PROLOGUE

14 1 0
                                    

''LET me explain love please.." I pleaded pero tinignan niya lang ako ng masama.

Love, please hear my side. I'm your girlfriend.

"Explain? you don't have to. Sapat na ang nakita kong may kahalikan ka. Really? sa harapan ko pa talaga. You can use the comfort room kung di na talaga kayo makapag hintay nang lalaki mo. Such a bitch." Sabay binitawan ang kamay kong nakahawak sa kanyang braso. Ngunit di ako nagpatinag at mas lalo pang hinigpitan ang pagkaka-hawak. 'Di yun totoo! It was just a mistake!

"Please listen to me love, di ko yun ginusto. Bigla lang akong hinila ng di ko kilalang lalaki. I swear, love. Please hear me." Gusto kong maiyak. Ngunit pinipigilan ko ang aking emosyon. Wag ngayon please.

"Love? At may gana ka pang banggitin 'yan matapos mo akong pagtaksilan, ha?" Sigaw niya na nakapag-igtad sa akin. dyosko, ano ba 'tong nangyayari?

"Pero love—"

Di na natuloy ang sasabihin ko sana nang tinulak niya ako ng napakalakas. Baby!

"Ayoko na. Simula ngayon ay wala ka nang karapatan sa buhay ko. Kahit kailan ay wag mo na akong lalapitan o magpakita man lang sa akin. You're nothing but a slut." Parang nadudurog ang puso ko sa mga katagang kanyang binitawan. Am I that worthless? Ganun na ba kadali para sayo ang bitawan ako? kami? Wala na bang pag-asa?

"Love please, wag ganito. Let's fix this. For our fami—"

"Shut up. Shut the f*ck up! I don't need your explanations. I'm done with you. Tapos na tayo. I don't need you. And will never be." I want to cry. But my stupid eyes can't. Manhid na yata ang puso ko.

After he said those words, walang pag-alinlangangkinaladkad niya ako palabas ng office niya sabay tulak na ikinaupo ko sa sahig. Akala ko ay umalis na siya but I was wrong.

"And also, don't forget. Wag ka nang magpapakita sa akin. From now on, you are just a 
stranger." he said and slam the door.

I'm hopeless. Akala ko pag nagpunta ako sa company niya at sabihin ang magandang balita ay magiging isang pamilya na kami. Akala ko lang pala 'yon.

Lumabas ako sa kanyang napakalaking kompanya saka tinignan ito bago ako umalis.

Wag kang mag-alala, wala nang kukulit at magmamahal sa'yo ng higit pa sa inaakala mo. It seems like ito na ang huli nating pagkikita. I guess di talaga tayo para sa isa't-isa. Someday, may lalaking tatanggapin ako at mamahalin ako ng higit pa sa
inaakala mo. I love you, goodbye.

As I enter my car, hinimas ko ang aking tiyan sabay sabing..

'Don't worry baby. Papalakihin kita ng puno ng pagmamahal. Kahit na inabandona na tayo ng tatay mo, sisikapin kong itaguyod kita ng ako lang mag-isa. Kapit ka lang anak, I love you.'





LUVSSSS

Her Posessive BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon