chapter fifteen

1 1 0
                                    

This chapter's soundtrack: If I'm Gonna Fall In Love, arttm


~*~

"May tanong ako." I said to Akia. But she's not listening. Patuloy lang sya sa pag scroll at sa pag double tap ng photos. Tsk.

"Bakit mo tinapon?!" She shrieked when she realized she wasn't holding her iPAD. I just shrugged. Andun na ang iPAD nya sa upuan ni number 7. Ang layo ng narating nya a. Number 8 kase sya at number 15 ako. Tapos lagi syang naupo sa upuan ni number 14 para guluhin ako.

"Bakit ba?" She irritatedly asked. At sya pa ang may ganang magalit? Ako na nga tong nagtatanong na hindi sinasagot e.

"Eh kase namaaan!" Nagdabog sya. Parang bata.

"Mala-like ko na lahat ng posts ni Hyaluronate a.k.a Haru eeee~" Tsk. Lumuwang na nang tuluyan ang turnilyo nya. Fan girl mode on na naman sya. Kung pinapansin nya sana si Risky, edi ebribade hapi!

"Dyan ka na nga." At dahil pikon na ako, nagsimula syang tumawa at niyakap ang braso ko.

"Ikaw naman, di mabiro. He-he." Inirapan ko sya. Nagsimula syang igalaw ang ulo nya sa bandamg braso ko. Anong ginagawa nya?

"Pusa ako, RJ." Tsk, ganito ang ginagawa nya kapag naglalambing sya. Kalmutin ko toh e. Gaya-gaya sa school 2017.

"Anong maitutulong ko sayo?" At last, she finally stopped her pusa act.

Pinaglaruan ko nalang ang pulang ribbon sa uniform ko. Nahihiya ako. Wow, Rae Jinri Ferrer nahihiya ka ba talaga? Ehem.

"Ano ngaaaa~" Pangungulit nya. Tsk.

"Ano ba ang.." Panimula ko. She stared at me with twinkling eyes. Tsk.

"Is it about the guy from the other day?" What the.

"Are you talking about Martinez?"

"Itinatanong pa ba yan? Unless may iba ka pang lalaki." She eyed me suspiciously. Makasalita naman toh parang ang landi ko.

"Or ang lalaking sinamahan mo magcutting? San kayo nagpunta?" My eyes widen.

"Halaaaa~ anong reaksyon yan????" EH?!

"May gusto ba ang dalawang yun sayo? Ang haba na talaga ng buhok mo a." Oh my. Di ako makapaniwala sa mga sinasabi nya sa harapan ko.

"Tapos di ka makapili sa kanila noh?" She asked. Andwae.

"Pano mo nalaman?" Bigla syang umirit kaya napatakip ako nang tenga. Ang ingay naman nya!

"Kase babae ako~"

"Babae ka pala.." Bigla akong nakatanggap ng sapok.

"Ang gamol mo." She murmured. Nag smile lang ako.

"Anyways, totoo ngang di ka makapili sa dalawang yun?" Tsk. Akala ko nalimutan na nya.

I shyly nodded. Ano ba naman toh. Bakit ba kase ang ganda ko-kidding.

"Mag google ka kase." She suggested. I rolled my eyes heavenwards. Kaya nga sa kanya ako nagtanong kase baka ma hack ako ng google na nagsearch ng How to know if you like someone. Joke lang. Wala akong tiwala sa google e. Baka kung ano pa ang lumabas na result. Tsk.

"Ayaw." I said.

"Ang cute mo talaga." Don't call me cute! I'm not a puppy!

"Do you know that the definition of cute is ugly but presentable?" I said. She eyed me.

"San mo yan nalaman?"

"Kay Mackenzee." I answered.

"Sino yan?" Napatawa ako.

"Di mo kilala." Ahaha.

"Bagong lalaki mo ba yan?" Maka akusa naman.

"May Lia na yun." I said.

"Haayy~ di talaga kita maintindihan." She said. Inirapan ko lang sya. At inirapan nya rin ako. Nag-irapan kaming dalawa.

"Ganto nalang.." She said after a minute of silence between us.

