That night hindi ako makatulog kaya lumipat ako sa sofa. Buong magdamag akong nag-isip kung mali ba talaga ang pinasok ko, pero mali nga bang mag-mahal? Mali ko nga bang pumasok sa isang relasyon na ako lang 'yung nagmamahal? Mali ba talaga.
Pero ang sabi ni grandpapa, 'if you really love him, fight for him.' Hindi naman siguro mali kung mahal mo talaga siya
"May problema ba, ezra?"
Napatingin ako kay baby damien dahil sa tanong niya "Wala. Sige tuloy mo lang." Ngumiti ako sa kaniya at pinanuod siyang tapusin ang project niya sa science. Yung akin kasi ay tapos na ginawa ka pa kaninang umaga, siya naman ay nalate dahil sa puspusang pag-prapraktis ng basketball
"May practice ba kayo mamaya? Kung meron manunuod ako." Sambit ko at inabot ang buhok niya at sinuklay gamit ang kamay ko
"Meron. Okay lang bang pumunta ka? Baka kasi mainip ka? 2 hours pa naman ang practice namin?" Kung tatanungin niyo ang paa niya. Okay na, kaunting pahinga talaga
"Okay lang. Kung mainip man ako, may cellphone naman ako para malibang." 30 minutes from now, magsisimula na ang practice nila
"Sige." Tumigil ako sa pagsusuklay sa buhok niya para ilabas ang mga lunch boxes na pinanglagyan ko ng niluto kung pagkain tulad ng, afritada, chicken curry, fried chicken, adobo, vegetable salad, at rice. Nilutuan ko rin siya ng meryenda niya para mamaya magbreak time nila
"Kumain ka muna." Iniligpit ko ang mga notebooks niya at mga ballpen
"Damihan mo ang kakainin mo para may lakas ka mamaya." Sambit ko at binuksan lahat ng mga lunch boxes
"Ang alaga naman ng girlfriend ko." Sambit niya at niyakap ako habang nagbubukas ng lunch boxes
"Mahal ko boyfriend ko ,eh." Tumingin ako sa kaniya habang nakayakap parin siya sa akin at hinalikan siya sa labi
"Kumain kana. Baka hindi ka makakain. Pupuntahan ka na ng mga ka-team mates mo hindi ka pa nakakain." Nagsimula naman siyang kumain. Kung minsan naman ay susubuan ako
Natapos kaming kumain ay tinulungan niya akong magligpit tapos ay dumeretso kami sa court nila
"Damien, mamaya na ang lambingan niya. Magpractice muna tayo." Sigaw ng kaibigan niyang si Joaquin. Pinakilala ako kanina ni baby damien kaninang umaga
"Punta kana." Ani ko at ngumiti sa kaniya habang nakaangat ng tingin
"Kiss mo muna, pampalakas at pampagaling." Aniya
Ngumiti ako bago siya hinalikan siya ng ilang ulit sa labi ng bigla na lang may humila sa kaniya. Ilang ulit na nagmura si baby damien sa paghila ni Ethan sa kaniya
Nalaman kung mura ang mga 'fuck, damn, shit, bullshit, fucking shit.' Sa google, nacurious kasi ako. At yung maliit na patotoy ay maliit na ari ng lalaki
Ang sabi ni daddy at mommy ay bawal daw mag-mura dahil magagalit 'daw si god. Pero nagtataka lang ako kung bakit ang dami naman nagmumura
Nanuod lang ako kila baby damien na naglalaro. Pasa sila ng pasa ng bola. Tapos isho-shoot. Magtratravelling. at magfre-free throw
Nang matapos silang mag-laro ay patakbong lumapit si baby damien sa pwesto ko at dumukwa para humalik. Kinuha ko ang towel niya sa sport bag niya at pinunasan siya sa likod
"Pwedeng punasan mo rin ako, ezra?" Sambit ni Zag
"Sure. Pero mamaya na lang, pinupunasan ko pa kasi si, baby damien." Ani ko ng ngumiti sa kaniya
Nang tumingin ulit ako 'kay baby damien ay salubong ang kilay niya "Bakit salubong 'tong kilay mo?" Inayos ko ang kilay niyang magkasalubong tapos pinunasan ulit siya
Nang mapunasan ko siya ay pumunta ako kay zag para sana punasan siya ng bigla na umalis si baby damien "What happen?" Tanong ko 'kay zag
Nagkibit balikat lang siya at kinuha ang towel sa kamay ko "He's jealous. You should go. Galit na 'yun." Nalilitong kinuha ko ang mga gamit ko at sumunod 'kay baby damien pero pagdating ko sa parking lot ay wala na siya. Wala pa naman yung sasakyan ni Kuya. Sinundo niya kasi ako kaninang umaga tapos sinabi niya narin kina mommy at daddy na kami na
Tinanong ko 'yung guard ng school si kyle, ang sabi niya niya may kasama raw siyang babae na taga-college school pero Naghintay parin ako ng isang oras sa shed sa harapan ng school kaso wala na talaga siya, umaambon narin. Naghintay ako ng taxi at salamat naman at meron huminto sa harapan ko. Ibinigay ko ang address ko sa kay kuyang driver
Wala naman akong ginawang masama para iwan niya ako sa school. Naghintay pa ako sa kaniya ng isang oras baka sakaling balikan niya ako kaso walang dumating na damien. I'm mad at him. Kung nagseselos siya, selos lang walang iwanan dahil wala akong sasakyan. I'm scared to ride taxi pa naman sometimes. Sa england kasi, nay mga taxi'ng na ngingidnap. I have no choice lang. Sa susunod hindi na ako sasabay sa kaniya. Gigising na lang ako ng maaga para sumabay 'kay Kuya.
Nang tumingin ako sa labas ng bintana ay malakas na ang ulan. Kanina pa ring ng ring 'yung phone ko pero wala akong sinagot kahit isa
"Ma'am saan po dito ang bahay niyo?" Tanong ng driver
"300JS kuya." Inabot ko 'kay kuyang driver yung bayad
"Ma'am, wala ba kayong ibang pera diyan? Wala po kasi akong panukli 'tong isang libo niyo." Sambit ng driver
"Hindi kuya. 'To pa po, salamat po at naiuwi niyo ako." Binigyan ko pa siya ng dalawang libo at patakbong pumasok sa bahay
"God, we're worried about you! Kanina ka pa namin tinatawagan! Saan ka ba galing? 9 na, oh." Nag-aalalang sambit ni mommy at kinuha ang paper bag sa kamay ko
"Sa taas na po ako, mommy *achoo!* magpapalit na lang ako ng damit." I know na nasa sala sila tita jillian pero nilagpasan ko lang sila. Nang makarating ako sa kwarto ko ang ini-lock ko 'to at hinubad lahat ng damit ko tapos nagtungo sa banyo
Nakarinig ako ng katok pero hindi ako lumabas ng banyo hanggang sa hindi mawala ng katok
Nagpalit ako ng panligo at natulog na bumabahing
*******
Kay bago bago pa lang nila, tampuhan na?
Kawawa naman si ezra😢
Vote po😊😘
BINABASA MO ANG
Seducing the cold Heirloom of Servantes
Teen Fiction[COMPLETE✓] sabihin natin, isang tingin lang niya sa kanya ay nahulog na ang loob niya sa kanya. pero ganun din ba siya? magugustuhan niya ba, kung isa siyang spoiled brat, annoying kung magsalita at higit sa lahat ay madaling magselos at magtampo? ...