"Do what makes you you,"
Rue
Second day ko ngayon as a volunteer at mag-aadjust pa ako sa mga kasamahan ko sa outpost at sa baranggay din.
Medyo hindi maaga ako nagising para sa pasok ko ngayon kasi kahapon napuyat ako. Mga 9:00 am na kami ngayon papasok kasi sobrang aga talaga ng 8:00 am. Chinat na rin ako ni Red na magbibihis na rin siya. Kakain na lang ako ng almusal tapos aalis na kami.
"Kamusta naman duty mo kahapon?" Tanong ni mama 'nung pagpasok ko sa kwarto nila. Nakabihis na rin ako at kakain na ako. Tumango ako at sinuklay ko ang basang buhok ko.
"Okay naman, ma. Enjoy ako," Sabi ko kay mama habang nakangiti ako.
Deep down, alam ko naman na ayaw talaga ni mama na magvolunteer ako kasi kinakabahan siya na baka mahawa ako sa mga tao. I mean, wala naman dapat ikatakot kung maingat naman sa labas eh. Social distance at iwas usap lang sa mga tao - 'ayun lang naman gagawin pero syempre, hindi mo rin maiiwasan matakot sa nangyayari ngayon.
Lahat tinatamaan ng sakit, kahit sino ka pa.
Bakit nga ba gusto kong magvolunteer ngayon? Ngayon pa talagang may pandemic? Dati talaga, gusto ko na tumulong pero nadadala ako ng hiya.
Ayaw rin nila mama 'tong pagvovolunteer ko kasi hindi naman siya malapit sa course na kukunin ko - accountancy. Pero hindi ko pa sinasabi sa kanila na hindi pa ako sure sa curse ko, naprepressure lang talaga ako. Baka sa pagtry ko sa mga iba't ibang field, baka doon ko malaman kung ano gusto ko.
Ayaw rin naman nila ng Theater Arts, Psychology - hindi ko na rin alam.
"Mag-ingat ka doon ah," Paalala ni mama. Tumango ako habang nakain ako ng almusal at siya ay nagtutupi ng dumit na nilabhan niya kahapon.
At nang matapos ako kumain, chinat ako ni Red na ready na siya. Naghugas muna ako ng pinagkainan ko at nag-ayos ako saglit. Nagpaalam na rin ako kay mama at lumabas na ako ng kwarto, nakita ko si Red na nakatactical pants ulit pero iba naman ang kulay ngayon. Blue tactical pants ang suot niya kahapon, ngayon naman ay yellow at black.
"Arat na," Sabi ko at nakita namin si dad na nandoon sa labas ng office niya. Nagpaalam na rin kami sa kaniya at nagsimula na kami maglakad papunta sa outpost.
"Yes naman, nakasampa siya firetruck kahapon oh," Sabi ni Red at tumawa naman ako.
"Swerte ko 'dun banda," Sagot ko naman habang pabilisan kami ng lakad. Mas matangkad pa ako sa ate ko kaya nauunahan ko siya.
"Hoy, ang daya!" Sigaw niya at binagalan ko na ang lakad ko para sabayan na siya.