Chapter 1

185 6 0
                                        

Alyssa POV

"Ms.Alyssa how's life after the last taping for you upcoming drama series?" Some reporter asked me.

"Everything's back to normal and hopefully maging successful yung drama namin" I smiled after i answered them.

"So any plans?"

"So far wala pa naman akong naiisip na gawin ngayong hindi ako busy. Siguro spend time with my family muna"

"How about Gill Carvo? I mean what are your thoughts about dating humour with him?" Napatigil ako ng bahagya at tsaka napangiti.

"Actually gill and i started dating since..."

"Aray!!!" Napabusangot ako nang marealize na panaginip lang pala yun. Arggg!

"Ella naman! Ang ganda ganda ng panaginip ko tapos sisirain mo..."Napatigil ako at saglit na binaling ang tingin sa maletang hawak nya.

"Saan ang punta mo?" Tanong ko pero naalala ko din yung sagot.

Ngayon na pala sya aalis.

"Maligo ka na" Sabi nya pero di ko sya pinansin at bumalik nalang sa paghiga.

Ella had been my manager since college but now she's leaving. Alam ko naman yung dahilan kung bakit sya aalis pero hindi lang talaga ako sanay na wala sya sa tabi ko.

"Alyssa male-late ako sa flight. Bilisan mo na dyan. And by the way mami-meet mo yung bago mong manager before ako umalis. Like what i promised to you" Sabi nya bago lumabas ng kwarto.

-

"You're sure you are leaving me like this? I mean pwede naman after ng taping bukas tutal last day na naman na yun. At least iiwanan mo ko kung kailan tapos na talaga lahat diba?" Sabi ko habang nakakapit sakanya at nakaupo dito sa loob ng airport.

"Ang drama mo Alyssa. Babalik naman ako medyo matatagalan nga lang" Sabi nya at niyakap ako. Alam kong mamimiss din ako ng gagang to, di lang talaga showy.

"Mamimiss mo ba ko?" Tanong ko

"Tsk! Syempre oo. Sino bang hindi malulungkot kapag iniwan yung alaga nya" Sabi nya.

"Eto mamimiss mo ba?" Sabi ko at nagpa-cute. Dali-dali naman nya akong tinulak kaya tawa ako ng tawa.

"Yan lang ata yung hindi ko mamimiss sa lahat" Sabi nya at napangiti.

"Yung mga bilin ko sayo tandaan mo. Una mag-ingat, pangalawa-"

"Mag-ingat at pangatlo mag-ingat. Yes po ma'am mag-iingat po ako lagi" Sabi ko

"Alyssa hindi ako nakikipag-biruan. Tandaan mo lahat yun. Tanga tanga ka pa naman"

"Luh?" Sabi ko

"Hahaha...basta wag mong papabayaan Sarili mo" Sabi nya at niyakap ulit ako. Hayy mamimiss ko tong babaeng to. Hindi lang sya basta manager, kaibigan ko din sya.

"Ms.Ella De Jesus?" Sabay kaming napalingon sa nagsalita.

Taragis...bakit lalaki?

"Oh kiefer" Sabi ni ella at kina-usap ito.

"Mga bilin ko kiefer" Sabi ni ella tsaka bumaling saakin at inirapan ko ito.

"Hi" Sabi nung kiefer

"Hi" Sabi ko at nilingon si ella na nakangisi.

"Kiefer...kiefer ravena" Sabi nya at naglahad ng kamay.

"Alyssa valdez" Sabi ko at tinanggap yung kamay nya.

-

Nakadungaw lang ako sa labas ng kotse habang hinihintay syang makabalik. Umorder muna sya ng makakain. Nagugutom daw kasi. Nang mapansin kong pabalik na sya sinimulan kong kalikutin yung cellphone ko para kahit papaano hindi ako mabored.

Pagpasok nya sa loob agad nya akong inabutan ng pagkain. "Sige na alam kong di ka pa kumakain" Sabi nya at pilit na binibigay sakin yung pagkain.

*Rumble*

Nang marinig ko yun para akong nahiya. Argg! Gutom nga talaga ako.

"Sinabi sakin ni ella di ka pa daw kumakain" Sabi nya sabay bigay ng pagkain sakin.

"Habit mo ba yun?" Kakagatin ko na sana yung burger nang tinanong nya ako.

"Ang alin?" Tanong ko at tsaka dun sinimulang kainin yung buger.

"Umaalis ka ng hindi kumakain?" Sabi nya

"Nakasanayan lang" sabi ko at nang wala nang ni isa samin ang nagsalita puro nguya at tunog ng sasakyan na lang ang tanging maririnig. Hinatid nya ko and he insisted na hanggang sa pinto ng condo ko para daw malaman nya kung saan din ako nagstay.

Pagbukas ko ng pinto nagsalita sya.

"Alyssa...is it okay na sunduin kita bukas para sabay na tayong makarating sa set?" Medyo napatigil ako sa tanong nya pero kalaunan bumalik rin ako sa realidad.

Ako lang ba yung weird kumilos o hindi lang talaga ako sanay na may kausap na lalaki? I mean, yes may mga friends naman akong guy pero ang weird lang kasi na lalaki yung manager mo tapos babae ka o ako lang talaga?

"Ah ano-"

"If it is okay with you" tinanguan ko nalang sya at pumasok na sa loob.

"Hellooo!" Bigla akong napatalon at napahawak sa dibdib ko. Jiaaaa!!

"Jia naman! Halos atakihin na ko sa puso sa pinaggagawa mo eh!" Sabi ko at dumiretso sa kusina para uminom.

"Ano nga palang ginagawa mo dito?" Tanong ko

"Diba umalis na si ella so naisipan ko na samahan ka muna dito para di ka ma-lonely" Sabi nya at umupo sa tabi ko. "At tsaka gusto kong chumika" Sabi nya at ngumiti sakin. Alam ko na 'to.

"Ano tong narinig kong guy daw yung bago mong manager? May mukha daw sabi ni ella" Sabi nya

"Pinagsasabi mo" sabi ko at hinugasan yung basong ginamit.

*Message tone*

Dahan dahan akong lumingon sa kinaroroonan ni jia at nanlaki yung mata ko ng makitang hawak nya yung cellphone ko.

"Ohhh kiefer ravena pala yung name"

"Jiaa!" Sigaw ko at kukunin na sana yung cellphone nang tumakbo sya.

"If you're not comfortable with me yet, i hope we can get along someday. Goodnight alyssa! See you tomorrow" Basa ni jia at unti unting lumilingon sakin at nginitian ako.

Please don't give it a meaning. Damn Manager kiefer. Bakit kasi kailangan mo pang magmessage alam mo naman palang hindi ako komportable sayo diba? Ngayon masasabi kong ikaw yung weird.

Can I Manage You?Where stories live. Discover now