"I compare mo silang dalawa. Okay? Kapag nagbigay ako ng sign, i determine mo kung sino sa kanilang dalawa unang pumasok sa puso- joke~ makatingin naman kase- kung sino ang unang naisip mo. Getit? Getgetaww~?" Tsk, ang kulit. Napilitan akong tumango.

"Lumalakas ang pintig ng puso mo kapag iniisip mo sya oh andyan sya mismo." Fast heartbeat? Si Martinez ang unang pumasok sa isip ko. Kapag si Kelvin kase ang andyan, umiinit nalang bigla ang ulo ko.

"Sino ang pumasa?" She asked. Tsk. Chismosa.

"Akin nalang yun."

"Damot." She pouted. Akala mo naman sinong cute.

Nagpatuloy sya, "Lagi mo syang iniisip." Lagi? As in lagi talaga? Ang swerte naman ata nila dahil iniisip ko sila. Tsaka tsaka ko lang sya naiisip kapag andyan na sya. And it's the same for the both party.

"Wala." Wala naman kase akong panahon na isipin pa sila kapag free time. Marami na ngang requirements dahil second sem mid term na. Tapos parating na ang Valentine's day. Tsk. Bakit ba kelangan pa ng performance every class? Tapos si tcher Love ginawa pa akong leader dahil di daw nakikinig kapag discussion nya. Hah, excuse me. Saulo ko nga lahat ng sinasabi nya e. Pati ang talambuhay nya memoryado ko na.

"You're unbelievable." She said. And by the looks of it, di nga sya makapaniwala sa sagot ko. Di naman ako tulad nya maraming lalaki na iniisip; yung taga mall; yung myembro ng United Nations, yung poging taga kabilang klase atbp.

"Tou nalang aron madali." I murmured. She said what. Tsk. Di ko sya sinagot. Haha.

"Ewan ko nalang talaga kapag wala ka pa ring nasagot."

"Ano na?" I asked.

"When you hear a love song, sya ang unang pumapasok sa isip mo." Love song? Di naman ako mahilig sa mga kantang yun.

I shook my head.

"WALA?!" Exagg na tanong nya. Anong magagawa nya kung di ako mahilig sa ganun?

"Mahihirapan tayo nyan.." She stated. Weh? Joke.

"Waeyo?"

"Ano bang salita yan?" She irritatedly asked.

"Bakit? Imba? Ngano? Nande? Why?" Ulit ko sa sariling lenggwahe. Multi linguistic ako e. She glared at me. Mainitin naman masyado ang ulo.

"Ang kulit mo. Alam mo ba yun?" Ako, makulit? Excuse me, behave kaya ako-kahit na walang most behave award nung kinder.

"Just answer my question." Sabi ko.

She cleared her throat and said, "Kase nga, wala kang pakiramdam!" I raised my eyebrow.

"When Risky said he like you, you just raised an eyebrow. When Peter Jung saved you, di ka manlang nakaramdam ng kilig!" At bakit naman ako kikiligin?

"Ang gwapo nun tapos meh kalang?! Kung ako ang nasa posisyon mo, nahimatay na ako sa kilig. Kyaaah~!" Hays.

"Tapos nung nadisgrasya ka, di mo pinaalam. Kung di pa doktor si Daddy, malamang, I have no idea na nag-aagay buhay ka-" I cut her off.

"I don't want to talk about it, Akia." I said. It's still painful. I'm still in pain. At dumagdag pa sa sakit ang lahat ng nalaman ko.

"Bakit? Papagurin mo na naman ba ang sarili mo para mabayaran ang lahat ng bills? I don't know kung anong tumatakbo sa isip mo e!" I can't think of any words to talk back, because what she said is true.

"I offered help but you declined. Di ka ba nakakaramdam na nag-aalala ako sayo?" She does?

"Alam mo kung anong mali sayo?" She asked and I can't utter any syllable.

"Pinapakita mong malakas ka kahit na hindi. Ang hindi mo lang alam na alam ng mga tao sa paligid mo na nanghihina ka na."

She added, "It isn't cool to act tough when you want to cry. It's cool to cry when you want to."

~*~

Silence Behind HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon