Hindi na namin nakausap si Anne, after ng usapan nila ni Aiden. Kahit ang mga parents namin ay hindi na ito kinausap. Nagpaalam nalang ito sa amen na aalis na daw siya, at nag pasalamat sa pag papatuloy sakanya. Umuwi na din sila Tito Vince at ang family niya.
Tatawagan na lang daw ni Anne si Zender para makapag-usap sila.
Tahimik lang kaming nagdinner, hindi na muna nagtanong sa amen ang aming mga magulang. Dahil halata namang wala ni isa sa amen ang may balak mag salita tungkol sa nangyare.
Natapos na ang dinner, nasa room na ako. Nakapag ayos na ako, ready na ako matulog pero hindi pa ako makatulog. Kaya pumunta ako sa terrace ng room ko para mag pahangin.
Paglabas ko nakita kong may isang taong naka upo sa gilid ng pool, at may mga can ng beer sa gilid nito. Alam kong si Aiden iyon, kaya kinuha ko ang hoodie ko at bumaba sa backyard.
Lumingon ito sa aken ng marinig niya ang pag bukas ng door.
"Hey." bati nito sa aken habang pinupunsan ang luha niya.
"Pwedeng makiinom?" biro ko sakanya, habang nakaupo na sa tabi niya.
Tumawa naman ito ng mahina. "Sure. Pero wag kang masyadong maglalasing, beer lang naman yan." sabi niya sabay abot sa aken ng isang can ng beer.
"So, kilala mo yung Zender na iyon?"
"Yeah, kababata ko siya. Bestfriends. Minsan nga napag kakamalan kaming mag boyfriend."
"So alam mo na may girlfriend siya?"
"Nope. To be honest, wala talaga. Nagkukuwento siya sa aken, ng mga girls na gusto niya dito sa Australia, mostly Aussie ang naging girlfriend niya noon. Then a week before ako umuwi ng Pilipinas, nag sabi siya sa aken na may gusto siyang babae sa Pinas. Iyon lang ang sinabi niya, hindi ko naman alam na si Anne iyon.Hindi na ulit na sundan iyong pag kikita namin bukod kanina." sagot ko
"She's my first. Two months ago, akala ko ako na ang pinaka masayang lalake sa buong mundo. Kase sinagot ako ni Anne, after two months na pangliligaw." panimula niya.
"Before, sobrang Playboy ko. Like, mag dadate kami ng isang babae tapos iiwan kona siya. Pero nung makilala ko si Anne, kagaya ng ibang Playboy nag bago ako. No more clubs, bars. Hindi ko pa siya pinapakilala sa family ko kase alam ko namang sasabihin lang nila na isa siya sa mga babaeng lolokohin ko. Sa two months na iyon, feeling ko the best boyfriend na ako. Pero hindi pala, hindi ako enough. Sabi ni Anne, five months na silang may relasyon ni Zender. Ako yung nag mukhang kabit. Bakit? Ang sakit pala noh?"
"Damn it! Noon hindi ako makikitang naiyak para sa babae. Tanginang pag-ibig! Totoo pala talaga siguro yung kahit ibigay mo na ang lahat sa isang tao, kung magloloko ito, mag loloko. Akala ko lalake lang ang nag loloko. Masakit pala noh? Diba naranasan mo na ito?"
"Oo. Masaket, mahirap sa umpisa. Pero dahil sa mga tao sa paligid ko, nagawa kong makalimot. Nakakatangina yung pag-ibig noh?"
Tumango naman ito.
"Sana pala sinunod ko nalang sila Mommy at Daddy. Sana pala hinayaan ko nalang silang ipag kasundo ako. Kase ngayong nakilala ko na siya. Nararamdaman ko na mas sasaya ako sakanya. Nag sisisi ako, ngayong kilala ko na siya, siguro kung tinuruan ko nalang ang puso ko na mahalin yung taong iyon mas sasaya pa ako. Sana hindi ako ngayon nandito at umiiyak."
Nagulat ako sa sinabi ni Aiden. Ibig sabihin ipagkakasundo siya?
Hinagod ko nalang ang kaniyang likod. "Iiyak mo lang. Bukas igagala kita. Tutulungan kitang makarecover. Magiging okay ka ulit." ngiti ko sakanya
YOU ARE READING
Should I Trust Again?
RomanceBubuksan pa kaya niya ang kanyang puso para magmahal ulit? Sa hindi inaasahang pag kakataon, ang dalawang taong sawi sa pag-ibig ay pagtatagpuin ng tadhana. ***ito ay aking unang kuwentong isunulat, sana ay magustuhan niyo.