"Boss , salamat talaga don sa pag multa. Kung di dahil sayo baka nakulong pa kami ni January " pagpasensya ni Feb sa akin habang buhat-buhat nya yung isang malaking basket na puno ng patatas.
"Sus , wala lang yun. Paano na ang grupo kung naninirahan kayo dun?" ngiti-ngiti kong tanong kay Feb na talagang na konsensya sa nangyari nung nakaraan.
"Paano ka naman pag katapos non? Na sermonan ka na naman ng ermat mo"
Napabuntong hininga nalang ako, nasa palengke kami kung saan nakakuha sya ng trabaho bilang kargador. Kahit ano ang naging sideline nya tuwing walang klase sa pinapasokan nya.
"Tinatanong pa ba yan ?" napasulyap ako dahil sa sinabi nya pero seryoso syang naka tingin sa mga kakargahin.
"Sana talaga pinabayaan mo kami dun, hindi na naman kayo okey"
Napatawa ako dahil naramdaman ko na parang pasan nya yung nangyari sa akin nung naka uwi kami.
"Para namang bago yun, hindi naman talaga kami okey ni mama eh" sabi ko nalang. Simula kasi nung kami nalang ni mama ang naninirahan sa mansion. Lahat nalang parang binubuntong nya sa akin.
Pasan ko lahat ng expectations nya, lahat ng gusto nya para sa akin hindi kung ano ang gusto ko. Okay naman talaga eh. Pero bakit hindi nya ako maintindihan?
"Kahit na no! Malaki na galit ng mama mo sa amin. Tsaka nung oras na yun na isip ko nalang na eh kulong para libre pagkain. Alam mo na, hindi na ako mahihirapan mag hanap ng sideline" pangatwiran nya na para bang okey nalang talaga na hindi sila maka labas ng station.
Parang gago talaga to!
"Lechugas, Na isip mo pa yun?! Baka gusto mo ulit ma huli ah? Gangster tayo at ang mga gangster na katulad nating gwapo hindi mahuhuli ng pulis! Okay ba yun?" thumbs up ko pa sa pag mumukha nya.
Nakakabakla man pero naging kapatid na ang tingin ko sa kanila. Mabuti pa sila karamay ko.
"Oo na boss , naka laya na eh" naging hyper ulit ang tono nya.
Inilagay na nanmin ang mga gulay at prutas sa isang stall kung saan nag hihintay nalang kami ng bayad. Kahit naman hindi ko kailngan nang pera , sumama ako para mapa doble ang pera ng kaibigan, wala naman akong ibang kinikitang kaibigan dahil mapili ako sa kasama at ayaw ko naman mag mukmuk sa mansyon. Mamaya pa naman si January dahil naka racket din sya don sa kabilang palengke.
"Oh, ito salamat ah" sabay bigay ng 20 pesos sa aming dalawa ni Feb
"Ito lang?!" Reklamo ko sa lalaking nag bigay nag apat na limang peso sa amin
Napalingon ulit ang tindero sa amin nung narinig nya akong nag reklamo, aba! Dapat lang ! 10 basket ang kinakarga namin tapos bente pesos lang ? Pambihira
"Nag rereklamo ka ?! Akin na yang bente pesos mo, nag rereklamo ka eh" matulis na tingin ang ibinigay ng tindero sa amin na hindi ko naman tinantanan.
Aba'y tarantado to eh! Gusto kong bangasan to ! Ang yabang yabang parepareho lang naman kami nag hahanap buhay!
"Boss , wag mo ng patulan. Sakto lang talaga ang binigay ng pangit na gurang " pag harang ni feb sa akin. Kung hindi lang sana ako pinigilan hindi ko talaga yan uurungan , nakaka highblood tong gurang na yun ah! Hindi man lang nag bigay ng tip.
Tumayo kami malayo sa kung saan ang matanda at nag pahinga kaunti. Mapa hawak pa si Feb sa bewang nya at lumilinga. "Ganito ba talaga dito ? Hindi ba nila alam na sobrang bigat ng mga kinakarga ng mga sinusuhulan nila?" tanong ko habang hindi naka tingin kay feb dahil tinignan ko rin kung ano ang tinitignan nya
BINABASA MO ANG
The gangster who stole my boyish heart
HumorJust like magnets , opposite attract at sa estoryang ito paano kaya kong ang isang gangster at isang babaeng galaw lalake ang mag tapat?Hatred ba sa isa't isa ang tutulak upang mag karoon ng chance ? Kung gusto mo malaman abangan.