Chapter 2

118 6 0
                                    

Alyssa POV

"Kahit na. You should inform me-"


"Enough na alyssa. Nandyan na yan ih at tsaka wag kang mag-alala he's good" Sabi ni ella


"He's good mo mukha mo. Diba napag-usapan na natin to na ayaw ko ng guy" Sabi ko at tinanggal na yung towel sa buhok ko at sinimulan itong suklayin.



"Tumigil ka na sa kakareklamo mo Magtiis ka na lang muna. At tsaka wag kang praning papalitan ko rin naman yan" Sabi nya



"Kailan ka ba babalik?" Tanong ko



"Hindi ko pa alam basta ang sure ko lang ay nakasign sya ng contract sayo for 3 years. Masaya yun diba?" Napatigil ako sa sinabi nya at nabitawan yung suklay na hawak.



"Ellaaa!"



"Seryoso ako" Sabi nya pero may tawa akong naririnig.



"Tsk!"



"Pero anytime na bumalik ako pwedeng pwede ko syang palitan. Yan yung deal namin. Pero ngayon enjoy your time with him muna babye!" Sabi nya at bigla akong binabaan.



*DingDong*



Oh sino na naman ba 'tong doorbell ng doorbell. Pag eto talaga si jia malilintikan talaga yun sakin. Maaga syang umalis may gagawin daw. Hay ewan ko ba dito, mukhang may nalimutan na naman ata.



"Hay nako pwede naman kasing pumasok nalang" Sabi ko habang papalapit sa pinto at nang buksan ko ito bigla akong napaatras. The heck!



"Hi" tinignan ko lang ito at dumapo ang mata ko sa hawak nya.



"I brought food pala para may makain ka habang bumabyahe tayo" Sabi nya at tinaas yung dala nya.



"Kunin ko lang yung gamit ko" Sabi ko at agad na pumunta sa kwarto. Nang makarating ako sa loob bigla ko nalang pinalo yung noo ko. Tanga mo alyssa! Bakit di mo manlang pinapasok?



"Relax" Sabi ko at huminga ng malalim.

-

"Ako na" Sabi ko nang akma nya kong pagbubuksan ng pintuan ng sasakyan. Binigyan ko nalang ito ng tipid na ngiti at pumasok na sa loob.

Mabilis lang naman yung byahe dahil di naman rush hour pero ang awkward naman ng atmosphere. Ang tanging usap lang namin ay yung kanina kung kailan binigyan nya ko ng pagkain at pagkatapos nun wala na. Siguro na sense nya na hindi talaga ako ganun ka komportable sakanya.

"Sino yan?" Tanong sakin ni Dhiane, my co-actress and female lead sa drama series namin. By the way, yung role ko dito is kontrabida and sa last episode ng drama namin is magkakabati kami ni dhiane.

"Manager ko" Sabi ko at nanlaki yung mata nya.

"So tinotoo talaga ni ella yung pag-alis nya?" Tumango naman ako. "Ano daw ba dahilan nya?"

"Ewan ko dun" Sagot ko

"Infairness may itsura. Bakit di mo jowain?" Sabi nya na ikinatawa ko. Loko loko talaga.


"Ah hi!" Tawag nya sa manager ko na nakaupo malapit samin. Agad naman syang lumapit dito.

"What's your name? Hindi kasi nabanggit ni alyssa" Napaawang ng kaunti yung bibig ko sa sinabi nya. Kailangan ba talagang imention ako?

"Kiefer po"

"Ayyy magalang! May pa-po" Sabi ni dhiane at kinurot yung tagiliran ko. Eto na yung simula. Nararamdaman ko na hindi to titigil kakaasar sakin.

"Dhiane" Sabi ni dhiane at nakipagkamay dito. Inofferan pa nya ito ng upuan na nasa tabi ko.

"So anong pumasok sa isipan mo at gusto mo maging manager ni alyssa?" Tanong ni dhiane at sinamaan ko to ng tingin. "At buti pinayagan ka ni ella na maging manager nito. I heard kasi may allergy to sa mga guy" dagdag pa nito.

Kailangan ba talagang imention yun?

"Ella is a friend po" Sagot nito

"Ohh friend mo si ella. Pero balik tayo sa tanong ko, bakit naisipan mo maging manager nito?" Tanong ulit ni dhiane. Saglit akong napatingin kay kiefer at napansing tumitingin rin ito sa gawi ko.

"Ahm.."

"Wag mo nang sagutin" Sabi ko sakanya. "Ikaw naman dhiane masyado kang machika ngayon anong nakain mo ha?"


"Tsk wag kang magulo. Kinakausap ko yung manager mo. So ano nga kiefer?" Sabi ni dhiane. Tinignan ko lang si kiefer at patagong inilingan.

"Wag mong paking-"


"Dhiane!" Tawag ni direk kay dhiane at nag-act ako na para bang tinataboy sya. Napatingin ako sa kasama ko na inuurong yung upuan nya palapit saakin.


"Okay ka lang?" Tanong nya at tanging tango lang ang sinagot ko.

"Kung hindi ka pa talaga sanay ayos lang naman if dun muna ko sa gilid" Sabi nya at ang tingin ko lamang ay nasa harap ko. Makalipas lang ang ilang sandali naramdaman ko nang gumalaw yung upuan nya at ng lingunin ko ito ay nakaalis na sya at nanatili na dun sa gilid.


After matapos ng huling shooting namin may konting celebration na naganap.

*Cring*

It's ella.


"Hoy ano tong nababalitaan kong dinededma mo lang daw si kiefer?"


"Ganda ng bungad mo ah. Wala man lang bang hello bago mo ko chikahin at tsaka sinong nagsabi sayo na dinededma ko sya? For your information kinausap ko sya kanina" Sabi ko at dumaan itong si dhiane sa harap ko. Naknang! Madaldal ka talaga dhiane.


"Umayos ka alyssa. Wag mo namang tratuhin na parang wala lang sya sayo. Wag kang mag-eexpect na baka gawin rin nya sayo yung mga ginawa ng mga ex mo kasi una palang hindi mo sya boyfriend para lokohin ka nya" Alam ko naman yun.


"Napaparanoid ka lang alyssa" dagdag pa nito


"Ella pagsabihan mo yang alaga mo. Tignan mo oh hindi manlang inaalok si kiefer na kumain" At talagang bumalik ka pa dhiane para sabihin lang yun noh?


"Ly, naalala mo yung pinayo ko sayo noon? Starts a new mindset. Kiefer is a good guy hindi ka lolokohin nyan" hala nahihibang na ba sya?

"So iniisip mo na gawin ko syang boyfriend ganun?" Sabi ko

"Oo bakit naman hindi" sabi nya sabay tawa.

"Bwiset ka!" Sabi ko at agad syang binabaan.


"Alukin mo na. Nagugutom na yan oh" dhiane 

"Isa ka pa!" Sabi ko at iniwan sya dun at kumuha ng pagkain para daw kuno sa manager ko.

"Oh kumain ka" Sabi ko at inabutan ng food. Tinanggap din naman sya agad.

"Salamat" Sabi nito at nginitian ako. Ngumiti nalang din ako pabalik.


Sabi nga ni ella "starts a new mindset"


Can I Manage You?Where stories live. Discover now