It's thursday evening pero papunta kami sa isang bar ngayon na nirentahan nila Zekaira dahil birthday ng boyfriend niya at gusto niya na kami-kami lang ang nasa bar. Kaibigan namin at group of friends ng boyfriend niya. Ewan ko ba doon bakit nirentahan pa, masaya kaya pag maraming tao.
Nagsuot ako ng isang sando crop top, cargo pants and adidas shoes. Simple lang, hindi naman kasi ako ang mag bi-birthday. Nakabili na din ako ng regalo ko. Ipinag drive kami ng kuya ni Zekaira na nasa tabi ko at panay ngiti sa cellphone niya dahil kausap ang birthday boy. Nandoon na daw kasi sila at kami na lang yata ang hinihintay. Sumabay na ako kay Zekaira dahil malapit lang naman ang bahay nila sa amin.
"Nandito na tayo." Sabi ng kuya ni Archins na kuya ni Zekaira.
"Thankyou kuya, 'wag mo na kaming sunduin. Kina Tiara ako matutulog." Sabi naman ni Zekaira sa kuya niya na ikanagulat ko dahil wala siyang sinabi sakin.
"Okay, just make sure na kina Tiara at hindi sa boyfriend mo. Please tiara look for her, I trust you. Take care both of you." Paalala ni Archins
"Okay." Tipid na sagot ko bago tuluyan nag drive paalis si Archins sabay bumaling ako kay Zekaira. "Ikaw na babae ka, ipapahamak mo pa ako ha, ginamit mo pa pangalan ko. Sa amin ka ba talaga matutulog? Ang paalam ko pa naman kay mama sainyo ang uwi ko."
"That's fine, I can handle tita. Alam mo naman malakas ako sa mama mo. Tsaka doon tayo mag i-stay sa condo ni timothy with his friends." Sabi naman niya sakin na para bang pinlano niya na talaga lahat.
"Sasabihin na naman ng kuya mo kinukunsinti kita, sa susunod talaga hindi na ako sasama sa'yo makita mo. Sakanya ka pa talaga nagpa-drive, pwede naman na ikaw na lang." Sabi ko naman sakanya.
"Ano ka ba, hayaan mo na si kuya. Matanda na ako, alam ko na ang ginagawa ko. Kaya let's have fun okay? Safe naman tayo doon and beside may 3 rooms sa condo ni timothy. Kaya tara na at mag walwal na tayo." Sabay hila niya sakin papasok ng bar.
Pagpasok pa lang amoy na amoy mo na ang alak at vape, isama mo pa ang nakakabinging tugtugan. Nasa bar lang kami pero dahil sa sobrang ganda at laki ne'to, aakalain mo na nasa club kami pero ang pinagkaiba lang, solo namin.
"Happy birthday, 'by." Pagbati ni Zekaira kay timothy sabay halik at bumati na rin ako sabay abot ng regalo.
"Thankyou 'by, tara doon sa table. Nandoon lahat mga classmates ko." Sabi ni timothy kay Zekaira pero hinila ko siya.
"Okay lang ba ma-una ka na timothy? Pasama lang ako kay zeka sa restroom." Paalam ko naman.
"Sure basta sunod kayo agad ha?" Sagot naman ni timothy at hinila ko si zeka papuntang restroom.
"Girl gusto mo ba ako pa mag hugas sa'yo? Bakit ka pa nagpasama?" Tanong ni Zeka.
"Akala ko ba nandito mga ibang kaibigan natin? Nasaan na sila? Nahihiya ako, ang daming lalaki." Sabi ko ng may pag aalangan. Dahil nasa 15 plus ang mga lalaki at mayroon lang silang kasamang apat na babae na kaibigan at kaklase nila tapos kami lang ni Zeka.
"Hindi daw sila makakasama kasi hindi sila pinayagan ng parents nila. May class kasi tayo bukas ng hapon." Sagot ni Zeka.
"Ano? Akala ko ba nag message sa'yo si Sir Aldrin na hindi siya makaka-attend ng class?" Sabi ko na medyo naiirita na. I know it's not the right time para mag tantrums pero nagsinungaling siya sakin just for this.
"Okay I'm sorry. Minsan lang kasi 'to, pag bigyan mo na ako please?" Sabi niya sabay yakap sa braso ko.
"Fine, basta 'wag mo ako masydo pa inumin. Ayaw ko malasing at baka wala mag alaga sakin." Bilin ko sakanya dahil kilala ko sarili ko, malakas ako uminom pero mabilis din akong tamaan ng alak at ibang tao ako pag nalalasing. Kahit ako nasusuka pag nakikita ko mga videos ko pag lasing, wild and free.