Chapter 4 (Ms. Guardian Angel/ M.G.A) - Stupid Mistake

12 0 0
                                    

Chapter 4 (Ms. Guardian Angel/ M.G.A) - Stupid Mistake

MAIJJE's POV

(October 1, Monday)

*Alarm rings*

Pinatay ko na yung alarm ko na pang 9AM. Wala naman akong pasok ngayon.. Bukas pa mag s-start ang klase ko sa Q High.. Ang gagawin ko lang ngayon sunduin si Mr. James Edward sa School nya at sundan.. =____= Kung may iuutos e di gagawin ko rin syempre

Urgh! Anong oras na ako nakatulog kagabi?? Madaling araw na! Naalala ko nandito pala sa bahay sila Daeze! Grabe.. Di nila ako tinantanan hanggat di ako mag kwento sakanila! Ewan ko ba sa kanila.. Napaka hyper.. Di pa rin inaantok >___

Bumangongon ako sa sofa at tinignan sila Mica.. OO! NASA SOFA AKO NATULOG! -____- Ang saya diba?! Sarili mong unit ikaw pa talaga pinatulog sa sofa at dun silang tatlo..

Dahilan nila.. Araw araw naman daw ako dito natutulog kaya sila nalang matulog dun! =___=

Hindi ba sila papasok? May pasok kaya sila ngayon.. Ako lang wala dahil inaasikaso pa ang pag t-transfer ko ng school eh

Kumuha na muna ako ng damit saka dumiretso sa paliguan.. Syempre naligo na ako tapos nag bihis at lumabas..

Ang tagal naman nila matulog! Wait nga.. Asan na si Mica?? Tsk.. Saan naman yun pupunta? Sa restaurant sa baba? Nah! Imposible.. Hihintayin naman kami nun bago kumain eh.. Hmm.. Garden? May nakita akong garden sa baba eh.. Malaki rin naman.. Baka nga nandun sya?

Nag pulbo na muna ako bago lumabas.. Mamaya pa siguro gigising sila Daeze dun.. Puyat kaya kami

Dumiretso muna ako sa labas ng mga restaurant dito at sinilip.. Baka kasi nandun si Mica at nauna ng kumain eh.. Kaso wala naman..

Kaya naisipan ko na lang na sa garden pumunta yun.. Baka naisipan nyang mag liwaliw eh?

At viola! Di nga ako nag kamali! Nakaupo sya sa may mga upuan katapat ng fountain.. Infairness ha.. Ang ganda ng garden!! ^_____^ Talagang may mga butter fly pa!

Lalapit na san ako sakaya para tumabi ng marinig kong may kausap sya kaya napatigil ako sa paglakad

"Sorry.. Hindi kasi ako nagising.. Di ko tuloy nasagot yung phone ko... Yeah i know. I got 50missed calls from you... Wait what?!... Your joking?... The fck!"

What?! Tama ba narinig ko?? She curse?? >___< First time ko atang marinig na mag mura si Mica! Anon bang nangyayari? Sino kausap nya??

"Hey please.. *Sobs*"

Hala! Umiiyak sya! Kasi di ko alam kung lalapitan ko ba sya hindi? Sabihin nya nakikinig ako sa usapan nila!

"I-i love you.. So much.. Please don't break up with me just because of her!..... No you're wrong!!!! I'm better than her!!!!!! Dmn you!!!"

Hala! O.O Pinag titinginan na sya dito! Ang dami na ngang nakatingin.. Sumigaw ba naman ng mura!

At saka isa pa.. May boyfriend sya?! Bakit di ko alam?!

"Fine! Choose her over me! I know you'll regret this! And if that happens.. Huh! I'll look straight to your eyes and i'll say 'Sorry but i don't recyle garbage'. Remember that!" At nakita kong ibinaba na nya yung phone nya saka pinunasan ang luha

Lalapit ba ako?? >___< Sige na nga! Kawawa naman sya eh.. Alam ko namam feeling na masaktan.. May mga naging EX na rin naman ako eh... Tsk..

Ihahakbang ko na sana paa ko papunta sakanya ng bigla syang tumayo at humarap sa direksyon ko. Parehas pa kaming nagulat

Ms. Guardian Angel by GirlWithTheBlueEyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon