Chapter 1

10 1 3
                                    

"MIA!" napabalikwas ako ng may tumawag sa pangalan ko.


Good heaven, kailan ba mapapasok ng lalaking to sa kokote niya na kahit kailan ay huwag akong bibiglain.


"Fuck you, Von!" pabulong kong pasigaw sa kanya sabay taas ng middle finger ko.


"Bilisan mo na diyan." hinatak nito ang manggas ng damit ko at ipinunta sa madilim na parte ng kalsada.


This gago is getting on my nerves. Una ay binigla ako ngayon naman ay basta-basta nalang nagnghahatak. Pero kahit na gusto kong umangal sa pinaggagawa nito, hindi nalang ako umikmik. This is not a good place to make a fight with some irritating guy.


Binalikan ko muli ng tingin ang dati naming eskwelahan, I miss going to school. I wanna feel the coldness of the side railings on my palms once again. Ang dating ingay na pumapantig sa mga tenga at kinaiinisan ko ay hinahanap-hanap ko na ngayon.


Gusto ko nang ibalik ang dati.


"Huwag kang umiyak diyan. Mukhang matatagalan pa, ngunit alam kong maibabalik pa naman ang dati." hinawakan ako nito sa balikat at iginiya na patungo pauwi.


Kinuha ko sa kanya ang isang bag na hawak niya, aangal pa sana siya ngunit pinandilatan ko ito ng mata kaya pinabayaan nalang ako nito. Isa pa, wala na kaming oras, kailangan na namin na magmadali.


"Ilang minuto nalang ang natitira?" sinulyapan ko ang relo kong ilang taon na din ang tanda. Napupuno na ito ng alikabok at may sira na din ang salamin.


"Kumukulang isang minuto nalang." tumango ito sa akin, tumango rin ako. Ito na ang kadalasan naming ginagawa tuwing malapit na kaming maubusan ng oras.


Isa pang tango niya ay sabay na kaming tumakbo, nakasuot sa kanya ang isang backpack at tangay-tangay naman niya ang tatlong maliit na bag. Halatang hirap na hirap ito sa kanyang ginagawa ngunit hindi lamang nagreklamo. Gusto kong matawa sa itsura nito.


Ang gago gusto pang buhatin nalang ang lahat kanina, hirap na hira naman pala sa tatlo. Aba pasalamat siya at namilit na ako kanina na kunin sa kanya ang isang bag.


Nang malapit na kami sa bahay na tinirahan namin ay hindi ko na napigilan ang tawa ko. Tinignan lang ako nito ng masama pero hindi na nagsalita ng kung ano.


Gago talaga.


"Bilisan mo diyan. Maubusan ka sana ng hangin kakatawa mo diyan." sabi nito at mas binilisan pa ang pagtakbo. At dahil doon ay mas lalo akong natawa.


Taena. Nauubusan na yata ako ng hangin! Pisti talaga 'tong lalaking to.


Kahit na tumatawa ay humabol pa rin ako sa kanya.


"Kita mo na. Buti di ka inubusan ng oras, andun ka na sana sa mga officer ngayon." bungad nito sa akin pagkapasok na pagkapasok ko ng bahay habang inaayos niya yung mga kinuha naming supplies.

Beyond the Grave (to be Rewritten)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon