"Mag shopping lang kayo dito, doon lang kami sa Arcade. Little sis, just call me or Zeke if you need anything okay?" bilin ni Kuya Zach bago sila umalis. Tumango lang ako sakanya bilang pag sagot.
"Bye." sabay-sabay na paalam nilang apat.
Bumaling ako kay Ate Hayley, kitang-kita ang kanyang malapad na ngiti.
"Ate Hayley, let's go na? San mo gustong mauna?" tanong ko habang naglalakad kami sa area kung saan nandon ang mga designer brands, at luxury brands.
"Ahm... sa make ups muna. I forgot to bring my make up bag eh. Naiwan ko sa Philippines. So dahil model ka, ikaw ang mamimili for me, yung sa tingin mo bagay sa aken, yung magmumukha akong model like you."
"Ate, kahit wala kang make up, mukha ka ng model, nasa lahi niyo na ata ang pagiging maganda ang mukha." papuri ko sakanya.
"So you're saying na pogi ang kapatid ko? Napopogian ka kay Aiden noh?" pang aasar niyo sa aken.
"So teasing me ate. Pogi po si Aiden but may girlf---"
Hindi ko na natapos ang sinasabi ko ng hilahin niya ako papasok sa Target. Hindi papala kami nakakarating sa area ng mga designer brands.
"Sabi ng my friends ko maganda daw ang mga damit dito. I just want to buy some tops, and a pair of slides. At let's check their make-up section dito. Ikaw ang mauna, hindi ko alam ang pasikot sikot dito. And I need to buy facial wash. The one na ginagamit mo. I saw your Ig post, kaya yun na din ang ginagamit ko."
Namili lang kami ng tops and slides. Bumili na din ako for me dahil madaming magandang clothes ngayon doon. Nang dumating kami sa make up section, ako na ang pinapili ni Ate Hayley. Pinili ko yung mga products na wala sa mga local brands sa pinas. I bought some for my bestfriends too.
"Thank you for today Ollie. Kahit ngayong araw lang nafeel kong may kapatid akong babae. Ang dami nateng nabili, buti nalang we have our money na. Anyway, alam mo bagay kayo ng kapatid ko. But meron na siyang girlfriend, hindi ko pa nakikita yung girl na iyon. Pero for sure mas better at mas maganda ka." saad sa aken ni Ate Hayley habang palabas na kami ng mall.
"Anytime Ate, pwede natin itong gawin. Habang nandito tayo, magbobonding tayo. Sana mag enjoy kayo sa stay niyo dito sa amin. I don't think na magwowork po kami ni Aiden. And ayoko pa pong mag boyfriend ulit." sagot ko sakanya.
Nag-beep ang phone ni Ate Hayley bago pa siya makasagot sa sinabi ko.
Nang matapos niya basahin ang message sa phone niya ay bumaling ito sa aken at nagsalita. "Aiden texted me, iniintay daw nila tayo sa carpark kung saan ka nag park earlier."
"Oh ganun ba? Let's go"
Malapit lang ang carpark na pinagparkan ko kaya mabilis kaming nakapuna. Nakita ko ang dalawa kong kuya kasama si kuya Phoenix na nagkukulitan. Samantalang si Aiden ay tutok sa phone niya at nakakunot ang noo.
"Hey Beautiful Ladies, how's your shopping? Hmm Look's like nag waldas kayo ng mga pera niya ah." pang-aasar ni Kuya Zeke.
"Ano pang ineexpect mo Zeke, babae ang mga yan at may mga pera pa." sagot ni Kuya Phoenix
Si Kuya Zach naman ay dali-daling kinuha ang paper bags na hawak ni Ate Hayley. Parang may something ah. Bakit ako hindi tinulungan magbitbit?
"Ahm... Guys, yung girlfriend ko, nakita niya yung Ig story ni kuya Zach kanina na magkakasama tayo. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa utak niya. Sabi niya pasakay na daw siya ng plane papunta dito sa melbourne. And nalaman niya ang area ng house niyo dahil sa fans." aniya ng may halong lungkot.
Ikinagulat naman naming lahat ang sinabi neto. Well may mga kapitbahay kaming may dugong pinoy na 'fans' ko daw kaya hindi na ako magtataka na fan din sila ng gf ni Aiden at madali nitong nalaman ang area namin.
"So mukhang may bisita tayo kaya let's go home." yaya naman ni Kuya Zach sa amen.
Magkikita ulit tayo. Let's see kung makakapag taray ka pa ulit sagot saken this time.
Dito ako nakasakay sa kotse ni Kuya Zach, kasama si Ate Hayley. Yung tatlong lalake naman ang gumamit ng car ko. One hour drive pero parang mabilis lang dahil nakatulog ako, dahil narin siguro sa sobrang pagod.
Nang makarating kami sa bahay, nandun na ang car na gamit ng mga parents namin kanina.
Mag didinner na nga dumating kami sa bahay.
Bukas ang dating ng babaeng iyon. I need some beauty rest.
Nag dinner lang kami pag dating namin sa bahay. Napag usapan na din namin yung about sa dadating na girlfriend ni Aiden, hindi sila pinayagan na mag kasamang sa isang room, madami naman kaming guest rooms dito sa bahay. Dalawa sa third floor, kasama ng kuwarto nila Mom and Dad. Tatlo dito sa second floor.
After namin mag dinner, pinuntahan ko si Ate Hayley sa room niya na katabi ko lang. Nagrequest ako kung pwede kaming mag pamper night dalawa. Buti nalang at madami akong biniling skin care kanina.
"Sorry Ollie ha. Hindi rin alam ni Aiden na pupunta dito yung girlfriend niya." saad sa aken ni Ate Hayley
"It's okay ate. Wala iyon." sagot ko naman sakanya.
Ang dami pa naming napag kuwentuhan ni Ate Hayley about sa life, and sa career namin. Dito ko na pinatulog si Ate Hayley sa kwarto ko para hindi na siya lumabas pa.
YOU ARE READING
Should I Trust Again?
RomanceBubuksan pa kaya niya ang kanyang puso para magmahal ulit? Sa hindi inaasahang pag kakataon, ang dalawang taong sawi sa pag-ibig ay pagtatagpuin ng tadhana. ***ito ay aking unang kuwentong isunulat, sana ay magustuhan niyo.