THIS IS IT !
SUPPORT KAYo. FIGHTING ( *O*)/
***
JAKE'S POV
Highschool days.. (3rd yr)
"Iris. Jake.. Wake up, its time for school" sigaw ni Mom. Pumunta agad ako sa kwarto ni Iris at ginising siya. Kasi kung di ko pa yun gigisingin baka malate kami
"iris.. Wake up.." sabi ko habang niyuyugyog siya
"mmm !" sabi niya
"iris. Gising na, we'll buy chocolates just please wake up" sabi ko at mas mabilis pa sa kabayo siyang tumayo sa kama niya
"MORNING SUNSHINE ! MORNING MY BROTHER !" sabi niya with matching taas pa ng kamay
"Haisht ! Maligo ka na baka malate pa tayo" sabi ko
"Sungit mode?" sabi ni Iris
"SHUT UP IRIS !" sigaw ko tapos tumawa naman siya ng malakas
PSHH. Kahit kelan hyper siya -___-
Natapos kaming maligo at magbihis, at dumiretso na kami sa table para kumain ng breakfast.
Habang kumakain siya. Nakita kong hinihiwalay niya yung itlog sa hotdog. Kasi magkasama, parang omelet ? Tinira niya yung itlog tapos sinauli yung hotdog sa lalagyan. Napatawa ako, kasi ayaw niya talaga ng hotdog sa tanang buahy niya. Pangit daw lasa. Kumuha rin siya ng maraming bacon. Favorite niya kasi yung bacon.
"Mom ! paluto ka pa kay yaya ng bacon." sabi ni Iris
"tama na Iris baka sumakit yung tyan mo sa school" sabi ni mom nakita ko namang nagpout si Iris kaya ang ginawa ko kinuha ko yung bacon ko at nilagay sa plate niya. Nagsparkle naman yung mata niya
"WOOOW ! Ang bait ni kuya ! Muahahahaha ! Ililibre niya daw ako ng chocolate mamaya" sabi niya tapos kinain niya na yung bacon
=____= Mahilig siyang magpalibre, kaya wag kang sasama sa kanya
"Uhm.. Ma ! Gusto kong sumali sa gang ni Kuya" out of the blue sinabi yun ni Iris
"EH? No IRIS." sabi ni Dad with authority pero dahil pasaway si iris. Nagpumilit siya pero ayaw talaga siyang payagan ni Dad. Kaya sa huli nagpout na lang siya
Ibahin niyo si Iris sa lahat ng babae, ang simple manamit. Isa lang ang gusto niyang mangyari sa buhay niya.
Maging member ng gang, but she doesn't have abilities kaya bawal. At delikado ang gang world.
"O, siya malelate na kayo. iris, be good wag kang pasaway sa kuya mo at ikaw Jake alagaan mo to si Iris." sabi ni Mom kaya umalis na kami. Naglakad lang kami.
"Kuya. Chocolates" sabi ni Iris kaya dumaan kami sa 7/11 at binilihan siya ng isang bar ng hersheys. Masaya na siya dun. Binilhan ko din siya ng dalawang chupachups.
Masaya na si Iris sa simpleng bagaya kaya masyado siyang tinitreasure sa family. Hindi ako nagseselos sa kanya sa attention, kasi kahit ako mas tinitreasure ko si Iris,
Naglakad na kami papuntang room namin, classmate kami. Matalino naman si Iris, tapos talented.
"MACKENZIE ! SAM !" nagulat ako ng sumigaw si Iris tapos tumakbo kung nasaan yung barkada
"O! Iris. Andami mo nanamang chocolates Mamigay !" sabi ni Jack
"No way. This is all mine" sabi niya tapos tinago niya sa bulsa niya
"BTW. nagpadala sina Papa ng balikbayan box, andaming chocolates. Di ko kayang ubusin, sinong gusto?" sabi ni Hunter
"MEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEE!" sigaw ni Iris
=___=
"Eh. Tumataba ka na kaya. Tignan mo yang fats mo oh" sabi ni Hunter tapos tinutusok yung tiyan ni Iris
"Hhaha ! Basta, bukas yung chocolates ko. Halika na, lets pasok na to our classroom" sabi ni Iris
"Kelan ka pa naging conyo Iris?" tanong ni Sam
"Simula ng naging crush ka ni Kuya.." sabi ni iris >////<
SHT ! bakit niya sinabing crush ko si Sam? Napayuko na lang ako, kaya lumapit sa akin si iris
"Anubey kuya. Ang bagal mo, sige ka uunahan kita kay Sam. Mas gwapo kaya ako sayo. Muahahaha!" sabi ni Iris tapos pumasok na sa classroom
Pumasok na rin ako at umupo na kami sa upuan namin. Habang naglelesson siya palagi ang nagrerecite. Magaling yan eh..
"Jake.." nagulat ako ng tinawag ako ng teacher kaya napatayo ako
"Dahil kanina ka tulala, answer my question. What is the law for the tendency of an object in motion to remain in motion, or an object at rest to remain at rest, unless acted upon by a force. This concept was quantified in Newton's First Law of Motion. ?" tanong ng teacher
?___? Ano daw?
Tumingin ako sa paligid ko, at nakita ko si Iris na may hawak na papel tapos pinakita sa akin..
*smile*
"Law of Inertia?" sabi ko
"Very good. You can now take your seat" sabi ni Maam. Tumingin ako kay Iris tapos nagthank you ng walang boses
Nagpogi sign naman siya kaya napatawa ako.
***
Yan ang first chapter ni Iris at Jake