002

11 1 0
                                    


"Don't underestimate me,"


RUE


I woke up early to get ready for my first day. Sabi ni ate na papasok kami mga 8:00 am pero 7:00 am na at hindi pa siya nag-oonline sa messenger. Baka tulog pa ito tapos nagising pa ako maaga, dapat natulog muna ako konti.


Ready na ako at nakasuot na ako ng damit - cargo pants at black shirt, magsasapatos na lang ako na white. Hindi ko pa nasasabi ng maayos kay Brandon na magvovolunteer ako ngayon sa brigada nila. Gusto ko kasi magulat siya pero feeling ko alam na niya pero hindi pa siya sure.


"Ayaw pa magising," Sabi ko at chinat ko ulit ang ate ko na mukhang tulog pa nga. Pagkatapos ay nilapag ko ang cellphone ko sa tabi ko habang nakahiga ako sa kama ko - hinihintay na lang siya para makapagsimula na rin ako ng first day ko.



Maya-maya, narinig ko ang cellphone ko na nagvibrate kaya tiningnan ko ulit kung message na ba ito ng ate ko. Nagmessage nga siya at sinabi niya na magbibihis na lang daw siya.


8:03 am na, ganoon pala kabilis ang oras.


Nagreply na lang ako sa kaniya ng 'okay' kaya nagscroll muna ako sa facebook. Sobrang bored ko, feeling ko inaantok na ako. Biglang nagriring phone ko at may natawag, si ate lang pala ang natawag.



"Ano? Ready ka na?" Tanong niya mula sa kabilang linya.


"Kanina pa," Sabi ko at tumawa siya.


"8 is 8 pa din, bro. Arat na, nandito na ako sa labas," Sabi niya.



Iba kasi bahay niya dahil magkaiba kami ng nanay. Nakatira ako sa bahay ng tatay namin while nakatira naman siya sa bahay ng mama niya.


Tumayo na ako at lumabas na ng bahay. Nagpaalam na rin ako kay mama at kay dad. First time ko lumabas ulit ng bahay simula nung nagsuspend ng klase sa school namin. Balita ko maglolockdown ang barangay namin pero hindi pa sure kung kailan.


Nakita ko na si ate na nakatactical pants at black shirt, may medic bag na rin siyang dala at may radyo. One week na rin siyang nagvovolunteer sa barangay sa fire & rescue department.



"Scam ka," Sabi ko habang naglalakad kami papunta sa outpost ng barangay, nandoon daw kasi yung fire & rescue department. Tumawa naman si ate dahil late siya sa sinabi niyang 8:00 am ang punta sa baranggay.


"8 is 8 nga," Sabi niya. Sa bawat lakad namin, nararamdaman ko ang kaba ko pero okay naman siguro doon.



Since pandemic ngayon, nakamask kami at medyo mahirap din huminga kasi hinihingal kami ng konti sa paglalakad ng mabilis.

LockdownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon