CHAPTER 1

17 2 0
                                    

- HER POV -

"SURE ka na ba sa dedisyon mo iha?" rinig kong tanong ng aking mama sa likod ko. kasalukuyan akong nag e-empake ng aking mga gamit. Maybe he's right. I'm worthless. Nakakapagod din palang mahalin amg taong tanging sakit lang ang binibigay sa'yo. Ayoko na. Suko na ako. I'm tired.

"Opo Mama. Ilang beses ko na itong pinag-isipan at isa pa, ayaw ko nang masaktan pa sa taong di naman talaga ako mahal simula't sapul. I can't take this anymore, Ma." I saw her sad emotion. Masakit man isipin na ang taong sobrang minahal mo nang lubusan higit pa sa buhay mo ang siya palang sisira sayo higit pa sa inaakala mo.

Alam kong sobrang nanghihinayang si Mama para sa amin ngunit sadyang may mga bagay na di talaga natin inaasahan.

"Sweety, hindi mo naman kailangan pang pumunta sa ibang bansa. May rest house naman tayo. Sino naman ang aalalay sa'yo dun, 'nak? At isa pa, di lang ikaw ang aalis. Pati na rin ang apo ko." naiiyak na sabi ni Mama. Agad kong nilapitan si Mama saka niyakap. Mamimiss ko 'to.

"Shh.. Mom. Wala ka nang dapat pang ipag-alala pa. I can handle my self and also my baby inside. Pwede ka namang bumisita sa amin ni baby, Ma. Para saan pa ang pagiging 'Reed' ko kung magpapa-api lang ako. Ako kaya ang binansagang bully noon sa campus, diba Mom?" I joked. Ayokong umalis na nakikita kong nalulungkot si mama. She and my baby are my strength.

Mahal na mahal ko sila.

"Ma wag ka nang mag-drama diyan. Nasisira ang beauty mo. Gusto mo bang tawagin ka ng apo mo na gurang, Ma?" Agad namang napa hiwalay si Mama pagkasabi ko no'n at hinampas ako ng mahina sa braso. Sadista talaga itong si Mama kahit kailan.

"Alam mo ikaw bata ka, ako na nga lang ang tatapos sa pag e-empake ng mga gamit mo dyan at mag-ayos ka na. Aalis na tayo mamaya." napailing nalang si mama saka kinuha ang mga gamit ko at itinuloy ang aking ginagawa.

Napatayo nalang ako at pumunta sa CR para maligo. Ngunit bago pa ako lumabas ay niyakap ko muna si Mama ng napakahigpit at hinalikan sa pisnge saka umalis. I will miss my Mom so much.




- THIRD PERSON'S POV -

"BOSS heto na po ang CCTV footage sa lobby na hinihingi n'yo ho." sambit ng naka yukong lalaki.

"Leave it on my table." malimig na sabi ng lalaking naka black suit. Agad na tumango ang lalaki at inilapag ang disc saka lumabas.

Tumayo ang misteryosong lalaki saka kinuha ang disc saka nilagay sa player. Agad na napayukom ang kamao ng lalaki nang makita ang nangyare sa lobby ng kanyang kompanya.

Pumasok ang kanyang girlfriend sa building habang may ngiti sa mga labi. Habang patungo na ang babae sa kanyang office ay may biglang humablot sa kanyang girlfriend saka marahas na hinawakan ang kanyang braso.

Kitang kita ang pag umiglas ng babae para lang makawala sa pagkakahawak ng pangahas na lalaki ngunit mas hinigpitan lang ang pagkakahawak nito. Sa unahan nila ay biglang tumunog ang elevator nang naturang building.

Akmang sisigaw ang kanyang girlfriend para humingi ng tulong sa taong pababa ng elevator nang hinigit siya ng pangahas na lalaki saka hinalikan. Kitang kita ang pagkagulat sa mga mata ng babae at ang pandidiri.

Mas lalo pang nagulat ang kanyang girlfriend nang makita siya nito kabababa galing ng elevator. Gustong mag protesta ng babae ngunit bago pa siya makapag salita upang ipaliwanag ang namgyare ay nagsalita ang kanyang nobyo.

"Follow me in my office." walang emosyong saad nito saka tinalikuran ang dalawa. Agad na bumitaw ang babae sa pagkakahawak saka sinampal ang pangahas. Napaiyak nalang siya..


-

GALIT. yan lang ang tanging nararamdaman ng lalaki matapos makita ang buong pangyayari. All this time, walang kasalanan ang girlfriend niya. Ang babaeng tinawag nyang 'slut' at pinalayas sa kanyang kompanya maging sa kanyang buhay. Ang babaeng walang ginawa kundi ang mahalin siya ng lubusan.

'Shit, What have I done? Nawala na sa akin ang babaeng walang ginawa kundi ang pasayahin ako. Love, please forgive me.' he pleaded.

*Kring Kring*

Napalingon nalang siya sa kanyang cellphone nang nag-ring ito. Someone's calling. He immediately accept the call without any hesitation.

"Who's this?" Agad na nailayo ng lalaki ang cellphone niya nang biglang sumigaw ang caller sa kabilang linya.

[BRO! YOU NEED TO COME HERE, ASAP!]

Napakunot nalang ang noo ng lalaki ng makilala niya ang tumawag sa kanya.

"What do you want, Benjamin? at bakit naman ako pupunta diyan?" Biglang tumahimik ang kabilang linya. Minutes later ay nagsalita ito.


[BRO, NAKITA KO SI CASSANDRA! NASA AIRPORT KASAMA ANG MAMA NIYA. AND I THINK AALIS SIYA O SILA- AY EWAN BASTA MAY DALA SILANG BAGAHE. MAY NANGYARE BA BR-]

Hindi na niya pinatapos ang tawag at agad na ibinaba. Kailangan niyang puntahan ang kanyang girlfriend. He will ask for forgiveness sa lahat nang nasabi niyang masasakit na salita. He can't lose her. Not now, not ever.

Dali-daling lumabas ang lalaki sa kanyang kompanya saka sumakay sa kanyang mamahaling sasakyan at pina harurot patungong Airport kung saan naroon ang kanyang girlfriend.


"Wait for me, Love. Parating na ako. If you have a plan on leaving me, sorry but I can't let you go. Akin ka lang, Love. Wait for me'


LUVSSSS

Her Posessive BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon