Chapter 2

4 1 2
                                    

Halos isang oras ko nang tinititigan ang kisame pero matibay din ito para hindi mahulog sa mga tingin ko. Madilim na ang paligid, pustahan at halos lahat ay tulog na. Hindi pa ako sanay sa tahimik, masasabi ko na nakakabingi ang ito.


Simula ng nangyari ang outbreak ay nasanay na ako sa katahimikan. Kung noon ay kinaiinisan ko ang katahimikan, ngayon ay gusto ko na ito ulit na marinig.


Pumagitna sa katahimikan ang malalalim na hininga ni lola, tanda na malalim na ang tulog nito.


Nilingon ko si lola. Hindi ko napigilan na mapangiti. Nakaawang ang mga labi nito at nakakunot ang noo. Isa lang ang mahihiling ko sa buhay kong ito ngayon. Iyon lamang ay ang magkaroon si lola ng kamatayan. Halos matawa ako sa naisip ko.


Napaka-weird naman pakinggan na hiling ko na mamamatay ang lola ko. Kung may iba sigurong makakarinig nito baka akalain ako nitong baliw,


Hindi ko alam kung ilang minuto pa ako nakatitig lamang sa kisame nang bigla na lamang akong niyakap ni lola.


"Anak, matulog ka na." hinaplos nito ang aking braso tila hinehele upang makatulog ako.


"I love you, la." hinagkan ko ito sa pisnge at pinilit na ang sarili na makatulog ngunit kahit na anong pilit ko ay hindi ko talaga magawang makatulog.


Nakatulong na ulit si lola pero ako hindi pa. Kaysa sa pilitin ko ang sarili ko na matulog ay lumabas nalang ako ng kuwarto. Madilim na sa labas at nakapatay na din ang ilaw sa loob ng limang kuwartong nandirito sa bahay.


Ang mabuti pa ay uminom na lang ako ng kahit na anong makakatulong sa akin na makatulog. Hinahanap ng sikmua ko ang gatas, pero limited lang nandito sa bahay. Kailangan naming magtipid. Next, next week pa ang sunod naming labas upang kumuha ng konsumo. Kahit hindi kami magtitipid ngayon aba baka sa makalawa ay puputi ang mga mata namin dito sa gutom.


Hindi katulad ng nasa ikalawang palapag ay maliwanag naman dito sa baba. Nakaupo si Von sa sala habang nanonood ng tv na nakamute naman.


Paano nito maiintindihan ang pinapanood niya kung walang audio yang tv? Ano magic-magic lang?


"Naiintindihan mo ba yan? Kung hindi, aba nagsasayang ka lang pala ng kuryente diyan." ani ko at kumuha ako ng isang baso ng tubig at tinabihan siya.


Nanood ito ng midnight news program ng isang network. Pangit naman ng pinapanood nito, boring.


"Libre naman kuryente, walang kaso yun." tinuro nito ang isang basong tubig na hawak. Apakatamad naman ng lalaking 'to.


Binigay ko sa kanya ang baso ng tubig na hawak ko na hindi ko pa nababawasan. Tinangga nito at halos maubos na nito ang laman.


"Hoy tubig ko yan!" kinuha ko sa kanya ang baso at bumalik sa mesa sa likod ng sofang inuupuan niya."Kung gusto mong uminom kumuha ka ng sa iyo. Tamad-tamad mo!"


Ang akala ko ay aangal pa siya sa sinabi ko ngunit nanahimik siya. Ayaw na ayaw ni Von na tinatawag siya na tamad, actually lahat ng tao naman yata. Pero ayaw talaga ni Von na pinaparatangan siya na tamad.


Mas gusto pa nga yata nito na matawag na gago kaysa sa tamad.


Nilingon ko si Von, nakatulala ito sa tv. Ang mga mata nito ay punong-puno ng lungkot at mangungulila.


"Von." mahinahon kong tawag sa kanya ngunit hindi man lamang nito napansin at tinig ko.


Nilapitan ko ito at hinaplos ang balikat nito. Agad naman itong napalingon sa akin at ngumiti, halatang pilit lang ito. Dali-dali akong tumabi sa kanya at hinaplos ang kanyang buhok. Sa wakas ay ngumiti na din ito ng totoo. Sinandal nito ang ulo sa balikat ko. Dahil sa lapit naming dalawa ay rinig na rinig ko ang mabibigat niya na hininga.


Sa pitong taon namin na magkasama ni Von sa iisang tahanan, kilalang-kilala ko na din siya. Dala ng mabibigat niyang mga hininga ay ang bigat din ng kanyang nararamdaman. Unti-unti ay kumawala ang mahihina nitong hikbi at yumuyugyog na din ang mga balikat nito.


Natahimik ako sa kanyang naging reaksiyon. Sa loob ng pitong taon, ngayon lang umiyak si Von. Parati ko man itong pinagti-tripan at inaasar, kahit kailan ay hindi ito nagpakita ng ganitong emosyon.


Hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin sa oras na iyon kaya pinagpatuloy ko nalang ang paghaplos sa kanyang buhok.


"Magiging okay din ang lahat." mahina kong sabi dahil kahit ako diskompiyado din sa sariling sinabi.


Tagal nang naging ganito ang takbo ng buhay namin, parang ang hirap ng paniwalaan na may posibilidad pa na maibabalik pa ito sa dati.


Hindi ito nagsalita ng kahit na ano. Tahimik lamang ito na tila hindi alam kung ano pa ang dapat na idugtong sa tinuran ko. Namayani ang katahimikan ng ilang minuto ng bigla na lamang itong binasag ni Von.


"Hindi ko na alam ang gagawin ko," panimula nito, "bawat araw na dumaan, parang natutupos na ang pag-asang lumalagay sa puso ko." suminghap ito, hinahabol ang kaniyang hininga sa pagpigil nitong ipakita ang tuluyan niyang pag-iyak.


Sa loob ng anim na taon, ngayon lang umiyak si Von sa harapan ko. Hindi man siya yung palaging nakangiti at maligalig ngunit hindi naman ito basta't bastang napapakita ng kahinaan niya. Kaya ang larawang ito ng isang Von Porras ay sadyang estranghero para sa akin.


Unti-unti ay inalis nito ang pagkakasandal sa aking balikat at tumingin ng deretso sa aking mga mata.


"Konti nalang, Mia," tinuro nito ang kanyang puso, "ito? Konti nalang at bibitay na ito sa pag-asang matagal niya nang kinakapitan. Konti nalang at baka tatanggapin ko nalang talaga ang katotohanang ganito na ang magiging pamumuhay natin at iisipin nalang na patay na talaga ang mga magulang ko."

Beyond the Grave (to be Rewritten)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon