"Watch me reach my dream,"
Rue
Nagsimula ang pandemya na para bang wala lang sa akin hanggang sa umabot sa balita na ito ay delikado. Akala ko noong una ay wala lang ang mga ito. Akala ko noong una ay matitigil agad ito dahil iba na ang panahon ngayon, hindi katulad ng dati na ang medisina ay hindi ganoon kadali mahanap.
Masyado lang tayo naging kampante. Hindi pala dapat.
"Sumama ka na samin," Sabi ng ate ko na nakaupo sa sofa, mukhang pagod na pagod mula sa duty niya sa baranggay. I became confused and looked at her.
"What the fuck?" Hindi ako makapaniwala na sasabihan niya ako na sumama sa kanila sa duty nila. Mukhang hindi naman papayag sila mama kung ganoon at mukhang hindi ko kakayanin.
"It's just duty, bro." I sighed. Sana ganoon na lang kadali magsabi sa magulang - as if naman na papayagan nila ako.
Weird stuff kasi naghuhugas ako ng mga pinggan tapos kino-convince ako nitong kapatid ko na sumali sa brigada nila. Hindi pa ako sure kung saan ako interesado. Actually Grade 10 pa akong kino-convince ni Matt na sabay kaming mag fire & rescue kaso umayaw ako kasi parang hindi ko trip.
Ngayon, ate ko naman nagcoconvince. Sana maconvince ako.
"Okay, fine. Shut up ka na," Tuwang tuwa naman itong kapatid ko na pumayag ako.
"Mamaya, magpaalam ka na ah? Bukas ka na start," Tangina.
"Agad agad? Wala munang pahinga? Hindi muna magmumuni-muni?" Lumingon ako sa kaniya habang nagbabanlaw ako ng mga hugasin at tumango siya.
"Oo, ganoon ka kaready," Ang bilis ng kabog ng puso ko, bukas na kasi agad.
Naisip ko kaagad kung ano susuotin ko at kung ano gagawin ko sa first day ko sa brigada. Kinakabahan ako kung sino mga kikitain ko sa araw na iyon - bukas pala. Hindi ako sure kung ano gagawin ko. Sarap bumack-out pero hindi ako pwede maging talkshit kasi 2 years na akong hinihintay nila Brandon para sumali sa brigada.
"Ano susuotin ko?" Tanong ko at niligpit ko na ang mga malinis na pinggan. Nagcecellphone siya at mukhang hindi pa ako narinig.
"Hoy,"
"Oh, bakit?" Nilapag niya ang cellphone niya sa tabi niya at tiningnan ako.
"Ano susuotin ko?"
"Cargo pants? Jogging pants? Anything you're comfortable with," Sabi niya at naisip ko na pwede kong suotin ang cargo pants na bagong bili ko sa shopee. Pwede naman iyon tapos black shirt.
Iniwan ko muna siya sa sala at pumasok ako sa loob ng kwarto kung saan nandoon tatay namin at nanay ko. Parang hindi muna ako magpapaalam ngayon, feeling ko papagalitan ako.
Umupo muna ako sa kama at tiningnan ko ang pinapanood nilang palabas. Mukhang busy, mukhang ayaw paistorbo. Nag-iingay naman ang kapatid kong 5 years old, mukhang pwede na ako magpaalam sa kanila.
"Ma, dad, pwede po ba akong magvolunteer?" Tiningnan nila ako ng matagal hanggang sa kumunot noo ni mama.
"Ano?" Tanong ni mama. Mukhang hindi pwede.
"Kung pwede ako magvolunteer?"
"Hindi pwede, alam mo naman ang panahon ngayon. May pandemic," Sabi ni mama at mukhang galit pa tono ng boses niya. Hindi ko din alam kung ipupush ko o hindi eh.
Ang dami na nilang sinabi basta ng rinig ko na lang ay hindi pwede. Galit na galit sila so huwag na lang ipilit. Pumasok sa kwarto si ate at sinabi na lang ni dad na hindi ako pwede pumasok sa brigada since minor pa ako at pandemic ngayon.
Weird stuff kasi nagvovolunteer si Brandon, minor din naman iyon.
"Songs," Sambit ni ate habang nagcecellphone na magkatabi sa kama. Ngumiti na lang ako na kunwari walang nangyari.