"Malapit na ang laban ninyo, baby damien. Kailangan mung galingan, ha?" Sambit ko sa kaniya habang nakatutok sa kaniya
Tumingin naman siya saglit sa akin pero ibinalik rin agad ang tingin niya sa daan "Gagalingan ko. Basta nandoon ka, mag-checheer."
"Ako pa? Talagang gagalingan ko ang pag-che-cheer sayo. Para naman ganahan ang boyfriend ko." Pinanggigilan ko ang pisngi niya at humalik sa pisngi niya
"Ang sweet naman ng, baby ko." Sobrang bilis ng tibok ng puso ko sa pag-tawag niyang baby sa akin. Ang sarap sa pandinig,
"Sige na. Babye na." Paalam ko sa kaniya at akmang bababa na ng sasakyan ng hawakan niya ng mahigpit ang kamay ko
"Bakit?" Tanong ko sa kaniya ng makita kung nakabusangot siya
"Gusto kung hindi na matapos ang oras na 'to para makasama pa kita ng matagal. Gusto kung pahintuin muna ang oras kahit isang oras. Bakit kapag kasama mo ang mahalagang tao sayo, ang bilis bilis ng takbo ng oras." Paghihimutok niya habang nakatingin lang sa kamay ko
Ang gwapo ng boyfriend ko pero napaka-drama. Hay,
'Aha! May naisip ako!'
Binawi ko ang kamay ko sa kaniya at dinampian siya ng halik sa labi "Kailangan ko ng pumasok. Baka lalong lumakas pa ang ulan. Sige kita tayo bukas." Malungkot naman siyang tumango sa akin at binitawan ang kamay ko
Nang makapasok ako sa bahay ay agad agad akong tumakbo sa kwarto ko at nag-palit ng pantulog. Nakapagpalit na ako kaya nag-tungo ako sa kwarto nila mommy at daddy. Kumatok ako bago pumasok. Hawak hawak ang paborito kung unan na kulay brown na may halong kulay green
Naabutan kung nasa kama sila. Nakapatong sa hita ni daddy ang laptop niya, nakasandal siya sa headboard ng kama, habang si mommy naman ay nakasandal ang likod niya 'kay daddy habang may hawak na makapal na encyclopedia
Sumampa ako sa paanan nila kaya napatingin sila sa akin "Matutulog ka dito?" Tanong ni mommy
"Hindi po. Gusto ko lang po sanang mag-paalam, kung maaari ba akong matulog kila tita jillian." Nag-katinginan naman sila mommy at daddy ng matagal. Kapag ganiyan sila mag-titigan, alam kung hindi nila ako papayagan
BINABASA MO ANG
Seducing the cold Heirloom of Servantes
Teen Fiction[COMPLETE✓] sabihin natin, isang tingin lang niya sa kanya ay nahulog na ang loob niya sa kanya. pero ganun din ba siya? magugustuhan niya ba, kung isa siyang spoiled brat, annoying kung magsalita at higit sa lahat ay madaling magselos at magtampo? ...