Aiden's POV
"Dad, can we talk?" tanong ko sakanya ng makita ko siya sa backyard ng bahay nila Ollie.
"Sure. About what?"
"About sa agreement naten? I think kailangan kong subukan. Makakatulong sa aken 'to." sagot ko naman sa kanya.
"So nagbago na ang desisyon mo?" tumango ako sakanya bilang pagsang ayon sa sinabi niya.
"Buo na ba ang desisyon mo?" tumango uli ako sa kanya.
Simula ng magtanong si Ollie sa aken kanina habang nasa biyahe kami pauwi dito, napag tanto ko na hindi niya kilala kung kanino siya ipinag kasundo ng magulang niya. Pero pumayag siya? Ang tibay din ng babaeng 'yon eh.
Bumuntong hininga si Dad bago mag salita. "Kakausapin ko si Lucas about this." saad niya bago maglakad papasok ng bahay.
"Dad! Wait, I'm going to Sydney the day after tomorrow." Tumigil naman si Dad sa paglalakad niya at humarap sa aken.
"Why? For what?" takang tanong niya sa aken.
"Kasama ko si Ollie. Nabanggit niya sa aken na nung madami siyang problema doon siya nag pupunta."
"Pinagpaalam mo naman siya sa parents?" tanong niya sa aken.
Napangiti naman ako sa tanong ni Dad, alam ko naman na lagi niya ang sinusuportahan sa mga gusto ko as long as alam niyang hindi naman masama ang gagawin ko.
"Ipagpapaalam ko palang Dad." ngiti kong sagot sakanya.
"Good. Wag kang gagawa ng ika-gagalit ni Ollie okay? Aiden, hayaan mo munang mag heal ka sa past relationship mo ha? Wag mong madaliin." aniya bago tuluyan akong iniwan sa labas.
Pupuntahan ko nalang ang parents niya sa bedroom nila. Naalala ko ang pag-uusap namin kanina ni Ollie sa car. Iyong mga sinabi niya sa aken ang nag pa bago ng isip ko. Actually unti-unting nagbago ang desisyon ko simula ng makilala ko siya. So anong reason ng nangloko sakanya noon para lokohin siya? Or maybe, yan ang kinalabasan ng pangloloko niya.
Ngayon, alam ko na ang pakiramdam ng mga iniiwan ko noon, but hindi naman nagiging kami ng mga iniiwan ko dati.
Nasa third floor ang bedroom ng parents ni Ollie. Pero bago pa ako makarating sa bedroom nila, Nakita kong mailaw sa office ni Tito Lucas so doon nalang ako dumeretso.
Kinakabahan ako habang kumakatok sa pintuan. Hindi ko alam kung baket, pero kinakabahan ako. Mabait naman si Tito Lucas, pero hindi ko alam kapag pinag paalam ko ang nag iisang anak niyang babae na isasama ko sa Sydney.
Tatlong beses lang akong kumatok may nag salita na agad sa loob. "Come in!"
Binuksan ko ang pinto at bumungad sa aken si Tito Lucas na nakatutok sa laptop niya. Nang maramdaman niyang hindi isa sa mga anak niya ang kaharap niya lumingon siya sa gawi ko.
"Oh! Ikaw pala yan Aiden. Need anything?" takang tanong niya sa aken.
"Ahm... Tito, ipagpapaalam ko lang po si Ollie sainyo." Nabigla naman siya sa sinabi ko. "Pupunta po kami sa Sydney, sa susunod pong araw." Nakalimutan ko dapat pala nag english ako, ha...ha...ha... Nakakakaintindi naman siya ng tagalog, actually mas magaling pa siya mag tagalog kesa sa mga cousins ko na pure filipino.
"Okay. Please take care of my daughter. Pinag kakatiwalaan kita Aiden." nakangiti niyang saad sa aken. Naka hinga naman ako ng maluwag, dahil pumayag siya. Tumango ako sa sinabi niya. "Nag usap na kami ng dad mo. Kapag balik niyo from sydney naten pag-uusapan ang about jan. Si Ollie, wala siyang alam about sayo about sa agreement na'to. Take some rest." dagdag niya pa.
YOU ARE READING
Should I Trust Again?
RomanceBubuksan pa kaya niya ang kanyang puso para magmahal ulit? Sa hindi inaasahang pag kakataon, ang dalawang taong sawi sa pag-ibig ay pagtatagpuin ng tadhana. ***ito ay aking unang kuwentong isunulat, sana ay magustuhan niyo.