Chapter 3

143 8 0
                                    

Its been a week since kiefer started to be my manager and it feels like....okay. Mukhang totoo naman yung sinabi ni ella na he's good. By the way, nasa meeting kami ngayon for my upcoming drama series.


"It's good to see you again aly" Sabi ni direk john. Sya yung kauna unahang naging director ko simula nung pumasok ako sa mundo ng pag-aacting. Its such a blessing na tinanggap nya ulit ako pero ngayon as the female lead dati kasi supporting cast lang ako.


"Same to you direk" Sabi ko at ngumiti dito.


"You've change a lot" Sabi ni direk


"Ako po?" Tanong ko


"Mas lalo kang nagglow" natawa naman ako sa sinabi ni direk.


"Hindi naman po direk. Medyo lang" Sabi ko na ikinatawa nya.


Habang hinihintay namin yung ibang cast, nagkukwentuhan muna kami at syempre hindi pa rin ako maiwasang chikahin about sa love life ko. Etong si direk pa naman alam na alam ang kwentong pag-ibig ko, pati sa pag-iyak ko nasaksihan nya. Pati si kiefer syempre hindi makakaiwas sa mga tanungan. Muntik pa nga kong ma-hotseat sakanya buti nalang dumating na yung leading man ko Hahaha.


He's name is Jeron Acena. He's tall, moreno and has looks. Tahimik lang sya sa una pero kalaunan dun nakikita mo na yung true side nya. He's funny pero medyo nawiweirduhan ako. Tingin kasi ng tingin sakin. Nginingitian ko nalang para wala nang masabi.


"So i hope you two can get along" Sabi ni direk samin ni jeron at ngumiti nalang ako dito.



After ng meeting namin nagpresenta si jeron na ihatid ako pero ang sabi ko may dalang sasakyan yung manager ko at tsaka kahit wala naman hindi parin ako sasabay sakanya.



"Saan mo gustong kumain?" Tanong ni kiefer habang nagdadrive sya.


"Kahit saan nalang" Sagot ko at bigla namang tumunog yung cellphone ko. It's jeron.



"Yes?" Sagot ko dito



"I just want to ask if kumain ka na? You know catch up na rin para pagdating sa set hindi na tayo nagkahiyaan" Napatawa ako ng mahina sa sinabi nya at itong katabi ko napalingon pa sakin.



"Ahm sorry may kasabay na kasi ako. Maybe next time?" As if naman na may next time talaga hahaha


"Oh sure! Next time nalang"



"Sige" Sabi ko at binaba na yung tawag.


"Kamusta naman si jeron?" Tanong nitong katabi ko.



"Okay lang naman sya" Sagot ko at napairap nalang bigla. Kung nandito lang si ella panigurado nasapok na ko.


"Pero nawiweirduhan ka?"

"Nawiweirduhan talaga ako. Biruin mo pumunta lang ata sa meeting para lang titigan ako. The heck! Hindi ako picture para tignan tignan" Sabi ko at umirap na naman ako.

"Baka naman may gusto sayo" Sabi nya na ikinatawa ko agad.


"Really?" Sarkastiko kong sinabi.



"Pero what if umamin yung tao sayo, anong sasabihin mo?" Napatingin nalang ako sakanya at hindi nasagot yung tanong.


"Hindi mo naman kailangang sagutin yung tanong ko. Ang payo ko lang, wag kang papadala sa mga kilos at sinasabi nya" Sabi nya at tumingin sakin sabay ngiti.


Can I Manage You?Where stories live. Discover now