi sa akin na humiga
"Miss, sabi po nung tumulong sa akin kaibigan ka raw nya. Handa ka raw maging biktima sa shoot namin" nabasag ang kanyang boses habang sinasagot nya ako, tila ba'y nakaramdam na sya ng kaba at pag kalagot.
Hindi pa ako naka pag salita ulit ng may biglang nag bigay ng distansya sa gitna habang lumalakad ito palapit. Ang mga tao ngayon ay sinusundan sya ng tingin, napansin ko ang pag buka ng kanilang mga bibig at yung iba'y kinikilig.
Bwiset ? Sya na naman?!
"Tika lang ha , pa aamohin ko muna aso ko " sabi nya sa lalakeng may camera
" hi, anong feeling maging artista?" baling nito sa akin
"Ikaw ? Anong feeling mag mukhang langaw? " ganti ko
BINABASA MO ANG
The gangster who stole my boyish heart
HumorJust like magnets , opposite attract at sa estoryang ito paano kaya kong ang isang gangster at isang babaeng galaw lalake ang mag tapat?Hatred ba sa isa't isa ang tutulak upang mag karoon ng chance ? Kung gusto mo malaman abangan.